1980, Pilipinas
"General Andrada, tawag mula sa president." Iniabot ng babae ang telepono sa nakatataas; isang matandang lalaki na bagamat nangungulubot na ang mga pisngi ay nananatiling nakasisindak ang awra dulot ng matipuno niyang anyo na pinaiibabawan ng apat na pares ng bituin sa magkabilang balikat.
"Yes, Mr. President," bati nito nang hindi nagbabago ang ekspresyon.
Nasa isang kuwartel sila. Sa harapan niya ay may isang mapang nakalahad sa ibabaw ng mesa. Sa itaas nito ay ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa silid. Sa labas naman ay ingay ng mga sundalong humahanay at naghahanda ng armas.
Naninigas ang kaniyang panga habang nakikinig sa kabilang linya, bahagyang naka-kunot ang noo.
"Ngunit na-plano na namin ang pag-atake. Bakit—" Inilayo niya ang telepono sa sarili, saka ito binagsak nang marahas. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang kanang-kamay, isang babaeng naka-tali sa likod ang itim na buhok. "Tenyente," bumuntong hininga siya, "nais makipagkita ng mga halimaw sa ating presidente."
Ang babaeng may tatlong bituin sa balikat ay tumango. Sa kanang dibdib naman niya ay nakalagay ang kaniyang apelyido, Aragon.
"Kung ako lang ang masusunod, que se joda mga bampira pa 'yan, 'di natin uurungan," dagdag pa ng matandang lalaki. "Pero binigyan daw ng pagsang-ayon ng U.N. ang desisyon niya."
"Ano pong ipag-uutos n'yo, Heneral?" ani Aragon nang hindi kumukurap ang pares ng tsokolateng mata.
"Makikipagkita si President Avelino sa puno ng angkang Le Roux sa Palawan. Nais kong samahan mo siya, Kalen, at bantayang maigi. Bawat isang oras, magre-report ka sa 'kin, maliwanag?"
Sumaludo ang dalaga saka lumisan.
~*~
"Kamahalan." Lumuhod ang isang maputla at balingkinitang babae sa harap ng isang binatang tila naubusan ng dugo ang kulay, at may pulang pares ng mata. "Sang-ayon ang lahat sa plano. Sa isang linggo, makikita n'yo na ang Sweettooth."
Isang ngisi ang sumilay sa namamarak na labi ng hadyi bago nito dakmalin ang leeg ng babae at siilin ito ng halik.
-----
Dedication goes to the editor of my bc. :)
BINABASA MO ANG
Sweettooth
FantasyHindi ordinaryo si Kalen at alam niya iyon. Bata pa lamang ay may kakaiba na siyang lakas ng pandama, higit sa mga kalaro niya. Mas matalas ang kaniyang pang-amoy, paningin, pandama, panlasa at pandinig. May kakaiba rin siyang resistensya na hindi k...