new circle of friends

118 1 3
                                    

Bago palang ako papasok ng classroom. I hear someone introducing her self. Sa way palang ng pagpapakilala nya natatawa na ko haha para kasi syang lumalaban ng beauty pageant :DD

Papasok na sana ako kaso sakto naman na tapos ng magpakilala si Ms. Nigeria, at lahat sila napatingin sakin. Ano ba yan dahan dahan na nga akong pumasok napansin parin ako ng mga kumag'z na to.

"Ms.? you may introduce yourself here in front" our prof. said.

Anak ng tofu naman oh bakit ako agad kadadating ko lang ah. tss

Dahan dahan akong pumunta sa unahan nakasimangot. 

"Hi guy's Im Yeohanna Nassandra  Mendoza, you can call me Yanyan. Thank you nice meeting you" sabay smile ng pavirgin :). 

Wala na kong makitang vacant seat.

opssss. ayon sa dulo meron pa.

AYOS.

yummy ng katabi ko XD 

uupo na ko. kaso bigla kong narinig na may binubulong yung katabi ko....

"ano ba yan kala ko pa naman Mr. Handsome na ang makakatabi ko hmmf."

TAKTE. is he GAY? Ano ba di ko pala sya dapat pag nasaan.

"hi" bati ko sa kanya. "i'm Yanyani :) " Sorry nalang sya wala na syang magagawa. Alangan namang sa labas ako umupo noh?

"I'm Sydney" tapos nag'shake hands kami. Mukang magkaksundo kami nito ahh. 

"Amh. can i ask you something. i know it's kinda ... you know. hehe :)) " nahihiya ako kasi baka maoffend ko sya sa itatanong ko.

"I'm a gay? yon ang gusto mong itanung sakin di ba?" si Sydney.

"e hehe yah. para kasing di bagay sayo ang maging alam mo na... "

"wala e. ginagawa palang ako ni Mommy at  Daddy, Dyosa na ko ! :DD"

"HAHA XD" natawa ako ng sobrang lakas. SHIT napatingin samin ni Sydney yung mga classmate at yung prof. namin. Di ko kasi napigilang di matawa sa kanya.

"gurl ano ba wag ka namang tumawa na daig mo pa ang mga boylet sa kanto, agaw eksena ka, baka mapalabas tayo ng prof . natin" 

"Sorry (_ _) v " ako sabay peace sign sa kanilang lahat pati sa aming prof. na nagmamaganda sa unahan. 

Nagkwentuhan lang kami ni Sydney hanggang matapos ang first subject namin. Ang saya nyang kasama tawang tawa ako pero kaylangang hinaan ko lang kasi sumasama ang tingin sakin nung prof. namin kapag natatawa ako e. 

Naikwento ko rin sa kanya yung nangyari sakin kanina about dun sa cute na monster na nabunggo ko. Kilala daw yun sa buong school kasi may banda daw yun tapos panlaban pa ng mga pageant nung nasa hign school palang sya, pareho lang kaming first year. So. sikat pala ung Gio na yun. Pero wala akong pakialam, gwapo nga sya pero ang sama naman ng ugali nya. Tingnan lang natin kung ganyan ka parin katigas sa susunod na pagkocross ng landas natin .. BWAHAHA XD

Pero sabi sakin ni Sydney wag ko nalang daw kalabanin yung taong yun kung ayaw kung maging "Me Against The World" ang drama ko dito sa University. Pano kasi halos lahat daw ng babae at gustong maging babae sa University na to e pinagpapantasyahan ang monster na yun. 

So? Wala akong pakialam. Hindi nya kilala kung sino ang taong tiningnan nya ng masama kanina. pasensyahan nalang kami. Mamalasin sya sakin :p

Palabas na kami ni Sydney ng classroom. Kaso bigla kaming tinawag nung girl na nagpapakilala kanina sa unahan bago ako. 

"Hey. you two." sabay turo nya samin ni Sydney. "Wanna join us for lunch?" 

"Ano gurl. gogora ka ba sa kanila? Kapag gomura ka, gora narin aketchewa." si sidney.

"ah. sige tara ! " tapos nagpakilala samin si Ms. Nigeria. Sophia pala ang name nya, tapos pinakilala nya rin samin ni Sydney yung mga bago nyang friends sina Alexandra, Shin, Zenchie at Angel.  

When we are eating in the cafeteria. Bigla nalang may nagtilian. Anung merun? Magugunaw na ba ang Earth? Nag'iisip pa ko ng dahilan kung bakit biglang may nagtilian ng biglang kumaway si Sophia sa papalapit na guy, he looks familiar. OH MAY GHAD ! magkakilala sila? 

"Hi, Babes" si Sophia. Sabay yakap kay..... MONSTER. 

"Magkakilala pala kayo ni CLUMSY" si Mikz.

"Sinung Clumsy? Wala naman akong new friend na clumsy ang name ah?" si Sophia nagtataka. Aba at talagang may bago na pala akong pangalan ngayon.

Napansin ko napatingin sakin si Sydney. Sabay ngiti.

"WHAT" sabi ko kay Sydney. DAMN napalakas.

Pati sila Sophia nakatingin na rin sakin ngayon. "ah hehe ! Sorry guys."  ako.

Si Mikz. I saw him. He grin at me. 

Di na ko nakapagpigil. "anung nginingiti ngiti mo jan ha? MONSTER. Kung ako yung Clumsy na sinasabi mo ........ pwes ako nga yun. " SH*T  ang dami ng nakatingin . yung mga muka nila mga nagtataka. 

"MONSTER? ikaw ba un Mikz? Aba kung ganito kagwapo ang mga monster, di na ko matatakot sa mga katulad nya. baka nga sumama pa ko ng kusa sa house nila e" sabi nung isang girl.

Ano ba yan ganito ba kasikat tung taong to? Wag kang papatalo si Yeohanna Nassandra  ka remember?

Kaya sa sobrang inis ko kasi habang kumukulo yung dugo ko nakangiti pa tong monster na to.

splasshhh..  Nilagay ko yung baked mac na kinakain ko sa ulo nya. "ohh. ayan ha ! bayad ko dun sa breakfast mo na natapon ko kanina" sabay alis habang hinahatak si Sydney.

"SHIT !  YOU CLUMSY ! COME BACK HERE ! YOU'LL PAY FOR THIS. " sigaw sakin ni monster. bwahaha bawi na ko. binilisan ko yung paglalakad baka kasi may fans yung hayop na yun nahumabol sakin dahil sa ginawa ko sa kanya.

 -----------------------------------

Guys pasensya na baka may hindi ako maedit. Nami kasi yung una kung naisip na name ni Yanyan e pero nagbago isip ko haha :)) SORRY. tsaka dun sa guy Gio yun kasi ang name nung teammate ko sa basketball na laging nagpapatawa samin e . si KUYA GIO :) manghiram ba ng name. pinaltan ko ng Mikz kasi kahapon sa Papusitan Festival may nakakatawang lalaki Mikz amg name. So Gay! pero natuwa ako kaya ayos na yan HAHA XD TRIP lang naman to e ! Gusto ko lang magsulat ng kwento HAHA XD

Courting Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon