Tirik na tiril ang araw nang makarating kami ni totoy sa paglalaruan nila ng basketball at ako naman dun ako pumunta sa bahay nina lola. Malapit lang kasi yun dun eh.
"Morning po lola!" Sabay halik ko sa kanya.
"Kaawaan ka nang Dyos anak" sabi ni lola. "Buti nalang nakadalaw ka na dito. Wala na ba kayong pasok? Halika ka dto tayo sa loob" yaya ni lola.
"Wala na po lola, buti nga sinama ako ni totoy boring na kasi ako sa bahay eh.. eh isang linggo palang nung nagtapos yung pasok namin pero pakiramdam ko eh mababaliw na ako dahil nga boring huh."
Mahabang simangot ko kay lola. Kahit naman isang barangay lang ang layo nina lola eh di talaga ako nakakapunta dto kasi nga dretcho ako ng school tapos pag uwi ko eh aral kain at tulog agad. Pag sabado naman eh tambahay lang din ako."Okay lang yan apo, bakasyon na at e enjoy mo nalang yan ngayon. Naka almusal kana ba? Teka titingnan ko sa loob kung me....."
Di ko na pinatapos si lola sa pagsasalita at nagpa alam saglit.
"Nakakain napo ako lola salamat po! Cge ho la alis muna ako at pupunta ako kina totoy at manunod muna ako ng laro nila"
Palakad na ako nang..
"Oy Esang! Esang!... Hoy!..." Sigaw nang babae na tumatakbo papunta sakin.
"Insan Mitz ikaw pala! Ang ganda mo nang bruha ka ah! Ano ba sinisigaw mo bruha ka?" Biglang sagot ko sa kanya.
"Bruha ikaw nga parang lola na eh. Tingnan mo nga yan ang gulo" Si mitz sabay ngiti na parang pigil at tinuturo ung buhok kong di ko pala nasuklay kanina.
"Bruha ka talaga insan. Kung nakalimutang magsuklay lola agad? Di ba pwedeng nakalimutan lang at nagmamadali? Eh ano ba kasi pala yung sinisigaw mo kanina ah? At parang lahat nang taga dto eh dinig na dinig ka?" Tanong ko.
"Wala insan. Na miss lang kita eh. Pupunta kaba kina totoy?" Tanong ni mitz.
"Oo insan. Sama ka?" Anyaya ko sabay lakad na kami pareho.
"Syempre naman insan andun kasi si baby blue eyes ko at alam mo bang lagi akong nanunuod kina totoy at tsaka baby blue eyes ko kasi napaka gwapo niya talaga insan." Sabay ngiting kilig na kilig.
"Ikaw talaga insan di ka parin nagbabago kahit napakaganda at sexy mo pero ikaw parin humahabol sa lalaki. Teka lang. Boyfriend mo ba ang lalaking yu?" Tanong ko.
Talaga naman kasing napakaganda ng insan kong to pang muse sa class officer samantalang ako pang janitor lang. Haha"Oo insan kami na pero di pa niya alam!" Bigla niyang sagot.
"Gaga ka talaga insan. Tama na nga yang imagination mo at baka madapa na yung baby blue eyes mo!" -ako
"Cge insan" -sya
"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhh.... Insaaaaaaaaan!......." Sigaw ni mitz at nadulas ako dahil sa gulat.
"Aray. Ano ba yun insan. Sakit naman nadulas pa ko." Tanong ko habang nanggagalaiti sa sakit ng paa ku sa pagka dulas.
"AY NAKU SORRY TALAGA INSAN! Halika at tutulongan kita" sabay alalay sakin.
"Ano ba kasi talaga yun?" Usisa ko
"Nakita mo yun? Yung naka red jersey na # 3? Yun oh. Yun yung baby blue eyes ko!" Sabik niyang sagot."Nasan?" Tanong ko.
"Yun oh. Ayun. Ayun" sabay turu sa lalaki.
In fairness mataas sya at medyo brown na ang skin. Naka talikod samin kaya di ko nakita yung mukha at dumiretcho nako sa upuan para hilutin yung paa kong masakit nang biglang...
"Tol musta yung paa mo? Mukhang nagkapasa ah! Pagpasensyahan mo na yang si mitz eh matagal na akong gusto nyan eh." Tanong ng isang lalaki.
"Napaka presko namang magsalita tong tarantadong to. At isa pa.. Tol? Anong tol ang pinagsasabi nito..?" Bulong ko sa sarili ko..
Nakatalikod kasi ako sa mga naglalaro kasi cnu ba namang babae ang maghihilot ng kanyang paa sa tapat ng mga nakalaro diba? Wala din si mitz kasi pinabili ko ng yelo sa labas ng court.
Humarap ako sa preskong lalaki at....
"O...okay lang a...koo.." Pautal utal kong sagot di dahil sa sakit ng paa ko kundi dahil parang biglang nag slow motion ang mundo at napa tulala ako sa lalaking nasa harapan ko..Mapupula ang kanyang mga labi, at totoo nga ang sabi ni mitz na medyo bughaw ang kanyang mga mata, makinis pero medyo brownish ang balat siguro sa kakalaro niya ng basketball. Batak ang katawan at sigurado akong may pandesal sya. In short GWAPO!
"Jun nga pala tol. Ikaw?" Tanong nya.
"Esang" sagot ko habang naka tulala parin.
"Cge tol laro muna ako" paalam nya.
"Cge" tangi kong sabat sa kanya..
"Ahhhhhhhh. Ang sakit ng puso ko parang sasabog. Di ko alam kung kaba ba o ano. At teka. Tol na naman? Eh tarantado yun ah! Ano akala niya sakin lalaki? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?"
Kausap ko sa sarili ko ng biglang sumigaw si Mitz.
"Esang ah nakita ko yun. Napakalagkit ng tingin mo sa baby blue eyes ko. Pag inagaw mo yun magagalit talaga ako." Banta ni mitz.
"Wala yun insan. Cge dto muna ako" sagot ko sabay nuod nalang kina totoy na di man lang ako kinamusta. Lagot sakin yun mamaya..
Ps. Thanks kung binabasa mo to ngayon 😂
BINABASA MO ANG
First Love in Summer
Random"Mahal kita pero bakit nga ba ang hirap mong mahalin? Sana di nalang kita nakilala para di ako nasasaktan nang ganito ngayon!" -esang