Hindi ko alam kung paano nagsimula ang kabaliwan na'to. Basta ang alam ko, crush kita.
Sa sobrang duwag mo noong hamunin kita dati. Crush kita kaya dapat ay crush mo rin ako.
Sobra ang pagtanggi mo na para bang may nakakahawang sakit ako. Na para bang life and death na ang offer ko. Ako na nga ang nag-insist, ikaw pa ang may ganang tumanggi?
Nakaka-offend ka, infairness.
Mahal kong crush, hindi porket crush ka. Crush na kita forever. Hindi lang ikaw ang lalaki o babae sa mundo dahil...
Marami kayong crush ko.
Pasalamat ka nga at naging crush kita.
Oo, utang na loob mo sa akin 'yon. Isusumbat ko talaga sa'yong talipandas ka!
Kung makatanggi ka sa akin akala mo naman anak ka ng CEO. Akala mo naman sobrang flawless mo. Hoy, may imperfection ka rin, ipapaalala ko lang sa'yo.
Mabait ka, oo. Doon nga ako nahulog sa'yo. Sobrang galang mo rin, mahal. Noong sinabihan kita ng "I love you", ang sinagot mo sa akin, "Thank you." Ay wow, ang polite mo naman, mahal. Hindi ka ata naturuan ng maayos ng teacher mo.
Sinasabi na ng utak ko na itigil na ang kahibangan na ito pero hindi pumayag ang puso ko. Todo cheer pa rin sabay sabing "Konting tiis pa, bes". Talagang papanindigan ko ang kabaliwan na 'to.
Ikaw lang naman ang walang paninindigan sa atin.
Anyways, marami ka namang material na bagay. Hindi ko nga alam kung anong ireregalo ko sa darating mong birthday. Gifted ka kasi sa family mo. Naibibigay nila sa'yo ang mga kailangan mo. Mapa-pera man 'yan o gamit na gusto mo. Pero may napansin ako sa'yo, isa na lang talaga ang kulang mo....
Asawa, mahal.
At ako 'yon.
BINABASA MO ANG
Mahal, bakit?
Short StoryBakit kaya ganito ang title? Paki-explain. Sobrang short lang. Sobrang random. Sobrang bored lang ang writer.