Maraming rason para mahalin ka. Pero napakaraming dahilan kung bakit hindi.
Mahal, bakit ka kasi ganyan?
Nagsimula lahat noong unang taon natin sa kolehiyo. Engineering ang kinuha mo. Tourism naman ako. Ayos pa ang lahat noong una. Nanligaw ka sa akin. Sinagot kita. Tipikal na pag-iibigan.
Hindi naman ako easy-to-get na babae, pakipot sa una. Lumabas lang ang landi noong tayo na. Sa'yo lang naman lumalabas ang kalandian ko. Loyal ang pagkalandi ko, at sa iyo lang iyon. Hamakin mo, apat na buwan na panliligaw din yon.
Noong unang monthsary natin, binigyan mo ako ng isang rose. Ang sabi mo sa akin ay sa second monthsary natin ay dalawa na ang ibibigay mo. Hindi na ko masusurprise sa dalawa mong rose dahil sinabi mo na kaagad. I love surprises. Pero mas nasurprise ako dahil hindi mo na ko binigyan ng rose nung sumunod na monthsary natin. Anong katalkshitan 'to, mahal?
Hindi tayo lumalabas araw araw. Tatlong beses sa isang buwan tayo nagde-date. Halagang 50 pesos na rose ay hindi mo ko nabigyan? Sabihin na natin na hindi na rose, kahit ordinaryong gumamela na lang na pipitasin mo jan sa school. Kahit ganon na lang sana. Nangako ka nun, mahal. Nangako ka! Kaya sana tuparin mo.
Nadagdagan pa ang frustration ko noong sinabi mo sa akin na sobrang demanding ko sa time mo.
Mahal, tandang tanda ko kung paano mo dinegrade ang pinili kong kurso. Ang sabi mo, busy lang ako kaka-make up. Kaka-travel. Kaka-aral ng mga iba't ibang lenggwahe. Puro paganda lang ako. Isinumbat mo sa akin kung paano kayo mag-solve at mangarag sa plates mo.
Walanghiya, mahal.
Ikaw ang pumili niyan. Ikaw ang nanligaw. Ikaw ang nagkagusto sa akin ng una. Pero bakit feeling ko ako pa ang naging hadlang sa pangarap mo?
Nagreklamo ba ko noong text ka nang text at ako naman ay reply nang reply sa'yo para hindi ka magalit? Sa bagay, kaya mo naman pala ako palitan dahil gwapo ka.
Pasibol pa lang ang ganda ko, ikaw malapit ka ng pumangit.
Naalala ko nga pala yung babaeng ka-block mo, si Maja? Maharot.
Kasama niyo siya sa overnight. Na-meet niya na ang parents mo. Ako, si girlfriend. Two months na tayo noon pero nganga ang malapit nang gumanda. Nagreklamo ba ko?! Tumutol ba ko?! Wala ka namang narinig sa akin. Sa loob loob ko kasi, for academics naman 'yon. Baka kasi mamaya magalit ka na naman sa akin at sabihing napaka-selosa ko.
Bawal nga pala akong mag-selos. Bato ba ko, mahal?
Nilait mo ang mga leading man sa mga pinapanood kong kdrama. Mula kay Nam Joo Hyuk. Sinabi mong mahaba ang baba niya. Wow naman mahal, hiyang hiya naman ako sa hilatsa ng pagmumukha mo.
Sinabihan mong malaki ang ngipin ni Park Bo Gum, parang nakalunok ng pustiso. Ay syet naman, hiyang hiya na talaga ako sa'yo. Putragis ka!
At ang hindi ko matanggap, sinabihan mong bakla si Song Joong Ki. Animal ka, mahal!
Hindi na ko nakapagtimpi.
Hindi ko na natiis ang lahat.
Binreak na kita. Hindi na kita gusto.
Maganda ako kaya ako ang nakipag-break.
BINABASA MO ANG
Mahal, bakit?
Short StoryBakit kaya ganito ang title? Paki-explain. Sobrang short lang. Sobrang random. Sobrang bored lang ang writer.