Jamie's PoV
Naglalakad-lakad ako gitna ng campus habang nakatingala.
May tatlong naglalakihang building ang nakapalibot sa akin. Kulay white at gray ang kulay ng tatlong gusali.
May apat na floor ang dalawang building na nasa kaliwa't kanan ko samantalang Lima naman ang nasa gitna. Sa tingin ko ang nasa
gitna ang main building kung saan makikita ang faculty room, registrar office, gymnasium, basketball court etc.Samantalang grade 7 to grade 10 naman siguro ang dalawang building sa magkabilaan ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng tatlong building. Matatagpuan riti ang dalawang 5th floor building. Kasing laki lang rin ng main building kanina ang dalawang ito.
Ito siguro ang dorm. Mapuno at may mga bench ang lugar na toh.
Habang naglalakad-lakad pa ako napansin kong wala na sa tabi ko si Hades ang pusa ko. Kanina lang sinusundan ako ng pusang yun ah.
Asar!
Hinanap ng mga mata ko si hades napatigil ang mga mata ko sa isang narra tree. May anino akong nakita sa taas nito.
Medyo malaki ang puno, naglakad ako patungo rito. Ang lakas ng hangin kaya hinahangin ang bangs ko at sigurado akong medyo magulo na ang tirintas kong buhok pero wala akong paki.
Iniangat ko ang mga paningin ko at isang lalaki ang nakita ko.
Naka-upo sya sa sanga ng puno. At kitang kita ko kung paano nya himas-himasin ang itim na balahibo ni hades.
"Meow~" Napansin siguro ni hades ang pagdating ko. Hindi ganon kataas ang sangang kinalalagyan ng lalaki at ni Hades, kaya naman walang hirap para sa pusa ang pagtalon mula sa sanga papunta sa kinalalagyan ko.
Dahil sa paggalaw ni hades nagulat ang lalaki at agad napabangon.
Rinig na rinig ko ang paghikab nya.
Napatingin ako sa paanan ko ng maramdaman ang malambot na balahibo ni hades.
Matapos akong iwan ng pusang toh bigla nalang manlalambing sa akin!
"Kamusta." Napa-atras ako dahil sa gulat ng biglang may lumitaw na lalaki sa harap ko.
Naka-ngiti ito ng malapad sa harap ko habang nakataas ang mga kamay.
Halos di ko na nakita ang itim nyang mga mata dahil sa pagngiti nya ng malapad. Medyo singkit sya at gulo gulo ang buhok nya samantalang nakabukas naman ang butones ng polo nya.
"Uhmmm." Hindi agad ako nakapagsalita. Matangkad sya at mukang grade 8 na.
"Haha masyado ba akong gwapo he he. Jeydon nga pala miss?" Mag giliw nyang pagbati sa akin.
"Jamie...... He-hades...
....
...
..Stephan." Mahina at walang kabuhay-buhay ko pagpapakilala sakanya."Hi Jamie. Nice to meet you. Transferee ka?" Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nya.
"Uhm....oo." Sagot ko sa tanong nya.
"Hmmm grade seven ka pala." Sabi nya habang naka-tingin sa ID ko. "Grade 8 ako taga las---."
"JAMIE!" Napatigil sya sa pagpapakilala ng biglang may tumawag ng napaka lakas sa pangalan ko.
Napa-lingon ako at nakita ang pawis na pawis at inis na inis na muka ni kuya James.
"Kanina pa kita hinahanap!" Tsk. Ikaw kaya tong nang-iwan sakin.
Hindi ko nalang sya pinansin. Lilingunin ko na sana ulit si Jeydon pero......
BINABASA MO ANG
The Last Section
Детектив / Триллер"Prepare to meet the Last Section" *** Genre: Mystery/Thriller Language: Tagalog/English Status: On-Going Cover by: Author: UnknownPrettyReader❤