Kabanata IV

77 31 3
                                    

Dream of me, Kalen.

Napabalikwas siya ng tayo mula sa pagkakatulog. Ang apat na salitang narinig niya sa pagkakahimbing, panaginip ba iyon? Hindi niya rin alam.

Isang araw na ang lumipas. Ngayon darating ang presidente. Kaagad siyang bumangon para maghanda.

Kaso wala nga pala siyang banyo rito. Lumabas siya dala ang kaniyang mga kagamitan. Napadaan siya sa kusina papunta sa paliguan at napahinto.

Naroon si Manton at tila umiinom ng—base sa amoy—tsaa.

Nagkatitigan sila. Nagkagulatan. Kahit siguro ang mga tauhan niya ay mawiwindang sa suot niyang kulay rosas na pantulog. Nag-mukha pa siya lalong bata sa disenyo nitong mga oso. Dapat talaga'y hindi niya inaasahan si Jane sa pag-impake ng mga kagamitan niya.

"Kalen Rowan Aragon," pagbati nito.

Napaisip siya kung magpapanggap na walang narinig at magpapatuloy, o magiging sibilisado ngunit lalamunin ng kahihiyan.

Pinili niya ang huli. "Manton."

Nasa kaniya at kaniya lamang ang pulang mga mata nito. Pamilyar.

Nakita niya ito sa kaniyang panaginip. Kagaya ngayon ay pinanonood siya nang puno ng interes.

Nakababahala man ay itinulak na lang niya ang naiisip sa likod ng kaniyang isip.

"Sinisiguro ko lang na ikaw nga iyan. Akala ko'y nililinlang na 'ko ng aking mga mata."

Ang aga-aga'y nararamdaman niya ang mga ugat na naglalabasan sa sentido ngunit ikinubli ito. 

"Tea?" alok nito. Nakangisi.

"Sige lang. Salamat." Dumiretso siya sa banyo nang may hiling na makalimutan niya at ni Manton ang naging tagpo.

Pababa si Presidente Edralin ng elikoptero habang naka-saludo si Kalen at mgas mas nakabababang sundalo sa direksyon nito.

Sa likod nito, nakasunod si Heneral Darren Andrada. Nakasimangot ito, permanenteng anyo ng mukha nito.

Pagkadaan nila ay sumunod si Kalen sa Heneral. "Anong nakalap mo?" bulong nito sa kaniya.

"Wala masyado. Mailap si Manton. Guarded. Hindi siya bampirang nabuhay nang ilang siglo para mauto—"

"Manton?" Huminto ito sa harap niya.

Kinabahan siya. Parang naging kasalanan ang pagkakabanggit niya sa binata. "Anak ni Edmund Le Roux, Sir. Mamayang gabi raw siya darating."

Mababang pag-angil ang ginawa ni Darren. Sa katunayan,  higit pa sa ano mang halimaw sa mundo, si Darren ang isa sa mga taong nirerespeto at kinatatakutan niya. Nagpatuloysiya sa paglalakad patungo sa sasakyan ng presidente.

Inaabangan sila ni Edralin, ngunit hindi makatingin sa direksyong iyon si Kalen. "Sir, sa jeep na 'ko," paalam niya.

Tumango ito. "Alerto."

Ngunit pagkasabi pa lang nito niyon ay isang malaking lobo ang tumalon sa direksyon ng Heneral na nagpatumba dito sa lupa.

Kaagad na naglabas ng baril si Kalen at tinutukan ito. Nakarinig siya ng isa pa sa gilid, papalapit naman sa presidente. Hinarangan niya ang dalawa at pinagbabaril ang mabangis na hayop. Umiiyak itong bumalik sa kagubatan.

Hinagis ni Darren sa gilid ang nakapatong na lobo sa kaniya at kaagad tumayo, may dugong tumutulo sa braso niyang kinagat nito.

Pinasa ni Hermoso ang mas mataas na kalibreng baril sa heneral. Pinaulanan niya ng bala ang kumagat sa kaniyang lobo.

Nang bumulagta ito sa lupa ay nagbagong-anyo ang hayop. Naging tao.

Umiling si Darren kay Edlarin, animo'y sinasabing tama siya.

"Narito na rin lang tayo," tugon nito sa heneral. Tumuloy siya sa pagsakay sa sasakyan.

Lumapit si Kalen kay Darren, naghihintay ng utos. "Alam mo ba kung bakit biglang naglabasan ang mga halimaw na 'yan pagkatapos ng ilang libong taon?"

"Bakit?"

"Dahil pagod na silang magtago. Dahil hindi na nakasusunod ang gobyerno sa kondisyon ng kasunduan."

"Napadalaw ka, Tito?" Inabutan niya si Darren ng baso ng inumin saka umupo sa salas kasama nito.

Nauna nang umuwi ang dalawa niyang kaibigan.

"Ha. Tito raw. Hindi naman kita pamangkin," komento nito.

"Hindi nga." Nagtaas ito ng binti sa sopa. "E ano bang gusto mong itawag ko sa 'yo, Manong?"

"Darren, Kalen. Darren ang itawag mo sa 'kin. Dahil ayokong malinya dyan sa tito mo na palamunin."

Umalik-ik siya sa tinuran ng matandang lalaki. "Inom tayo?"

"Dios mio ka, mamamaalam na nga ako't babalik na 'ko sa kampo bukas. Lalasingin mo pa ako."

"Gaano ka ba katagal doon?" Nakarinig sila ng mga bulyaw sa kalapit na kwarto. Bumuntong hininga siya.

"Buwan. Taon. Aba ewan ko na."

"Bakit, wala ka bang choice?"

Sa pagkakataong ito ay nakipagtitigan sa kaniya si Darren. Nabahala siya rito. "Ikaw ba, wala? Bakit nandito ka pa sa poder ng lalaking 'yon?"

"Kamag-anak ko siya."

"Porque ba? May nakasaad ba sa batas na dapat samahan mo siya dahil kadugo mo siya?"

"Kahit na!" Tumaas na ang boses niya. Tumayo na lang din siya para umiwas sa usapan.

"Bakit hindi ka sumama sa 'kin? Ipakikilala kita sa kan'ya."

Bumalik ang tingin niya rito.

"May pinabibigay pala. Alam mo naman, hanggang bigay lang naman kasi ang kaya niya." Nag-abot ng maliit na kahon si Darren. "Magagalit 'yon pero wala na naman siyang magagawa, 'di ba?" Natawa siya sa naisip, ngunit hindi pa rin napipilas ang titig ni Kalen sa kahon. Inilapag niya ito sa lamesa.

"Alas singko ng umaga, aalis na 'ko. Kung wala ka pa, iiwan na kita."

SweettoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon