Nandito ako ngayon sa sementeryo, nakaupo sa harap ng puntod ni Anne, ang kaisa isa kong bestfriend sa buong buhay ko.
"alam mo, anne? namimiss na kita. balik ka na" sabi ko. Pagkasabi ko nun, bigla naman humangin ng malakas.
"uy joke lang, eto naman, di mabiro" sabi ko at tumawa.
"alam mo anne, tumigil na ako sa paghahanap sakanila." sabi ko
"hindi naman siguro ako importante sa mga magulang ko eh. Bakit pa ako magtatyagang hanapin sila." sabi ko at napatawa ng mahina.
Maya-maya, may naramdaman ulit akong malakas na hangin. pero iba ngayon, pakiramdam ko ay niyakap ako ng hangin na iyon kaya napaluha ako.
"lahat nalang kayo, iniiwan ako." bulong ko at napayuko.
sa damuhan dito, may nakita akong isang sobre at dahil chismosa ako, pinulot ko.
binuksan ko ang sobre at may papel sa loob na may nakasulat na "you're important and I think it's time"
hindi ko, actually, naintindihan ang nakasulat. you're important and I think it's time.
anong time? tss.
naisip ko na baka hindi naman saakin ito kaya binalik ko nalang ang sobre sa damuhan.
napatingin naman ako sa relo ko. 7:30 pm na.
"uuwi na ako, anne. hart hart. ily. mwa" sabi ko at ngumiti sa harap ng puntod nya.
nag lalakad naman ako pauwi nang maalala ko yung sulat.
you're important and I think it's time...
kahit anong gawin ko, hindi ko ma-gets.
napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa bahay dahil eto na pala ako.
dumiretso na ako sa kwarto ko para gumawa ng notes. day off kasi ako ngayon sa trabaho ko pag hapon.
habang nakahiga sa kama ko, naalala ko yung nasa sulat.
you're important and I think it's time...
paano kung para saakin talaga ang sulat na iyon?
inisip ko yan buong gabi hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
"Geneva" tawag ng isang magandang boses.
tumingin ako kung saan saan peron hindi ko sya makita.
"Geneva, ako ito, si Anne" sabi ng boses na iyon.
pilit kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Anne.
nilapitan ko sya "A-Anne?" paninigurado ko.
"oo, ako ito, Geneva." sabi nya at ngumiti
nang masigurado kong sya iyon ay niyakap ko sya ng mahigpit.
"Anne! namiss kita" sabi ko habang yakap sya.
tumulo ang luha ko at pinunasan nya ito.
"Geneva, makinig ka saakin" sabi nya.
"pumunta ka sa tree house na tinatambayan natin dati, naaalala mo iyon?" sabi nya
tumango ako.
"pumunta ka doon pagka gising na pagkagising mo dahil...
... ito na ang oras para malaman mo kung sino ka talaga." sabi nya.
tumango tango ako.
"p-pero Anneㅡ"
"wala na akong oras, Geneva. mahal na mahal kita" sabi nya at
"Anne!"
panaginip lang ang lahat?
bumangon ako at chineck kung anong oras na
12:00 am
pumunta ka doon pagkagising na pagkagising mo...
kusang gumalaw ang katawan ko para kunin ang jacket ko at lumabas ng bahay.
pumunta ako sa tree house na tinatambayan namin .
madilim dito, buti may flashlight ang cellphone ko.
umakyat ako sa tree house at may nakita akong sobre.
kinuha ko iyon at binuksan
"you're important and I think it's time" basa ko sa nakasulat.
"Geneva Yoo?" may tumawag sa pangalan ko.
napatingin naman ako sakanya, isa syang lalaking halos kasing edad ko lang.
tumango ako.
"follow me" sabi nya.
"p-paano ako makakasiguradong hindi ka killer... okaya, rapist" tanong ko.
duh 12:00 am sharp na kaya.
"sa tingin mo pag iinteresan kita? tss. sumunod ka nalang" sabi nya at nagsimulang bumaba sa tree house.
napairap naman ako at sinundan sya.
naglakad lang kami hanggang may makita akong ilaw galing sa isang lugar.
"you're a demigod. welcome to camp halfblood"
ㅡ
ayan. kaya ako nakarating dito, Thanks to Anne ;ㅡ) boom pwi boom pwi
ang drama ko. sorry na ㅋㅋㅋ