Isinulat ko ito para mailabas ang emosyon na matagal ng nakatago sa dibdib ko.
Ay, wala nga pala akong dibdib.
Ang sabi mo, ako lang ang "baby" mo? Pero bakit iba ang pinalitan mo ng diaper? Bakit hindi ako?
Ang sabi mo, ako lang ang "buhay" mo? Pero bakit pinagpalit mo ako sa taong mukhang nag-aagaw buhay?
Ang sabi mo, ako lang "planeta" mo? Pero hindi, e. Hindi ako bilugan kagaya ng babaeng pinalit mo. Never akong magiging planeta, mahal. Magsama kayong mga mukhang crater ng buwan!
Naalala ko pa, sinagot kita sa loob ng tricycle. Malapit lang ang bahay niyo sa amin. Isang sakayan lang ang sinasakyan natin papuntang eskwelahan. Unfortunately, masyado akong maganda at nakuha ko ang atensyon mong pangit ka. Eighteen ka non, seventeen naman ako.
Hindi ka naman pangit na pangit. Hindi ka rin kagwapuhan, mahal. Kumbaga, nasa pagitan ka lang ng umaga at gabi. Ng liwanag at dilim. Ng langit at at lupa dahil kulay lupa ka. Pero never kang naging amoy lupa.
Bakit nga ba minahal kita?
Una, dahil mabango ka. Tuwang tuwa ako habang inaamoy ang damit mong amoy downy at ang pabango mong ipinaligo mo sa leeg mo.
Malinis ka sa katawan, konsensya lang ang hindi.
Pangalawa, dahil napapatawa mo ko. Lalo na kapag nakikita ko ang mukha mo.
Pangatlo, dahil may kakaibang bumabakat diyan sa pantalon mo kaya hindi ko makuhang magutom.
Ayaw mo kasi akong nagugutom at alam na alam mo na paborito ko ay saging na lakatan. Kaya lagi kang may baon diyan sa bulsa mo.
Pang-apat, dahil sa makulit ka. Lagi mo akong ginugulo, mapa-school man o sa bahay. Hindi mo ko tinantanan sa text hanggat hindi ako nagrereply. Nagpalit na nga pala ako ng number kaya hindi mo na ako matext, hayop ka kasi mahal.
Pang-huli, dahil hindi ka nagsawa sa akin. Hindi ka nagsawang intindihin ako. Sa bawat minutong ikinahiya kita sa harap ng magulang at ng mga kaibigan ko ay hindi ka nagsawang intindihin ako. Sa bawat oras na sinabi kong kaibigan lang kita ay pinalampas mo. Sa bawat oras na nahuli mo akong may kasamang iba, at sa bawat salitang sinabi mong okay ka lang pero hindi naman talaga.
Ayos lang talaga mahal. Masaya na ako na may ibang babae ng nakakapagpasaya sa'yo. Hindi man siya kagandahan katulad ko pero kitang kita ko kung gaano ka niya pinahalagahan at minahal. Pasensya ka na, mahal. Hindi ko ginawa ang lahat ng bagay na makakasakit sa'yo para layuan mo ko. Ginawa ko iyon para mabawasan ang sakit na mararamdaman mo.
Mahal, may taning na ang buhay ko.
Pero sira ulo at gago ka, three years pa akong mabubuhay pero lantaran na ang pangangaliwa mo. Mag-break na tayo!
BINABASA MO ANG
Mahal, bakit?
Short StoryBakit kaya ganito ang title? Paki-explain. Sobrang short lang. Sobrang random. Sobrang bored lang ang writer.