Chapter Ten

1.1K 17 9
                                    

BONDING WITH GIRLS

___________________________________________________________________________

LILY'S POINT OF VIEW

First, I was really irritated. Then, it got worse. Now, I feel guilty.

Well, I'm usually a good girl, you know. Not a bitch like I'm feeling right now. But really, ano ba kasing iniisip ng mga lalaking iyon at napag-trip-an na hindi kami isama sa Batangas? Just like that! Come on! It's not like magiging pabigat kami ni Tin or whatever. We could be useful, too. I know na may pagkalampa ako pero hindi naman ako hihingi ng tulong sa bwisit na Daniel na iyon! Hindi lang naman pagiging malakas ang makakapagpanalo sa laban, right? Iyon eh kung magkakaroon nga ng laban in the first place.

Duh!

I agree with Tin. Those stupid boys got really very sexist! Ano bang akala nila? Na porke mga lalaki sila, sila lang ang dapat na sumugod sa gera? Eh di para na rin nilang in-underestimate ang mga babaeng sundalo at pulis. Heck! Kyla can kick some ass and she's so doll-like.

And you know, what really got into my nerves? Inutusan nila kami! Ugh! Nakakakulo kaya ng dugo! Anong akala nila, na porke sila ang mga lalaki at physically mas malakas sila, pwede na nila kaming kontrolin? That's being chauvinist pigs in my book! Yes, my dad is overprotective but he never tried to control me and made me obey with some stupid punishment like kissing me or something.

Manyak talaga ang Daniel na yon! Manyak! Manyak! Manyak!

But he begged. The infamous deliquent Charles Daniel Agoncillo begged to me. He even bribed me with some plants that he promised to give to me if I forgive him. Mind you, mahirap makuha ang mga halamang gusto ko sa Batangas. Of course, I acted like I didn't care. Hindi ko pwedeng ipakita na biglang lumambot ang puso ko nang bigla kong narinig sa kanya ang mahiwagang:

"Bati na tayo, baby, please."

Ano na lang ang iisipin niya? Na ganun lang kadali para mapatawad ko siya? Hmp, magdusa siya!

But still---

"Hoy, Lily! Nawawala ka na naman sa Earth!" Nawala ang concentration ko sa pag-e-emote nang marinig ko ang boses ni Joylyn.

And "Huh?" was my oh so brilliant response.

"Ano ba yan, Liliana!" naiiling na sabi naman ni Kyla. "Huwag mo kasing isipin 'yun, hindi ka naman iniisip nun eh."

"Sure ka ba diyan? makahulugang tanong ni Tin. Mula nang mag-LQ sila ni Papa G, sa amin na sumasama si Tin. LQ as in Lecheng Quarrel, not Lover's Quarrel.

"May alam ka talaga sa tinatagong lalaki sa amin nito ni Liliana eh," pumapalatak na sabi ni Joylyn. "Umamin ka nga sa amin, Cristina---"

"Please, not Cristina. You can call me Tin, Tintin or even Tinay. But not Cristina. Naalala ko ang Papa G mo at kumukulo ang dugo ko." Nag-roll eyes pa talaga si Tin. And yep. Kilala na rin nito si Papa G. Which is Greg. 

"Ano ba kasing ginawa sa iyo ni Papa G at ang laki ng galit mo sa kanya ngayon?"

"Hay naku! Please lang, Joylyn. Baka masira lang ang tingin mo sa kalbong yon."

Joylyn just shrugged. "Fine. But you owe me. Kayong dalawa ni Liliana."

"Joy, wala akong tinatagong lalaki, pwede ba?"

Uhm, hindi ko naman lalaki si Daniel, right?

"Sige, kunwari naniniwala na kami sa yo," sabi naman ni Kyla.

"Ewan ko sa inyo! Mag-shopping na nga lang tayo."

**************

Shopping was effective. Nakalimutan na nina Joylyn at Kyla ang tungkol sa lalaki ko raw. Addict sina Tin at Joylyn sa shopping. So, super enjoy sila sa pagkilatis at pamimintas ng mga damit na nakikita nila. Kyla was bored though. Really, for a girl who looks like a doll, she gets bored easily with shopping. Siguro dahil madali sa kanya ang mamili ng mga damit and all that stuff. Para nga siyang lalaki in so many ways.

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon