JOS: 60 "Yhoana's Birthday"

71 1 0
                                    



Yhoana's pov...

Nandito kami lahat ngayon sa sementeryo, lahat kami pati si tito cris. Nagtataka kayo kung bakit hindi namin sya pinatay? Ako din eh nagtataka. Ewan ko ba dito kay Nathan, este kay kuya.

Naisipan nya daw na wag patayin si tito at ikulong na lang muna ito sa Underground ng palace, mas mabuti na daw yon, at saka may doctor na tumitingin kay tito baka daw kasi masiraan ng ulo eh, grabi din kasi yung sakit na dulot sa kanya nung nangyare , lalo na yung nangyare kay james at kay dad, grabe tito ko pala si james, ngayon lang nag sink in sa utak ko yon. sayang nga lang wala si james eh. Nakakalungkot L

"hoy yhoana! tama bang patayin ako sa isip mo?! Loko ka ah!" james.

Laaaaaaaaaaah! Sa isip ko lang un ah bakit nalaman nya?

"haha hindi naman tito james no, binibiro ko lang naman nag readers natin eh. Sorry na tito james"

"wag moko matito tito jan! walang galang patayin ba naman ako, sumbong kita jan kay kuya vic eh"

Haha sorry naman, sa totoo nyan buhay talaga si james, pati na din ang kambal, ang kambal kalalabas lang nung nakaraan, ako naman nung kinabukasan nung nangyre samin, bali tatlong araw na ang nakalipas yung nangyare, si james naman kalalabas lang nya. Naka wheelchair pa nga eh. Nagtataka kayo bakit buhay? Haha ako din eh.

"wag kana magtaka yhoana, kinausap ako ni kuya vic bantayan daw kita sa manliligaw mo kaya ako pinabalik haha" sabi ni james.

Napasama ata tama nito ni james tumatawa na eh haha. Isa pa yan si claide, simula nung nangyare samin sa hideout nila tito cris hindi nako pinapansin hindi ko alam, hindi ko din naman pinapansin kasi baka mamaya deadmahin din ako bahala sya! Ako na nga unang umamin eh.

"yhoana kailangan na natin umuwi" singit ni Nathan samin,

"oo nga yhoana nauna na sila don tagal tagal na natin dito" sabi naman ni james, lahat sila umalis na kami na lang tatlo ang natitira dito.

"kayong dalawang tanda shhh nga muna kayo kinakausap ko sila mommy tsk!" nanahimik naman ang dalawa.

"mom, dad! Pano bayan alis na kami eto kasing dalawang tanda ata—"

"hoy yhoana maka tanda kana man jan parang isang taon lang tanda naming sayo" sabi ni james.

"haha oo na tito james kuya Nathan, oh sya mom, dad! Alis na po kami, I love you both"

"bye ma" kuya Nathan

"bye kuya vic, ate yhoona. Wag kayo mag alala dalawa kami magbabantay kay yhoana" james.

"kala mo naman napaka pasaway ko grabe ka talaga tito tara na nga" sabi ko at nauna na sa kanila, tinawanan lang naman ako ng dalawa.

Hindi naman nagtagal dumating na kami sa palace, ano bang meron ngayon?

"kuya, tito! Ano nga pala meron ngayon sa palace?" tanong ko sa kanila

"lokang to hindi alam! Naumpog ba ulo mo? At sarili mong bday hindi mo alam?" tanong ni kuya.

Hindi nako sumagot at nagpout na lang. birthday ko pala hindi ko alam ,masyado kasing na occupy ng lahat ng nangyare ang utak ko eh, kaya nalimutan ko na bday ko pala,

"dumaretso kana sa kwarto mo naghihintay na duon si kariza at Hershey" sabi ni kuya, kahit nagtataka ako kung bakit andun sila pumunta na lang ako baka maupakan nako ni kuya eh.

Pag pasok ko sa loob boses agad ni ate Josephine at ni maria ang bumugad sakin.

"ang tagal mo naman dumating bagot na bagot na kami dito" angal nito sakin, akala ko ba si kariza at ate Hershey lang andito bakit may mga asungot? Tatlo pa tsk!

