CHAPTER 15

5.1K 119 2
                                    

NG MAGBUKAS ang pinto ng elevator, namataan nila ang madilim na mukha ni Myron at mas lalo pa itong nagdilim ng makita silang dalawang magkayakap.

Akmang magsasalita si Audrey upang magpaliwanag, pero agad na tinalikuran sila ni Myron.

Agad naman na tumayo si Audrey at akmang hahabulin ang binata, ngunit may kamay na pumigil sa kaniya, si Russells.

"'Wag mo ng habulin ang taong wala namang paki sa'yo," makahulugang anito. Tila ba may kumurot sa puso ni Audrey dahil sa sinabi ng lalaki.

"Halika na. Tumuloy na tayo sa opisina ni Mendez," aya nito sa kaniya at hinila siya sa kaniyang kamay.

Pakiramdam ngayon ni Audrey ay na-drain lahat ng enerhiya sa kaniyang katawan.

Habang naglalakad sila papunta sa opisina ng kaniyang boss na si Myron, unti-unting bumigat ang talukap ng kaniyang mata hanggang sa mawalan na siya ng malay. Ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay, may isang braso na ang sumalo sa kaniya bago pa man siya lumagapak sa malamig na sahig.

AUDREY
Nagising ako sa isang masikip na pasilyo. Nasa gilid lamang ako at nakatingin sa tatlong taong naka-upo sa upuan at nakagapos ang mga kamay at paa at may busal ang mga bibig. Tanging ang munting ilaw na pumupundi-pundi lamang na naka-sabit sa kisame ng kwarto ang nagsisilbing tangway sa munting silid.

Akmang lalapitan ko ang mg ito para kalagan ang lubid na nakatali sa mga kamay at paa ng mga ito ng makarinig ako ng mga yabag at tuluyan na ngang bumukas ang pinto ng munting kwarto.

Pumasok ang mahigit sa sampung armadong lalaki. Ang lalaking nanguna ay hinihinala kong lider nila. Naka-amerikana ito na kulay itim at siya lamang ang tanging may neck tie ng kulay pula sa kanilang lahat.

"Hmp! Hmp!" Daing ng matandang babaeng naka-tali. Hindi nito magawang magsalita dahil sa busal nito sa kaniyang bibig.

"Tanggalin ang busal ng puta na 'yan, " utos ng lalaking naka-pulang neck tie. Agad naman na tinanggal ng isang tauhan nito ang busal ng babae sa bibig.

"Hayop ka, Arman! Sinisigurado ko sa'yo na kapag nasauli ko na ang batang ito sa mga magulang nila, makaka-kuha ako ng malaking halaga ng pera at ipapapatay kitang hayop ka!" Sigaw ng babae atsaka dinuraan ang mukha ng lalaki.

Hindi ko nagawang kumilos. Nanatiling naka-tayo lamang ako rito at tahimik na nanunuod sa mga nangyayari.

"Mamamatay ka na nga't lahat-lahat ay pera pa rin ang nasa isip mo? Bilib din naman ako sa'yo, Cecilia, e. Pero, bago mo man magawa 'yang plano mo, papatayin na kita," ani ng lalaki atsaka kinuha ang isang swiss knife mula sa isa sa mga tauhan nito atsaka pinisil ang pisngi ng babae, dahilan para bumuka ang bibig nito at sinamantala nito ang pagkakataon at sapilitang hinila ang dila ng babae atsaka ito pinutol gamit ang kutsilyo.

Nanlaki ang aking mata sa nasaksihan. Wala akong ibang nagawa kun'di ang takpan na lamang ang aking bibig gamit ang aking palad para pigilin ang aking pagsinghap.

"Ngayong putol na ang dila mo, hindi mo na masasabi kanila Dennmarc kung nasaan ang unica hija nila," anito at tila ba masaya pa sa nakikitang pagdugo ng dila ng babae, samantalang ang babae ay panay ang pag-iyak na may kasamang impit na sigaw.

"Hmp!" Napadako naman ang aking tingin sa lalaking pumalag. Naka-gapos rin ito at puno ng pasa ang mukha nito.

"Ikaw naman," panimula ng lalaking naka-pulang neck tie at tinanggal ang busal sa bibig nito.

The Gangster's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon