Chapter 8

1.1K 30 16
                                    

Chapter 8: Secret Admirer

Eunice's Point of View

Back to normal ang lahat. Tahimik at kahit katiting na ingay ay wala kang maririnig.

Takot at may troma na ang lahat kaya wala nang masyadong lumalabas.

Masyadong nakakabored sa room, kaya naisipan ko silang yayaing mag laro ng Truth or Dare.

"Guys laro tayong Truth and Dare". sigaw ko habang winawagayway ang aking kamay.

Naagaw ko naman ang atensyon nila.

Sumang-ayon naman ang lahat sa naisip ko, hinila namin ang aming upuan para makagawa ng isang malaking bilog.

Mabilis lang naman ang mekanics, kung sinong matapatan ng umiikot na bote siya ang tatanungin ng Truth or Dare.

"Okay Gets". pagpapaliwanag ko.

"Yes". sigaw ng lahat.

Pinaikot ko ang bote ng mabilis, kinakabahan ang lahat, kaming lahat ay nakafocus sa umiikot na bote.

Napasigaw ang lahat ng tapatan si Christopher.

Nakangiti lang si Christopher at hindi bakas sa kanyang muka ang kaba.

"Quite guys, Christopher Truth or Dare". nakangising pagtatanong ni Zoe.

"Truth". sagot naman ni Christopher habang kumakamot sa ulo.

Ang cute nyang pagmasdan, ano kaya ang itatanong nila Kay Christopher.

"Ako na ang magtatanong". sambit ni Sabrina.

"Hindi, ako na ang magtatanong". dugsong naman ni Rebecca

Nagtalo pasi Sabrina at Rebecca sa pagtatanong kay Christopher, pero sa huli nagparaya nasi Rebecca kasi alam nyang hindi sya mananalo.

"Sinong natitipuhan mo ngayon". tanong ni Sabrina kay Christopher habang kinikilig.

Sigawan ang lahat pati ang boys, hindi ko mapagkakaila na napaka gwapo talaga ni Christopher kaya madaming girls ang nagkakagusto sa kanya.

"Hmmm, Actually wala pakong nagugustuhan sa ngayon". nakangiting sagot ni Christopher.

Sabay kindat sa akin.

Nagulat ako, hindi ko alam kung anong meaning nun, pero aaminin ko namula ako.

"Sige na paikutin muna yan Christopher". pag-uutos ni Maribelle habang kinakalikot ang kamay.

Tahimik at naka focus nanaman ang lahat, kitang-kita sakanilang mga mata ang excite at tuwa.

Nagulat ako nang tumigil sa akin ang bote, kinakabahan ako baka kung anong itanong nila sa akin.

"Ako na ang magtatanong". nakangiting sambit ni Christopher.

Tumulo ang pawis ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Eunice, Truth or Dare". tanong ni Christopher sa akin.

"Syempre Dare". matapang kong sagot.

Hindi ko alam kung bakit dare ang napili ko, yun ang unang lumabas sa bibig ko.

"Mabilis lang naman to Eunice, hawakan mo ang kamay ni Ralph at mag Hi ka". patawang pagkakasabi ni Christopher.

Nang-aasar ba sya? sa danami-rami ng tao dito bakit si Ralph, pwede namang sya.

Nilapitan ko si Ralph, natatakot at kinakabahan ako baka kung anong gawin nya sa akin kapag hinawakan ko ang kamay nya.

"Hi Ralph". pautal kong pagkakasabi.

Dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Ralph.

Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kamay nya.

Palihim kong inamo'y ang kamay ko at idinampi sa pisngi ko.

--------------------

Natapos ang laro ng may ngiti sa aming mga muka. Kahit na nasa panganib ang aming mga buhay, pinilit parin naming mag pakasaya.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko ang pitaka ko sa bag ko. Napansin ko ang isang puting papel na nakasingit sa gilid ng notebook ko.

Kinuha at Binuklat ko ito.

Hi Miss Beautiful,
Smile kalang lagi.

-Smile

Sino kaya ito?.

[A/N]

Mamimiss ko ang Grade-9 Hydrogen. Huhuhu :(

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last SectionWhere stories live. Discover now