SAMPUNG HAKBANG PAPALAYO SA'YO
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito
Katulad ng kung sa paano nga ba nagsimula ang pagtingin ko sayo
Pagtingin, patingin-tingin—patitig-titig
Hanggang sa marining ko ang maganda mong tinig
Nang simulan mong ibuka ang iyong labing kaibig-ibig
Mga salita, mga ngiti, na bawat makikita ay nagdudulot ng kilig
Teka—kilig? Bakit may kilig? Bakit ako kinikilig?
Maaaring nakakatawa
Maaaring ako'y magmukhang tanga
Pinagsawalang bahala, binalewala.
Baka sakaling kinabukasan e bigla nalang mawala
Ngunit ako'y mali dahil tila nanatili ang pagtingin na akala ko maglalaho nalang bigla
Pero bakit—bakit lalo pa atang lumalala
Hanggang sa maging halata
Kilos na kahina-hinala
Tingin na hindi makawala
Ngiting hindi maikatwa
Sa tuwing makakasama o makakausap ka
Ngunit agad ding mababawi sa t'wing maaalalang ako nga pala'y umaasa sa wala
UMAASA SA WALA
Gusto kita—oo gusto kita
Ano nga bang magagawa ko, gusto mo'y iba
Idagdag pa ang katotohanang dapat saki'y ipamukha
Hindi tayo pwede, Hindi tayo pwede
Ang pag-asang magkaron ng ikaw at ako ay isang bagay na imposible
Parang linya ng tulang hindi akma sa isang simpleng himig
Hanggang bulong lamang na hindi pwede ipadinig
Hanggang tula lang pwedeng iparating ang mensaheng magmumula dapat sa aking bibig
Una palang binalaan na ang sarili
Pero hindi ko rin masisi
Kasalanan ba? Kasalanan bang gustohin ka?
Kasalanan bang ikatuwa ang makita kang masaya
Kahit na, kahit pa.
Kahit pa hinding hindi magiging ako ang dahilan ng iyong ikaliligaya
Kasalanan bang humanga?
Ang alam ko hindi, ang kasalanan ko'y kung ako'y aasa
Masasaktan ng walang kalaban-laban
Masasaktan sa pagtinging hindi dapat pinagtuunan
Tunay ngang mapaglaro itong kaibigan kong tadhana
Mukhang ako'y itinulak nya sa maling tutok ng pana
Tinamaan ng maling palaso
Kaya aking nararamdama'y dapat na itago
Dapat na itago.. dapat na rin ba akong lumayo?
Teka, kailangan ko pa nga ba o titingnan nalang kitang lumalakad papalayo
Isa.. dalawa.. tatlo..
Hindi ako pwedeng tumakbo
Hindi akong pwedeng humabol, ni humagulhol
YOU ARE READING
SAMPUNG HAKBANG PALAYO SA'YO
Poesíahahakbang papalayo o papanooring kang lumalayo? spoken words