Sana

8 1 3
                                    

Sana

Apat na letra na pinagsama, pinagsamang pagsisisi,pagkadismaya,panghihinayang, pagtakas sa katotohanan. Katotohanan na kailanman di maiisahan. Marami akong sana sa buhay ko, depende sa mga pagkakataong nararanasan ko. Sana naging mabuti akong anak, sana naging mabuti akong kaibigan,sana naging mabuti akong tao, sana pala kinain ko na yung saging sa may lamesa bago pa maagaw ng iba, sana di ko na binigyan ng papel yung mga kaklase ko,kasi sa huli ako pala yung mauubusan at mawawalan, sana pala sinabi ko na sa kanya dati pa,na gustong gusto ko sya. Sana ngayon ay hindi ko hinihiling na sana ako sya. Sya na may perpektong mukha,mula sa matang kumikislap,sa ilang na matangos,sa labing mapupula,perpekto sa lahat,sya na mayroong mala gatas at makinis na balat, sya na mukhang di makabasag pingan, sya na mukhang lahat ay alam,sya na may magandang pagkatao, sya na hinahangaan ng lahat,sya na gusto mo. Ang hirap kasi, parang di patas ang laban, parang kay hirap nyang unahan, kay hirap nyang pantayan, kay hirap na niyang ungusan, dahil habang nagpapakahirap akong manalo, siya'y walang ginagawa kundi maging maganda sa mata mo. Dehado ako. Ako na matagal ng nagsisilbing anino mo, ako na laging nasa likod mo, ako na ilang beses ng humiling sa kung saan,ano,sino na sana...sana lingunin mo naman ako... sana ako naman mapansin mo. Pero sa bawat hakbang mo alam kung patungo ka sa kanya, ang mata mo'y nagniningning pag nakikita sya, ang labi mong umaangat pag ngumingiti sya, at alam ko ang puso mong bumibilis ang tibok ng dahil sa kanya. Kay sarap siguro na maging siya. Hindi kita sinisisi,hindi ko rin sya sinisisi, sino ba ang may kasalanan, ang universe? Ang stars? Ang tadhana? Ang pag-ikot ng mundo? Ang paghinto ng oras ng dahil sa ngiti mo? Sino ba ang may kasalanan? Ako. Ako at hindi ikaw. Ako at hindi siya. Sana pala umabsent nalang ako nang hindi kita nakilala, sana nagpalipat ako ng ibang section. Sana una palang pinigilan ko na sana ngayon hindi ako nahihirapan. Wala kayong kasalanan, walang may kasalanan. Pagkakamali ba ang magustuhan ka? Mali ba na magustahan ang tao kahit di ka naman gusto, mali ba na umasa na mapapansin mo rin ako? Mali ba na mangarap na maging tayo? Mali ba lahat ng nararamdaman ko? Kasi kung mali ito sobrang hirap naman maging tama. Sana pinili ko nalang yung daan na wala ka sa dulo, akala ko kasi kahit na mahirap ang daan patungo sayo,sulit naman kasi ikaw yung nasa dulo. Pero mali ako, dahil noong ilang hakbang nalang ako palapit sayo, biglang syang sumulpot sa harapan mo, di mo tuloy nakita na malapit na ako. Tinignan ko ang daan na dinaanan nya,napakadaya walang hirap sa dinaanan nya,samantalang ako lahat ng pagsubok nadaanan ko. Ang sakit lang dahil pinilit ko ang daan na hindi para sa akin, sa kabila ng paghihirap ko wala pa rin pinatunguhan ang nilakbay ko. Maglalakad na ako pabalik, hindi na kita lilingunin tama na siguro lahat nagawa ko, tama na siguro ang nahantong ko, tama na siguro na tumigil ako. Tama na sigurong bumalik ako. Sana maging masaya ka sa kanya,sana maging masaya kayong dalawa, sana mahalin ka niya. Ito na ang huli kong sana, hindi ko man alam ang kahihinatnan ko haharapin ko ito sa abot ng makakaya ko. Ayoko ng mamuhay sa sana. Sana.

***
Hi!hope you liked it, and if it did, if you want click the star, and share your thoughts to me through comments. Di ako magaling ,I know. But this is for my ex,char!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Where stories live. Discover now