"ang sabi sakin ni kuya, ang naghihintay sakin dito si kariza at ate Hershey lang bakit may tatlong epal pa? at talagang sila pa yung umangal na matagal ako ah"

"actually yhoana kanina pa kami bagot ni kariza dito" ate Hershey.

"sorry ate kasi naman sila kuya eh"

White lies haha sorry kuya haha. Tiningnan ko naman ang pwesto nila, si kariza nasa harap ng salamin ko, si maria at ate Josephine naman nasa bed ko naka higa, si Eunice naman naka dapa sa karpet at nag cecelphone, si ate Hershey naman nasa mini sofa ko naka higa.

"ayos ah may kanya kanya kayong pwesto dito ah, ano ba gagawin natin ah?"

Madali naman nabago ang pwesto nila at kanya kanyang kuha ng gamit, kay ate Josephine mga damit, kay maria mga heels, kay unice naman mga alahas, kay ate Hershey naman make up at kay kariza ako haha , ako ang pumalit sa pwesto nya.

Makalipas ang ilang minute naayusan na nila ako at ang napili nilang dress sakin ay ang color purple na may black lining, makintab ang dress fitted din kay hapit na hapit ang katawan ko, at ang ganda ko . napakag ayos na din naman ang lahat, at ang gaganda naming grabe.

"ang ganda mo yhoana, pero mas maganda ako" sabi ni Eunice tinawanan na lang namin sya haha.

Nagtataka ba kayo kung bakit ko sila naging close? Kasi ganto yan. Si maria at Eunice kasamahan pala ni kariza, sila ang tress killer's at mga assassins pala sila grabe lang buti hindi ko pinatulan masyado to si maria nuon eh baka in just one snap dedo na ako haha,

Si ate Josephine at ate Hershey naman ay kagrupo ni kuya Denver na pinsan pala ni claide, at yung dalawang 4th yr na kasama namin ni claide nung sa camp ay kasamahan din pala ni kuya Denver at mga mafia pa sila! Gaaaad! Grabe sila no haha,

Si Denver sya yung nagligtas sakin sa beach at si ate Hershey at ate Josephine naman ay yung dalawang narinig ko sa cr nun at ang nakakainis ako pala yung queen na sinasabi nila! At si vince? Pinsan ko pala yung loko na yon!

"queen ready?" tanong ni ate Hershey, gad ang ganda nya nakangiti pa.

Tinanguan ko naman sila at saka na kami lumabas ng kwarto pumunta kami sa elevator dahil sa rooftop daw ginanap tsk bakit kasi kelangan bongga pa eh.

Galing kami sa 3rd floor at nasa 8th floor ang rooftop, pag bukas ng elevator bumungad samin ang mga mongoloid este ang mga gwapong nilalang na mula sa baba haha.

Unang lumabas si ate Josephine at sinundo naman ito ni kuya carlos, at sumunod ko ate Hershey na sinundo naman ni kuya, kinindatan naman ako ni kuya, sumunod naman si maria na sinundo ni beck, si Eunice na sinundo naman ni brian, sinundan naman ito ni kariza at sinundo naman ni biew. Nangangamoy malansa ah haha, sumunod naman ako lumabas dahil nasa dulo ako hmp. Hinintay ko naman na may sumundo sakin wala kahit isa grabe lang!

"wala bang susundo sakin?" tanong ko sa kanila, napalingon naman sila lahat sakin.

"WALA!" sagot ng lahat, napanguso naman ako at unti unti ng naluluha grabe sila bday na bday ko ginaganyan nila ako,

"syempre joke lang haha" sabi ni kuya,

"tabi tabi! Dadaan ang pinaka gwapo" sigaw ng batang si tap.

Tumabi naman ang lahat at binigyang daan si tap, nilahad naman nito ang kamay nya sakin at kinuha ko naman ito.

"ate ako na muna ang mag escort sayo ah" sabi nito at saka ako kiniss sa pisngi.

"hoy bata chansing ka na naman ah si cl— este wala pa nga nagiging bf yan ikaw na agad unang nakakahalik" sabi ni james.

"asan si claide?" bulong k okay tap.

"ewan ko dun ate" sagot ni tap at saka na ako niyakag sa table kung san kami nakapwesto,





*Vote & Comments*
Thanks :*
-Q❤

S1 -Just One SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon