Chapter One

260 3 3
                                    

Hannah Marie Hernaez, 3rd year Highschool. Patay na ang mama at papa ko, yun ang pagkakaalam ko, mga kapatid? Nagiisa lang daw akong anak sabi ni lolo.

Ngayong patay na si lolo, tanging ang bahay na 'to at ang maliit na bookstore niya ang naiwan sa'kin. Mahilig magbasa si lolo kaya siguro nagpagawa siya ng maliit na bookstore. Medyo luma na yun pero madaming libro, sa isang mahirap na tulad namin pano kaya napatayo yun ni lolo? Ito namang bahay namin hindi sobrnag liit pero katamtaman, bata pa ko nung naabutan ko 'tong sira-sira pero unti-unting napapaayos ni lolo.

" Apo, Patawarin mo ako.."

"Patawarin mo ako.."

"Patawarin mo ako.."

" Patawarin mo ako"

Bigla akong napatayo sa kama. Napanaginipan ko nanaman si lolo na humihingi sa akin ng tawad. Pero hindi namna niya kailangang humingi ng tawad eh, wala siyang ginawang masama.. Wala..

Ngayon nga pala ang libing ni lolo, ilang araw din siya nakaburol. Parang hindi ko na maramdaman ang saya a buhay sa bahay na 'to simula ng araw na malaman ko ang namatay na si lolo, parang hindi kapanipaniwala. Nung una sana panaginip lang ang lahat per hindi.. Hindi.

Lumabas ako kung saan may mga tao, andito daw para dumalo sa libing. May iba niyayakap ako at sinasabing " Kakayanin mo ito ". Kung alam lang nila, hindi ko 'to kaya, mahina ako, napanghihinaan ako ng loob at gusto ko ng matulog habangbuhay.

" Hanniie " tawag ni Lea, apo ni aling Tina na tumulong sa pagbantay kay lolo.

" Hmm? "

" Kamusta ka na? " mukhang nag-aalala siya, pero ayokong may nag-aalala sa akin. Ayoko kasing malanghap nila yung malungkot kong energy.

" Ahh, Okay naman kahit papaano.."

" Mabuti naman kung ganun."  Inabutan niya ko ng sopas." Oh kumain ka! "

" Ahh, Oo sige salamat "

" At oo nga pala, mga 10:00 pupunta na sila Mang Rudolf at ihahatid na natin si lolo ha! "

" Oo sige sige! " 

Nanahimik ako sa isang tabi atsaka kumain, madaming tao ngayon kesa kanina. Iilang mukha lang ang nakikilala ko, yung mga kapitbahay namin. Pero bakit madaming nakakakilala kay lolo? Tumingin ako sa ibang direksyon at may nakita akong isang lalaki na parang mayabang at mayaman pa ata, ano naman ang ginagawa niya dito?

tumingin siya sa akin.

lumihis ako ng tingin.

baka isipin niya pinagpapantasyahan ko siya, Yuck.

*       *        *         *

Tinapon ko yung puting rose , at sinabi ang huli kong paalam kay lolo. Hindi ko alam kung bakit biglang umagos ang luha sa akin. Hindi ako gumagahol, tanging luha lang. Mga luha lang ang lumalabas sa akin. Unti-unti nilang tinatambakan ng lupa ang kabaong ni lolo, unti-unti ring natatambakan ng lungkot ang puso ko..

" Salamat po sa pagpunta. " Bati ko bawat taong dumadaan ang nagpapaalam na sa akin.

Madaming nagbibigay sa akin ng calling card, sabi nila tawagan ko sila kung kailangan ko ng tulong.. Mayayaman nga ang iba dito, sabi ko na. Nakakapagtaka lang kung bakit may mga kaibigang mayaman si lolo.

Nakauwi na ko, nagpaalam na rin si Lea at iba pa. Nagsimula na kong magligpit.

" AYYY! Pusang gala! " sigaw ko ng makita ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench.

" Hindi ako pusa, at hindi ako gala "

" Alam ko, namimilosopo ka ba? "

" Hindi, sinasabi ko lang. "

A Billion Peso GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon