CHAPTER 8

6.7K 165 5
                                    

"WHAT ARE you doing here, Lane?" Tanong ni Alexander habang magkaharap ang dalawa.

Kahit anong pag-ignora ang gawin ni Audrey ay hindi niya magawa dahil ang kaniyang buong atensyon ay nasa dalawa.

"Wala naman. On a vacation leave ako ngayon kaya naman nandito ako ngayon dahil sa'yo. Yo te echo de menos, that's why," anito atsaka ngumiti ng matamis dito. Gumanti rin ng ngiti si Alexander kung kaya't labis siyang nilukob ng selos.

"I miss you too, Lane," sagot ng binata atsaka ngumiti.

Dahil hindi na kinaya ni Audrey ang selos na nararamdaman, agad siyang tumayo at walang paa-paalam na pupunta sa banyo.

Ng makarating siya sa cubicle ay agad siayng dumeretso sa isa sa mga cubicles na naroon at duon niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Dahil pakiramdam niya ay mag-isa lamang siya sa banyo, humagulgol na siya na parang isang bata na naagawan ng candy.

Nahihiya siya sa sarili niya. Para siyang isang teenager na first time nagka-crush at nalaman niyang may girl friend na pala ang crush niya.

Ng matapos siya pag-iyak, agad na siyang lumabas ng cubicle at laking gulat niya ng makita roon ang Louise Lane na girl friend ng boss nito.

"M-Ma'am Louise Lane, k-kanina pa ba k-kayo diyan?" Gulat na tanong niya. Hindi siya pinansin ng dalaga at bagkus ay naglagay lamang ito ng lipstick sa labi nito at matapos ay inilagay na ang lipstick sa kaniyang bag bago humarap sa kaniya.

"Yes. And I hear how you cry for my man. Nakaka-awa ka, alam mo 'yon? Umiiyak ka para lang sa isang lalaking alam mong malabong magka-gusto sa'yo. Tsk, pathetic," pang-iinsulto ng dalaga. Napayuko na lamang si Audrey at muli niyang naramdaman ang pagtutubig ng kaniyang mata.

Lahat ng sinabi ng dalaga ay tama. Alam niyang malabo siyang magustuhan ni Alexander kung kaya't kailangan na niyang pigilan ang puso niyang nahihibang na.

Agad na pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi at bumuntong-hininga muna bago lumabas ng banyo at tumungong muli sa opisina ng kaniyang boss.

"Where have been, Audrey?" Tanong kaagad sa kaniya ni Alexander ng makapasok ito sa opisina nito.

"Nag-CR lang, Sir," sagot niya habang nakayuk at muling ginawa ang kaniyang trabaho at pinipilit na iniignora ang dalawa na nagtatawanan na tila ba sayang-saya ang mga ito sa pinag-uusapan nila.

"I have to go, caro. Don't worry, bibisita ako sa bahay mo mamayang gabi, then lulutuan kita ng paborito mong pagkain, then sabay tayong kakain ng dinner. Ano?" Saad ng dalaga atsaka ngumit sa lalaki.

"That's a great idea. Magdala ka na din ng damit mo, then sa bahay ka na matulog para naman magkaroon tayo ng quality time bonding," suhestiyon ng binata na sinang-ayunan naman din ng dalaga.

"Paano, I gotta go, Alexander. See you later," paalam ng dalaga at pagka-kwan ay humalik sa pisngi ng binata at may binulong dito na ikinatawa ng mahina ng binata.

"Take care, Lane," paalala ng binata atsaka nakangiting bumalik sa pagbasa at pagpirma sa mga papeles nito.

Napabuntong hininga na lamang si Audrey atsaka itinuloy ang kaniyang trabaho kahit na sa loob niya ay gusto na niyang umiyak sa mga narinig at nakita niya sa dalawa.

"SIR, PWEDE na po ba akong umuwi? Tapos na naman po ako sa pinapagawa ninyo sa akin," paalam ni Audrey habang naka-tungo at kinakagat ang pang-ibabang labi nito. Alas sais pa lamang ay tapos na siya. Sinadya niya talagang madaliin ang mga gawain niya para maka-alis na. Pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya 'pag kasama niya ito sa iisang silid.

"Why?" Tanong ng binata habang nasa mga papeles pa rin ang atensyon.

"M-May importante lang po akong gagawin," pagsisinungaling niya.

Binitawan naman ng lalaki ang papeles na binabasa nito atsaka tumingin sa kaniya.

"Okay. Pero, 'wag kang magpapa-late ng kain atsaka matulog ka ng maaga para hindi ka puyat kinabukasan," paalala nito atsaka muling ibinalik ang tingin sa papeles na binabasa.

Please, stop acting like you care for me even if you don't. Aniya sa kaniyang isip.

Yumuko na lamang siya atsaka na umalis at sumakay sa taxi.

"Kuya, sa Lucious Bar nga po," aniya atsaka na sila umalis at tinungo ang nasabing bar.

AMOY NG pinaghalong pawis at sigarilyo ang bumungad kay Audrey pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya.

Pinilit niyang lagpasan ang bugkos ng mga tao para lamang makarating sa stool bar. At ng makarating na roon, agad siyang umorder ng isang Mojito.

"Here's your mojito, Ma'am. Enjoy your night," nakangiting saad ng gwapong bartender.

Agad niyang tinungga ang alak at humagod sa lalamunan niya ang init ng alak.

Napa-ngiwi na lamang siya atsaka umorder pa ng isa, at nasundan pa ng isa, at isa pa.

Sa ika-limang order niya at nakaramdam na siya ng hilo, ngunit hindi niya ito ininda at umorder pa ng isa.

Habang hinihintay ang order niyang alak ay may isang lalaking sumulpot sa kaniyang tabi.

"Kelly Audrey Gray, nice seeing you here," saad ng isang lalaki. Agad siyang tumingin sa gawi nito at nakita ang kapatid ni Myron na si Alexander.

"H-Hey, Alexander the second!" Lasing na tawag ni Audrey sa binata at pagkatapos ay ipinulupot niya ang kaniyang braso sa leeg nito. Hindi na niya inalala ang muntik nitong panggagahasa sa kaniya sa bahay nito.

"Mind dancing with me?" Tanong ng binata at ipinulupot ang kamay nito sa kaniyang bewang.

"Of course! Let's go!" Tatawa-tawang pagpayag ni Audrey atsaka hinila ang kamay ng binata papunta sa dance floor.

Ng makarating sila sa dance floor ay maharot na sinayawan ni Audrey si Alexander.

Hindi niya alintana na nahihipuan na siya nito at sige lamang siya ng sige sa pagsayaw.

Natigil na lamang siya ng tumigil ang malikot na kamay ni Alexander sa kaniya at ang paghatak ng isang lalaki sa kaniyang kamay.

NAPA-BUNTONG-HININGA SI Myron atsaka napatigin sa desk ng kaniyang Sekretarya na si Audrey. Napatigil na lamang siya sa pag-iisip ng kung ano-ano ng biglang tumunog ang kaniyang telepono. Nagdilim agad ang kaniyang paningin ng makitang ang gagong kapatid niya na si Alexander Rayvic ang tumatawag sa kaniya.

"What do you need from me, arschloch?" Tanong niya, tiim-bagang. [Translation:Arschloch(German)-Asshole]

"Well, I guess, you need to see this, my dear brother," saad nito at bahagyang tumigil sa pagsasalita. "Your girl, Kelly Audrey, is dancing erotically with some random men at nahihipuan na ito. You might want to come over para naman makita mo kung paano nila hawakan ang katawan ng 'pag-aari' mo," saad nito atsaka diniinan ang salitang 'pag-aari' bago pagak na tumawa.

Mas lalong nagdilim ang kaniyang mukha at humigpit ang hawak sa kaniyang telepono.

"Where's the exact location?" Tanong atsaka agad na lumabas ng opisina atsaka agad na sumakay ng elevator.

"Lucious Bar," sagot ng kaniyang kapatid. Agad niyang ibinaba ang tawag at ibinaba ang tawag at lumabas ng elevator at dumeretso sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito papunta sa naturang bar.

NG MAKARATING siya sa bar ng kapatid ay agad na hinanap ng kaniyang mata si Audrey at natagpuan niya itong maharot na nagsasayaw sa dance floor.

Anger control his whole system at ang sumunod na nangyari ay pinagsusuntok na niya ang mga lalaking humawak sa kaniyang pag-aari.

Matapos ang pagbugbog sa mga ito ay agad niyang hinila sa kamay si Audrey at dumeretso palabas, ngunit bago sila tuluyang makalabas ay nakasalubong pa niya ang kapatid niya at tila ba isang demonyong naka-ngisi.

LittleBitchConfused

The Gangster's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon