CHAPTER 1
NAIA, PHILIPPINES
Apat na mga banyagang kalalakihan ang bumaba galing sa sinakyan nilang eroplano. Agaw pansin ang mga ito dahil sa coat at gloves nitong kasuotan kahit pa nasa katanghaliang tapat, ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapohan ng bawat isa.
“Whoa man! How I missed this country. How ‘bout you guys?” tanong nito sa mga kasamahan, pumikit pa ito habang nilalanghap ang simoy ng hangin.
“Same here, ano'ng masasabi mo Fiel?” tanong naman ng lalaking may kulay gintong mga buhok.
“The-” Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil may nakabungguan itong babae.
“Ohh! Oh my! I’m so sorry, hindi ko po sinasadya,” hinging paumanhin ng dalaga sa lalaking nabunggo nito. Napatingin ito sa lalaki at biglang napaawang ang mga labi. Blue eyes?
Tiningnan n’ya ang apat na mga kalalakihan. They are all handsome pero mas naagaw ang atensyon n’ya sa lalaking nakabangga. May kakaiba sa apat na wala sa mga lalaking una n’ya ng nakasalamuha. Hindi n’ya napigilan ang sarili na titigan ang bawat isa. They are all good looking in different way, magaganda ang mga mata nito kaysa sa pangkaraniwan and their style? It’s very unusual. Napabuntong hininga na lang s'ya nang ‘di sinasadya.
“Aurora!” Isang pamilyar na boses ang narinig n’yang tumawag sa pangalan n’ya. Natauhan s’ya at nakaramdam ng hiya sa ginawang pagtitig sa apat.
“I have to go. I’m really sorry!” Bahagya pa siyang yumukod bago umalis. Tumango naman ang lalaking nabunggo niya habang ang may kulay gintong buhok ay ngumiti at kumaway pa sa kanya.
“Kumusta ka na, aking prinsesa?” tanong ng may katandaan nang lalaki sa dalaga, sabay yakap dito. How she missed this old man!
“I’m good, dad, lalo na ngayong nakita na kita. Sobrang na-miss kita.” Hinalikan n’ya sa pisngi ang ama at yumakap nang mahigpit. “Kumusta po kayo?”
“I’m fine, by the way, how’s your trip?
“Okay naman, dad, kaso nagugutom na po ako. Hindi ako kumain bago umalis dahil alam ko pong magluluto kayo,” sagot niya habang humawak sa bisig ng ama. Binalingan n’ya naman ang driver nila. “Manong, pakipasok na lang po sa sasakyan ang mga dala ko, salamat po. May mga pasalubong po ako para sa inyo,” nakangiti niyang saad rito at nagpasalamat naman ito sa kanya.
“Nakakalunod ang amoy ng babaeng iyon,” sabi ni Gray habang patungo silang Palawan kung saan matatagpuan ang tinatawag nilang Forbidden Mansion. Ilang dekada na itong nakatayo subalit hindi ito magiba dahil sa spell na pumoprotekta rito. Gray Phantomhive is Callicantzaroz—a new-hybrid type. Unlike the three others, hindi s’ya pwedeng direktang maglakad sa arawan dahil pwede niyang ikasawi ito. Isa ito sa mga pinagkakatiwalang kawal ni King Ezral, the guardian of the Callicantzaroz Tribe.
“I don’t know,” magkasabay na sagot ni Leron at Thor. Both of them are royal blooded—mula sila sa bloodline ng isang Feral Vampire. Ang mga tulad nilang dugong bughaw ay hindi umiinom ng dugo galing sa pumipintig na ugat ng mga tao. Nabubuhay sila sa pag-inom ng dugo ng mga hayop. Thor Garnier and Leron Gauthier are Nosferatu—ang lahi nila ang pinagmulan ni Count Dracula.
“Ikaw, Fiel, ano ang masasabi mo?” untag ni Gray sa kanya nang hindi pa rin siya kumikibo. Sa totoo lang ay hindi na naalis sa kanyang isip ang mukha ng babae, naiwan rin sa kanyang sistema ang amoy ng dalaga.
“She’s young and beautiful.” Fiel Lacroix. The only grandson of King Ezral. He is a Vurdalak Vampire— vigorous type. Katulad ni Leron at Thor, daywalker ang mga katulad niya. He was once an Asenir of Arko Agartha—isang konseho ng mga bampira na naglalayong mapanatili ang balanse sa pagitan ng mga mortal at bampira. Sa kasalukuyan ay isa s'yang manggagamot na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Medesina. Ito ang propesyon n'ya bilang isang ‘tao’. May kanya-kanyang buhay rin ang tatlo n'yang kaibigan kapag ‘di sila magkakasama.
BINABASA MO ANG
THE MYTH (COMPLETED✓)
UpířiNamuhay si Aurora sa isang perpektong buhay na akala n'ya ay mundong kinabibilangan nya talaga. Lahat ng bagay ay nasa kanya na; hanggang isang araw ay pinasok ang bahay nila ng masasamang tao. Pagkagising nya ay nasa poder na sya ng apat na nag-gag...