Chapter 1: The Beginning

7.7K 252 22
                                    


Here's a revised version of your text with some adjustments for clarity and coherence:

Jade

"Are you alright, Kei?" tanong ni Mama sa akin nang makitang nakabusangot ako.

"Yeah," tipid kong sagot, at nakita kong malalim na napahinga si Mama.

I can't help but feel this way. Naiinis ako. Nung una, nang sabihin ni Mama na uuwi kami sa Pinas, syempre, umayaw agad ako. Sino ba namang tao ang papayag na lumipat ng basta-basta? I even started to settle my papers for this school year, then all of a sudden, magdedisyon na lang siya na uuwi kami. I can't even say no dahil nakapag-book na pala siya ng flight. How great, psh.

"Wag ka nang magalit sa'kin," napatingin ako ng bahagya pero umiwas din ako ng tingin agad.

"Para din naman 'to sa'yo," psh, para sa'kin? Hindi ko maiwasang maparolyo ng mata. Ni hindi nga niya ako tinanong kung gusto kong umuwi, tapos sasabihin niyang para 'to sa'kin?

Napabuntong hininga na lang ako at napasandal. I don't like travels anyway, kaya gugugulin ko na lang ang oras ng byahe sa pagtutulog.

"Nagugutom ka ba? Mahaba-haba pa ang flight natin?" Pag-aalok ni Mama, pero umiling lang ako. I'm full, at sigurado namang pagdating namin sa Pilipinas, agad din naman kaming kakain sa kung saan man.

"O, sige, matulog ka na muna," aniya.

Kinuha ko ang eyeglasses ko at inilagay sa tabi, at pagkatapos noon ay pinikit ko na ang dalawa kong mata, and then everything went black.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pero nang tumingin ako sa labas ng bintana, I think papalapag na ang sinasakyan naming eroplano. Napapungas ako ng mata ko at sinuot ko kaagad ang eyeglasses ko at napatingin kay Mama. Tulog na tulog ito sa tabi ko. Dumating kaming sobrang maaliwalas ng kalangitan.

May narinig akong nagsalita sa intercom. Papalapag na kami, kaya minabuti kong gisingin si Mama.

"Nakalapag na ba tayo?" tanong ni Mama habang papungas-pungas ito ng kaniyang mga mata.

"Oo, Ma." Umayos na kami ng upo, at nang tuloyan nang lumapag ang sinasakyan naming eroplano, nagsitayuan na ang lahat.

Kinuha ko ang maliit na bag ni Mama sa compartment at nauna nang lumabas. Nang makababa kami sa eroplano, nalanghap ko kaagad ang polluted na hangin. Ramdam ko din ang mainit na klima. It's been a long time. Nakakamis din pala kahit papaano ang Pilipinas.

Hinihintay namin ang maleta namin nang umalis saglit si Mama. Tinawagan ata niya si Tay Dante para sunduin kami, kaya ako na lang muna ang nagtiyagang hintayin ang maleta. Bumalik na si Mama nang nakuha ko na ang maleta namin, kaya dumeritso na kami sa labas para hintayin si Tay Dante, at ilang oras lang, dumating na din siya sa wakas. Kitang-kita ko kaagad ang pagkaway ni Tay Dante sa amin. Nang lumapit kami sa kaniya, kaagad kami nitong kinamusta. Nakakamis din itong si Tatay Dante, lalo pa't siya ang kasama ko palagi during my elementary and high school days.

"Kamusta na kayo?" bungad niya agad.

"Naku, eto, okay lang naman po. Eh, kayo po? Kamusta na kayo ni Nay Yolly?" tanong naman ni Mama.

"Naku, mabuti naman kami," sagot lang niya.

Napatingin ito sa akin at napangiti. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago si Tay Dante. Yun nga lang, may ilang puting buhok na ang nakausli sa buhok nito. Tumatanda na ito, pero hanggang ngayon, loyal pa din siya sa amin kahit na ilang taon din kaming namalagi sa Canada. Third year high school ata ako nun nung umalis kami at pumunta sa Canada. Matagal-tagal na din. Nagmano ako kay Mang Dante, at nagulat pa ito dahil sa ginawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sword Play Online™ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon