Naranasan mo na bang magmahal ng taong di ka naman mahal? Yung akala mo sa una nyong pagkikita ay sya na talaga yung mamahalin mo hanggang kamatayan? Kung oo pareho tayo.
Sakay na sa istorya nang sakit, saya at lungkot at tyak mahihilo ka sa kakabasa. 😂😂
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Esang, yan yung palayaw ko, di naman talaga ako kagandahan di rin katangkaran kumbaga ay typical ba babae lang, simpe pero di nerd. Parang pabaya sa sarili pero di naman basta karaniwan lang ako at di kaakt akit. Ang totoong pangalan ko at Ysabel Marie Mangtoma parang mang tomas lang diba? Di ko nga alam bat ganyan yung apilyido namin pero andyan na yan eh.
Summer ngayon at uso na naman yung mga team Bahay. Taong tambay sa bahay lang.. Kagaya ko. Di naman kasi ako mahilig gumala eh pero nagbago yun nung nakilala ko si Jun, mas matanda ako ng kunti sa kanya. Barkada sya ng kapatid kong si totoy.
"Ate esang sama ka?" Tanong ni totoy
"San tayo bro?" Oo bro yung tawag ko sa kanya cool diba?
"Dun kina lola magbabasketball kami ngayon" sagot niya
"Cge bro magpapaalam ang ako kina mama" sagot ko
"Wag na ate pinagpaalam na kita kanina para kana kasing manang sabi ni mama kasi andito ka lang sa bahay nakatambay" si totoy sabay tawa na parang lalabas na sa balat nya.
"Aba matindi! Di panga ako pumapayag naka pagpaalaman kana kaagad" sambit ko na nakangisi din pero medyo naiinis.
"Ganyan kita ka love ate kaya tayo na baka nagsisimula na sila"
"Cge bro" ambait talaga ng totoy na to kaya sya yung paborito kong kapatid eh kasi napaka lambing pero nakakainis din minsan.
Nagbihis lang ako at umalis na kami kaagad.
Baka sabihin nyo di ako nakaligo ah?
Kakaligo ko lang bago niya ako niyaya kaya gora na kami!
Ps. Hope you will enjoy guys.
Di man ako magaling mag sulat pero practice makes perfect nga diba?
BINABASA MO ANG
First Love in Summer
Random"Mahal kita pero bakit nga ba ang hirap mong mahalin? Sana di nalang kita nakilala para di ako nasasaktan nang ganito ngayon!" -esang