The arrival
“Mmmm.. mmm.” Sabi ni Teolo na hindi pwedeng magsalita ng 3-days dahil sa dare.
“Ha?” tanung pa ni Diane na kakilala na ang lalaki kahit nung nasa middle school pa sila. “Bakit hindi ka magsalita?” tanong pa nito ulit.
“MmmMMM...” (hindi ako pwedeng magsalita) sabi ni teolo na nginunguya ang mga sinasabi.
May bumatok sa likod ni Teolo...
*author- hindi po naisali ung pangalan ni Michael at Teolo sa introduction ng 3-A boys,dahil galing sila ng Boracay dahil sa business mattters, tapos laging silang wala... Pero ngayon nagbabalik sila dahil sa panakot ni Mam Paz na maalis na sila ng 3-A at magiging 3-b na sila*
“Ano ba naman Michael!” sigaw pa ni Teolo na nakatanggap nanaman ng batok.
Tinuro ni Michael ang orasan kung saan ay nagpustahan sila na kung sino ang unang magsasalita ay taya sa Bar party mamayang gabi.
“You lost, idiot” sabi ni Michael na nakangiti. “Your treat” sabi ni Michael bago sinalubong ng mga 3-A boys.
“Wow, pare kamusta ang Bora?” akbay pa ni Joniel dito.
“Yung type nyong girls... I’ve brought some of them according to your tastes...” sabi pa nito sabay kindat dito.
Naghiyawan ang mga boys sa narinig.
“Nice one!” sabi pa ni Bryce dito tapos umapir pa...
“”Ayos! Mamayang gabi!” dagdag pa ni Joshua na ngumingiti.
“Wala naman si Mam Paz ng 3-days eh...” Paliwanag pa ni Jeremie.
“Guys!!! Yung pagkain!” paalala pa ni Reb sa mga boys na excited pa sa mangyayari.
“Anong pagkain?” Tanong pa ni Teolo na nagtataka bakit nagpapanick si Reb dahil lang sa pagkain.
“Ay oo nga!” sangayon pa ni Renegold kay Reb.
“Guys! Saglit lang bibili lang kami ng pagkain...” paalam ng mga 3-A boys na pumunta na sa canteen.
Naiwan sina Michael at Teolo
“anong pagkain iyon?” tanong ni Michael
“di rin tayo parehas ng tanong no? Parang inulit mo lang yung tanong ko kanina, repeater ka talaga!”
“hoy zombie ito no! Always contrabida sa mga plants” straight face nitong sabi.
“zombie? Alin yung sumasayaw? Bro mas pogi ka dun!”
“yan ang gusto ko sa iyo dude magaling kang mang uto!”sabi nito sabay pasimpleng batok dito at sumeryoso ulit. “Matagal ko nang alam yan!”
“ ‘to naman pinahalata mong binobola lang kita”
“ah ganon subukang mo kayang lumapit dito?”
“ ayaw ko nga nek nek mo” sabi niya na parang bata na nanga-asar kay Michael.
“Teolo”pakantang sabi pa ni Michael na nakangiti na maybalak nang mambatok ulit.
“oy, oy, oy!” sabi ni Teolo na lumalayo na tapos nanglakad ng pabalik ng maramdaman niyang may lamesa sa likod na dati naman ay occupied lang ng 3-A boys. Lumingon ito ng makitang nakalingon din ang mga girls sa likod na bumalik din ang tingin sa ginagawa.
Nagtinginan si Teolo at si Michael sa nangyari at nagtaasan ng kilay, limot na nila away kanina lang. Si Diane lang ang ang nakatitig sa kanilang dalawa.
“Welcome back, Michael, Teolo” greet ni Drew habang naglalaro parin ng DOTA.
“Teolo?” sabi ni diane sa isip niya habang nakalean sa arms niyang nakafold sa desk niya. Parang kilala ko to. Sabi pa ni Diane sa isip niya ganun din si Teolo na inilapit din ang mukha niya sa babae kung saan ay namuka-an din niya.
