Pagkalabas namin ni Sydney ng gate pinuntahan ko agad ang motorbike kung si dixie tapos inaya kong umangkas sakin si Sydney. Kaya lang ayaw nya. wala atang tiwala sakin tung baklang to e . sabagay di ko sya masisisi kakikilala palang namin kanina. Pero konting pilit ko pa sumakay na din sya. irit sya ng irit, ang sakit sa tenga.
"shhhhh. Wag kang maingay sumasakit ulo ko sayo e. " tapos binilissan ko na ang pagpapatakbo. Sinama ko sya sa isa sa mga lugar na paborito kung puntahan.
"Oh baba na nandito na tayo" ako.
:O
:O
:O
Yan ang muka ni Sydney.
"Ano bang nangyayari sayo? Nakakita ka ba ng multo?"
"Gurl' multo ba ang tawag sa kanila?" si Sydney. Sabay turo sa mga barkada kung sina Rafael, Zenji, Stephen, Harry, Paulo, at Justin.
"Ahh sila ba? Di yan multo... " sabay bulong sa kanya ng "halimaw yang mga yan haha :D "
"HAWT. ng mga halimaw dito sa tambayan mo ha! pwede bang dito na ko tumira?" si Sydney.
"Ou naman, gusto mo ikaw na pumalit kay Manong Bogart e" un ung katiwala at taga linis nila dito :))
"AY :'( ayoko nga. di bagay ang beauty ko na taga linis lang noh. Mas bagay saking maging prinsesa kasama ng mga halimaw na nasa harapan ko ngayon." yan yung mga pasimpleng binubulong sakin ni Sydney habang papalapit samin sila Pau.
"Yanyan musta? Bakit parang badtrip ka na naman? si Justin.
"Nagtaka ka pa naman dude, e palagi namang ganyan yan e" si Harry.
"Oy. di ah. Naasar lang ako ng konti ang boring kasi ng first day ko sa University na yun. Di ko feel na college na ko tss." ako.
"Sus. Baka naman di ka lang nakagawa ng kalokohan dun kaya boring ang araw mo. Ano marami bang magagandang chicks dun? si Stephen.
"Madami. Pero halos lahat maaarte." ako.
"Ehemmmm" si Sydney. Biglang nagpapansin. Tss. Nawala sa isip ko na may kasama nga pala ako. Masyado akong naaliw ng pagbabalita ng walang kwenta kung araw. geez.
"Guy's si Sydney nga pala classmate at new friend ko"
"Hi boys" (*~.~*) si Sydney. Hanep magpacute ah. WAGAS.
"Hi" sabay sabay na bati ng mga kumags.
"Ano Yanyan sasama ka ba mamaya?" biglang singit ni Paulo.
"Oo ba. San ba tayo?" ako.
"Di pa namin alam bahala na mamaya. Kapag di natuloy ang race. Magroad trip nalang siguro tayo." si Stephen.
"Pwede ba kung sumama?" si Sydney.
"SURE KA? Di ba kanina lang halos mamutla ka na tapos sasama ka. " ako. Iba talaga tung si Sydney pero ayos na rin sigurong isama ko sya. sa motorbike nalang ni Harry sya sumakay maalaga naman sa babae yang tarantadong yan e. Ay patay di nga pala babae tung si Sydney baka ilaglag to ni Harry tss. Bahala na nga.
Biglang bumulong sakin si Sydney. "Pumayag ka na Yanyan di na talaga ako titili ng malakas promise ^^. si Sydney. Ayan na naman po sya sa mga pa cute epek nya.
"Oo na sige na isasama na kita" ako. Siguro naman kapag nakasakay sya sa boylet di sya titili.
"Hey. mga tsong alis na muna kami tumakas lang kami nito ng konting oras sa school baka kasi kung nandun kami kanina umuwi akong may bulak sa ilong kung sakasakali. Bumaha pa ng luha sa bahay dahil kay Mommy. ako.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Perfect
RomanceNaranasan mo na bang manligaw? Sabi nila ang panliligaw daw ay gawain lang ng lalaki. Oo nga naman parang ang samang tingnan kapag babae ang nanliligaw di ba? Kaya ako...... ito... nanliligaw sa isang nakakabweset na lalaki. Alam mo ba yung feeling...