A Billion Peso Girl

448 6 2
                                    

*PROLOGUE*

Malaking bahay..

Magarang kotse..

Mamahaling appliances..

Makabagong gadgets..

Mamahaling diyamante..

Mga bagay na nabibili ng pera. Pera.. Isang bagay na nagpapaikot sa mundo ng mga mayayaman, respetado at kilala. Dito rin nagagawa nila ang mga bagay na hindi nagagawa ng isang average o mahirap na tao. Madami silang nakukuhang pribilehiyo 'pag meron sila nito. Napakadami ng nagawang masama ng ibang tao para lamang sa pera.. Para lamang sa tinatawag nilang "kayamanan".

Para sa akin, ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal ng isang pamilya.

Isang nanay na mapagaruga..

Isang tatay na masipag..

Mga kapatid na kahit makukulit, mahal ka pa din.

Ito.. Mga bagay na nagsisilbing kayamanan sa'kin.

Pero ang tanging natitira lang sa akin..

Ay ang lolo ko.

Hindi man kumpleto ang pamilya ko, masaya ako na nandito ang lolo ko na walang sawang binigay ang lahat ng pagmamahal at pagaaruga niya sa akin.. Masaya ako dahil kahit dalawa lang kami nakayanan naming ibigay ang pagmamahal na kailangan ng isa't isa.

 * * * * * * * * * * * * *

* Cryst Public Highschool

T.L.E. Class

" Hoy, Hannah ano ba yaaan? Cookies ba yan? " sabi sa'kin ni Shiela na mukhang gulat na gulat sa ginawa kong cookies.

" Oo kayaa! Mali ba pagkagawa ko?" Pangamba kong sabi

Hindi naman kasi ako marunong magbake, palutuin mo ko ng kare-kare okay pa.

" Geez, Patikim nga! " kumuha siya ng isa at nag-ba ang itsura niya.

" Jusko! Hindi mo nilagyan ng asukaaal! "

" Haa?! Ehhh. Nakalimutan ko pala sorry hehe, Uulitin ko na lang!" 

" Dapat lang kundi bagsak yang grade mo lol" 

Bumalik ako sa counter ko. TLE class at nagbabake kami. This is fun pero hindi ako familiar sa pagbe-bake kaya eng-eng ako. Pero ayos lang, learning is fun kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

hindi nagtagal pinatawag ako sa office, Oh well nalaman na siguro nila yung vandalism na ginawa ko dun sa canteen OTL

Pagkapasok ko, umupo agad ako sa office. Sanay na ko, palagi kasi akong pinapagalitan sa mga vandalism ko pero trip ko talaga drowingan yung armchair ko minsan yung dingding minsan naman yung mga delivery truck ng school , masaya kasi pag-colorful at may buhay!

"Miss Hernaez.."

eto nanaman.

Vandalism OTL

"Please stay calm.."

" Your grandfather has deceased, inatake siya kanina sa puso"

deceased?

deceased?

deceased?

deceased?

All of a sudden huminto ang paligid ko. Hindi ko 'to ineexpect. Hindi ito yun! Okay na sa'kin ang parusahan dahil sa vandalism! Hindi , hindi dapat ganito. Ang nagiisang tao sa buhay ko, isang taong nagaruga at naging kakampi ko bakit nangyari sa'kin 'to?

Bakit hindi nalang mamatay lahat ng gahaman sa mundo? Lahat ng mukhang pera o kurakot sa lipunan? Anong kasalanan ko? Anong kasalanan ng lolo ko at ginawa niyo 'to sa'min?

Bakit sa'kin?

* * * * * * * * * * * * *

Naniniwala ako na hindi lahat ng bagay sa mundo nabibili ng pera..

* * * * * * * * * * * * *

Hello! This is a comeback.. Napakatagal kong nawala sa wattpad.

Pero hindi ko mapigilang ang urge ko na isulat 'to.

Gusto ko pong ma-ishare siya..

Libre lang po magcomment :D

I'll try to update very soon, kung magkakaroon ng readers. *o*

A Billion Peso GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon