Aive Shane Hernandez
"Wala kang ginawang mali, ako ang problema nasa akin ang problema," diretsong tingin ko kay JR.
Tinignan ako nito ng puno ng kalungkutan. Hindi ako makaramdam ng awa, hindi ko alam pero parang wala lang sa akin na nasasaktan ko siya.
"Aive, hindi ko alam kung ano ang problema. Sabi mo na sayo ang problema. Hindi ko maintindihan," gulong gulo ito sa kung ano man ang dinahilan ko.
Umiling ako ng mariin.
"Hindi mo naiintindihan JR kahit ipaliwanag ko pa," kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Aive, ipaliwanag mo! Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yung ipapaliwanag mo!" Nagulat ako sa pagsigaw nito kung kaya napa-atras ako.
"Aive, I'm sorry. I mean, i-explain mo sa akin. Ipaliwanag mo. Kahit hindi ko maintindihan, pipilitin ko. Please," pagmamaka-awa nito sa akin. Hinawakan ako nito sa kamay at hinawakan ko ito ng mariin.
"JR, I'm really really sorry," binitawan ko ito at iniwan doon. Narinig ko pang tinawag ako nito ngunit hindi ko ito nilingon pa at nagpatuloy sa pag-alis.
Kinabukasan ng kinaumagahan sa school ay agad akong nilapitan ng mga chismosa kong kaibigan.
"Bakla! Nalaman ko yung nangyari ah," bungad na bati sa akin ni Mira.
"Kaloka ka bakla, nawindang ako sa ginawa mo kay JR," sabay palo sa akin ni Evia.
"Bakla kuwawa naman si JR, luhaan ang puso girl!" Pag-gatong pa ni Clare.
"Anong magagawa ko? Alangan namang paasahin ko yung tao sa wala," inirapan ko sila.
"Pero kahit na bakla kaloka ka," sabay paypay ni Mira sa kanyang sarili.
"Ewan ko sayo may pa 'wala kang maling ginawa' achurva, kaloka ka talaga," hinawi naman ni Clare yung buhok niya.
"Pero tama na rin siguro yung ginawa mo girl," sabay tingin naman ni Evia sa salamin at tinignan kung kilay on fleek pa rin siya.
"Mga leche! Huwag na natin pag-usapan ang love life ko mga bakla, na aalibadbaran lang ako," tinali ko ang mahaba at makapal kong buhok sa sobrang init sa grounds.
Sabay-sabay naman silang nagtawanan sa tinuran ko. Nakitawa din ako dahil nakakahawa ang pagtawa ng mga lokaret kong mga kaibigan.

BINABASA MO ANG
I Feel Lost Inside Myself
Romantika"Wala kang ginawang mali, ako ang problema nasa akin ang problema" iyan ang linyahan ni Aive. Hindi maintindihan ni Aive kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya tunatanggihan ang lahat ng taong nagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Talaga bang...