Chapter 1: Beggining

613 20 1
                                    

Jamie's PoV

"JAMIE WAKE UP!" Inaantok akong napabangon dahil sa malakas na boses ng kuya ko mula sa pinto.

"Di mo ba alam na ala singko na?" Inis na sabi nya sa akin. Hindi ko sya pinansin at agad na humiga. Inaantok pa ko.

"JAMIE HADES STEPHAN!" Sigaw ng kuya james ko mula sa pinto.

"Kuya ala singko pa lang ala sais pa naman ang pasok ko." inaatok kong sabi.

"Ala sais ang pasok mo pero dalawang oras ang byahe!" Aish ang ingay!

"Just shut up and let me sleep kuya!" I boredly said. Papikit pa lang sana ako ng may maramdaman akong kamay sa paa ko at hinihila ako nun.

"Makulit ka talaga isusumbong kita kay lolo." Sigaw ng humihila sa akin.

"Bitawan mo nga ang paa ko kuya. Aish babangon na babangon na!" Wala akong nagawa kundi bumangon.

Halos mapa sigaw ako dahil sa sarili kong repleksyon sa salamin ng kwarto ko. Naka-puting dress ako na lampas tuhod. Sabug- sabog ang mahaba kong buhok na hanggang bewang at ang bangs ka na hanggang ilalim ng mata ko na tinatakpan ang naglalakihan kong eyebags.

I sigh. New school. New bullies and enemies. Kadalasang mga kaaway ang nahahanap ko sa pagtratransfer sa mga school.

13 pa lang ako pero parang mauubos ko na ang mga private universities sa Manila.

Medyo madilim pa dahil ala singko pa lang ng umaga hindi ko binubuksan ang ilaw ng kwarto ko dahil mas gusto ko pa sa dilim kesa sa liwanag.

Isang kaluskos ang nagpagalaw sakin para lumingon sa likod kung saan makikita ang pinto papunta sa banyo ko.

Sa gilid ng pinto may mata na nakatingin sa akin kulay berde ito.

Mata lang nya ang tangi kong nakikita dahil sa kakulay nya ang dilim.

"Hades." Bulong ko.

Dahan dahan syang naglalakad papunta sa direksyon ko.

Naramdaman ko ang malambot nyang katawan sa paa ko. Si Hades ang pusa ko.

Kulay itim sya at may kulay berdeng mga mata.

Ipinangalan ko sakanya ang pangalawa kong pangalan dahil sa gusto ko lang. Napaka-wierd ko, right?

Mula sa itsura hanggang sa ugali ang wierd. Ako na mismo ang umaamin mas maganda ng nanggaling sa akin kesa sa ibang tao.

Kinarga ko si hades atsaka lumabaa ng kwarto ko.

"Kyaaaaaaaah MULTO! LOLO! MAY MULTO! kyaaaaaah" Parang bakla na nagtiti-tili ang kuya ko mula sa sala.

Nakatingin sya sa akin at takot na takot. Dumating si lolo na may hawak-hawak na baston atsaka ipinukpok sa ulo ng OA kong kuya.

"Umayos kanga james kapated mo yan" Parang ewan na huminga ng malalim ang kuya ko atsaka inayos ang pagtayo.

"Ehem. Jamie bakit ba kasi tuwing baba ka di ka muna nag-aayos ng sarili mo. Idagdag mo pang suot-suot mo pa yang puti mong bistida na pantulog mo" Hindi ko sya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa pagbaba.

Isa akong boring at weird na tao.

"Siguro naman tatagal ka na sa eskwelahang pinapasukan ko Jamie." He said.

Ah yeah. That Devilen Univesity AGAIN. Napa face palm nalang ako. That school is a hell, di ko alam kung paano nakatagal si kuya sa eskwelahang iyon. Kuya James is a 4th year HighSchool Student or Grade 10.

That school is only for elites and some student who has bad history records.

I didn't response, lagi naman.

The Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon