I fell in love with this taken guy

192 10 10
                                    

Maganda

Matalino

Sexy

Maputi

at Famous.

              Ayan ! yan ang mga katangiang hindi ko natanggap mula kay God.

Perfect ba? Hindi ako yan pero ako si Eirma, may sariling katangian. Graduating na ako (4th year high school). Nagaaral ako sa isang pampublikong paaralan. Hindi man ako kagandahan eh may mga naging ex din naman ako, magaling ata ako mangakit ng mga lalaki pero syempre joke yun XD Kahit papano may mga kanais-nais din akong katangian tulad ng tahimik at mabait.

Naglalakad ako sa Hall way:

"Ganda ! Ganda !" may nasigaw. Ayokong lumingon dahil alam kong pag lilingon ako ay mapapahiya lang ako. Kaya wag nalng.

 "Ganda ! Uyyyyy ! Isnabera naman to! " Napahinto at napalingon ako. Si Lara pala, bestfriend ko. Hindi ko nakilala yung boses.

Ako: Oh? Bat ganyan boses mo? Ano nangyari sayo?

Lara: Namalat lang, eto naman ! Nanood kasi kami ni Pherb ng concert kagabi. Edi yun, nagtitili ako. Pherb, boyfriend nya.

Ako: Ay susko ! Sa susunod nga wag mo akong tatawaging ganda baka may makarinig at magtaka pa.

Lara: Ikaw ! Wala kang tiwala sa saili mo. Ganda ganda mo eh !

Ako: Shut up girl !

Class room:

              Hayyyy ! Tinititigan ko nanaman sya. Ang boring kasi ng teacher ko sa Physics magturo, sya nalang tititigan ko. Sya? sya lang naman ang kaunaunahang lalaki na minahal ko ng todo at totoo. Yung mga ex boyfriends ko kasi parang infatuation lang. Yung una ko nga nacurious lang ako, yung isa naman parang kisap-mata. Isang araw lang kami mag-on, may nagsabi kasi sakin na babaero yun kaya inagapan ko na. Kinabukasan nakipag-break agad ako.  Aba ! Okay lang sa kanya, oh diba? san ka pa? at yung last ko naman ay long distance relationship (LDR). Ang pangit diba? Edi break ulet.

RRRIIINNNGGG !

                 Tumunog na ang bell, uwian na. Tumayo na rin sya sa kinauupuan nya. Makapagayos na nga ng bag para makauwi na.

                 Paglabas ko ng pinto ay may humawak sa braso ko. Si Juls, yung lalaking tinititigan ko kanina.

Juls: Bubye, Ingat ka !

Ako: Bye, ingat ka rin.

Palabas na ako ng gate:

                     Kung kelan ko pa iniwan payong ko tsaka pa uulan. Malas, silong nalang ako sa tapat ng school. Tinatanaw ko yung iba pang mga estudyante na lumalabas sa gate baka sakaling makita ko si Lara, may payong yun eh. Maya maya lang ay nakita ko na sya, tama ako ! may payong nga sya kaso nga lang kasama nya si Pherb, share sila sa payong nya. Hindi rin pala ako makakasabay sa kanya, magpapatila nalang talaga ako.

                     Tinatanaw ko ulit yung gate ng school baka sakaling may iba pa akong kilala. Nakita ko si Juls, napangiti ako pero napawi ito ng makita kong dala nya ang bag ni Ayla (girlfriend nya) at magkashare sila sa payong. Ang sweet nila. Hindi ko napigilan sarili kong tumakbo at hinayaang masaktan sa bawat patak ng ulan na bumabagsak sa aking katawan kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.

I fell in love with this taken guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon