Chapter Seven
"CAN we talk?"
Mabilis na tumahip ang dibdib ni Anja sa pagsasalita ng tinig mula sa kanyang likuran.
Si Rafe.
Siya na lamang ang natitirang tao sa flower shop. Sina Gemma at Elsie ay pinauna na niyang umuwi dahil malayo pa ang uuwian ng mga ito. Samantalang siya ay nasa itaas lamang ng shop ang tinutuluyan niyang maliit na silid. Iyon ang pinaka-storage ng flower shop na pinaayos ni Mrs. Figuracion upang magkaroon siya ng maliit na tulugan.
Marahan siyang humugot ng paghinga para panumbalikin sa normal ang pintig ng kanyang puso. Nang harapin niya ang lalaki ay hindi siya sigurado kung paano siyang aakto. Magpapanggap pa rin ba siyang hindi ito kakilala katulad kanina?
Pero sino ba ang niloloko niya? Pagkatapos ng maraming beses nilang pagtatalik sa loob ng isang gabi ay duda siyang makakalimutan siya nito kaagad. Maliban na lang kung gabi-gabi itong may inuuwing babae sa pad nito. Ang isiping iyon ay parang biglang nagpainit ng ulo niya.
"It's getting late. Hindi kaya dapat ay umuwi ka na para makapagpahinga?" narinig niyang sabi ng lalaki.
"Dito ako nakatira," huli na nang maisip niyang hindi niya dapat sinabi ang impormasyong iyon dito. Wala siyang ideya kung ano ang sadya nito sa kanya.
"And I presume you live alone, too," mas na kumpirmasyon iyon kaysa tanong.
Kaswal siyang nagtaas ng mga balikat sa pagitan ng nakabibinging drumbeat sa kanyang dibdib. At para maitago ang nararamdamang tensyon sa overwhelming presence nito ay muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa nang pumasok ito sa shop. Ibinaba niya mula sa working table ang ini-imbentaryong mga supplies. Nagulat na lamang siya nang mamalayan niyang nasa tabi na niya ito at kinukuha mula sa kanya ang mabigat na sisidlan.
"Maliban sa pagsusuot ng may takong na sapatos hindi kaya dapat ay tumigil ka na rin sa pagbubuhat ng mabibigat?" parang naiiritang sabi nito.
"Wala pang limang kilo ang bigat n'yan. Siguro naman ay safe pa 'yang buhatin."
"Para sa isang hindi buntis marahil, oo. Where would you want me to put this?"
Itinuro niya ang likuran ng isang mataas na estante. "Ano nga pala ang k-kailangan mo sa akin?"
"Ako ba ang ama ng batang ipinagbubuntis mo?"
Kaagad siyang napipi sa ka-direktahan ng tanong nito.
"Yes or no, Anja."
Gusto niyang itanong dito kung paano itong nakatitiyak na buntis nga siya. Pero alam niyang wala rin naman silang patutunguhan kung paliliguyin pa niya ang usapang iyon.
"Yes."
"When did you know?"
"K-kaninang umaga lang. Home pregnancy test kit lang 'yon at wala pang confirmation mula sa doctor kaya—"
"Mahusay na doctor si Seanna. She was absolutely sure when she told you earlier that you are pregnant."
"Ipagpalagay na nating ganoon nga. Wala kang aalalahanin sa akin dahil wala naman akong balak na papanagutin ka sa bata. Nasa wastong edad na ako at nasa tamang pag-iisip—"
"You were not."
"—para malaman ang mga kunsekwensya ng aking ginagawa."
"You were drugged. And I took advantage of your innocence. O nakalimutan mo na ba kaagad?"
Mabilis na nag-init ang mga pisngi niya nang banggitin nito ang gabing iyon. Na oo nga't maaaring nasa impluwensya lamang siya ng ipinagbabawal na gamot ay malinaw naman niyang natatandaan ang ditalye ng bawat aktong pinagsaluhan nila. How she writhed under him in throes of passion. How she begged to be taken over and over again. Ipiniksi niyang palayo ang mga nakadadarang na eksena.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Accidental Wife
General FictionAnja joins Brittany for a double date, unaware of her cousin's evil scheme against her, this leads her to meeting the charming Rafael instead. But when their accidental encounter brings talks of marriage, will accepting his deal give her a shot at...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte