Chapter Six
Two months later...
NGINIGAN ang kamay ni Anja habang hinihintay ang resulta sa hawak na home pregnancy test kit. Nang sa palagay niya ay mabibitiwan niya iyon ay kaagad niyang ipinatong sa ibabaw ng hinihigaan. Kagat ang hinlalaking hinintay niya ang result. Ilang minuto lang naman iyon ayon sa instruction na kalakip ng kit. Pero ang ilang minutong paghihintay ay tila katumbas ng isang dekada.
Gusto niyang ipikit ang mga mata nang sa wakas ay matapos ang paghihintay. Pero kahit nakapikit man o nakamulat ay halos nakatitiyak na siya sa result. Gayunpaman ay nangalog ang kanyang mga tuhod nang makumpirma niya ang kanyang hinala.
Two lines. Meaning? Positive. Buntis siya.
Hindi niya alam kung dapat siyang umiyak sa tuwa dahil sa isang bagong buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan, o dapat siyang umiyak sa takot dahil hindi siya sigurado kung ano ang buhay na maibibigay niya rito.
May dalawang buwan na ang nakakalipas nang palayasin siya ng kanyang tiyuhin sa tahanan ng mga ito. At katulad ng bilin sa kanya ni Nanay Meding, pinuntahan niya ang pamangkin nito sa address na ibinigay sa kanya. Pero sobra yata ang malas niya nang araw na iyon kasi matagal na raw na wala roon ang pamangkin ni Nanay Meding. Isa raw ito sa mga natanggal sa factory nang magbawas ng tao ang may-ari.
Lumong-lumo siya. Sa kawalan ng katiyakan kung saan siya puwedeng makisilong, nagbakasakali siya nang puntahan ang naging guro niya na si Mrs. Figuracion. Isang balo ito na nagmamay-ari ng ilang sangay ng flower shop sa mga kilalang malalaking mall. Nagtapos siya ng vocational course sa flower arrangement sa ilalim ng pagtuturo nito.
Sa una pa man ay mabait na ito sa kanya. Sa lahat daw kasi ng naging estudyante nito ay siya lamang ang kinakitaan nito ng dedikasyon at totoong interes sa kursong itinuturo nito. Karamihan kasi sa mga naging kaklase niya ay iyong mga bored housewives na wala lamang mapag-aksayahan ng oras at salapi. At bagaman may dalawang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makausap ay umaasa siyang hindi pa rin siya nito nakakalimutan.
At awa naman ng Dios, nang sadyain niya ito sa bahay nito ay kaagad siya nitong nakilala. Nang makita nito ang maliit niyang bagahe ay hindi na ito nag-urirat kung ano ang kanyang sadya. Ora mismo ay ipinagkatiwala nito sa kanya ang pangangasiwa ng isang branch nito sa Makati. And as the saying goes, the rest was history.
Ang malaking problema niya ngayon ay paano niya sasabihin dito ang kinakaharap na sitwasyon. Alam niyang relihiyosa ito at istrikto pagdating sa moralidad. Hindi kaya magbago ang tingin nito sa kanya sa sandaling malaman nitong siya ay nagdadalantao?
Maghapon siyang naging balisa sa isiping iyon. At dahil masyadong malalim ang iniisip niya ay hindi niya napuna ang pagpasok ng isang pareha.
"Good afternoon, sir, ma'am," narinig niyang bati ng kasamahang si Gemma sa mga pumasok na parokyano.
Nang mag-angat siya ng tingin mula sa ginagawang flower arrangement ay kamuntik na siyang mahulog sa kinauupuang stool. Ang ngiting balak niyang ibigay sa pumasok na kustomer ay biglang na-freeze.
Hindi niya inaasahan ang tagpong iyon. At least hindi intentional dahil nasa bisinidad lamang siya ng Makati. At ang lalaking ka-eye contact niya ng mga sandaling iyon ay may ilang kilometro lamang ang distansya ng bahay mula sa flower shop na kinaroroonan niya.
"Do you know each other?" wika ng babaing kasama nito.
Bago pa makatugon ang lalaki ay inunahan na niya ito sa pagsagot.
"Hindi po, Ma'am. A-akala ko lang ho siya 'yong pinsan ko na kanina ko pa hinihintay."
"Hmn," bahagyang umarko ang isa nitong perpektong kilay.
Maganda ito, sexy. Ngunit sa opinyon niya ay masyadong revealing ang istilo ng pananamit nito. Partikular sa tapat ng dibdib.
Ang laki ng hinaharap.
Pasimple niyang niyuko ang kanyang dibdib na natatakpan ng apron. Palagay niya ay wala pa iyong one-fourth sa cup size nito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang parang natatawang ekspresyon sa mukha ni Rafe. Muntik na niya itong mairapan kung hindi niya lang inaalalang baka mapansin siya ng babaing kasama nito at mabuking ang pagde-deny niyang hindi kakilala ang lalaki. Umakto siyang kaswal at inestima ang pareha.
In fairness ay mabait naman si "Wonder Woman" na may wonderful cup size. Na isa palang OB-Gyne, si Dra. Seanna Marie San Jose. Um-order ito ng ilang flower arrangement para sa bubuksang klinika nito.
"I don't mean to be rude, ha? But I think you should stop wearing high-heeled sandals. Delikado 'yon para sa magiging baby mo."
Ramdam ni Anja nang biglang takasan ng kulay ang kanyang mukha. Muntik na rin niyang mabitiwan ang hawak na paso. Ang katanungang hindi niya kaagad naisatinig ay narinig niyang numulas sa bibig ni Rafe.
"How did you know that she's pregnant?"
"I grew up in the province, you see. My great grandmother was the barrio's hilot. Mas una kong natutunan sa kanya ang mga senyales ng isang buntis kaysa sa libro. Nakikita mo 'yong pulso niya at the base of her throat—it beats faster than the usual."
"Malay mo naman kung pagod lang siya."
"Trust me, honey, I'm the expert here. Hindi ba tama ako? I'm sure your husband was delighted upon hearing the news."
Isang naaasiwang ngiti ang ibinigay niya sa babae. Iniwasan niyang mapasulyap sa gawi ni Rafe. Natatakot siyang hindi mawari sa reaksyon nito.
Nang sa wakas ay natapos ang transaksyong iyon ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Sa kabila ng airconditioning sa loob ng flower shop ay dama niya ang paggiti ng butil-butil na pawis sa kanyang noo. Hindi nalingid sa kanya ang mga tinging ipinupukol ng dalawang kasamahan sa shop.
Humugot siya ng malalim na paghinga habang hinihimay sa isip ang mga salitang dapat sabihin sa mga ito.
"Totoo, buntis ako. Pero puwede bang sa atin na lang muna ito. Humahanap pa ako ng tamang tiyempo kung paano ko sasabihin kay Ma'am Wendy ang sitwasyon," aniyang ang tinutukoy ay ang boss at dating guro.
"Huwag kang mag-alala, Ate Anja. Quiet lang kami sa bagay na 'yan, di ba,Elsie?" ani Gemma na bahagyang siniko ang kausap.
"Oo naman. Isa pa ay personal ng usapin ang bagay na 'yan. Mas maganda nga kung ikaw mismo ang magsasabi kay ma'am."
"Salamat."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Accidental Wife
General FictionAnja joins Brittany for a double date, unaware of her cousin's evil scheme against her, this leads her to meeting the charming Rafael instead. But when their accidental encounter brings talks of marriage, will accepting his deal give her a shot at...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte