Chapter Dos:
*BEEEEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEEEP*
Hindi ko inaakala sa ganitong paraan matatapos ang buhay ko. Anu ba naman yan, wala pa nga akong nagagawang matino na tigok na kaagad ako. :( Hay life is like a knife talagaa! Kung kelan handa na akong kalimutan ang lahat at magsimula muli doon ka naman paglalaruan ng tadhana. Napaka tuso talaga ng tadhana, nako isusumbong kita kay Tulfo kala mo! Hmf, pero paano magagawa yon e nag dissapear na nga pala ako sa mundong ibababaw. Paano na si Mommy? si Daddy? Si Rio? ang aking mga ka friendship, Si Gi---- AY? OMY! wala na nga rin pala si Gio sa mundong ibabaw. Pag sinuswerte nga naman makakasama mo ang pinakamamahal mo ULIT. Siguro nakatadhana talaga na magkasama kami. :"> iihhhhh nikikilig naman ako. binabawi ko na ang mga bad words na sinabi ko sayo tadhana, love na love na kita. hihi :p Ano ba yan kanina nag eemote ako dahil deadbols na ako tapos ngayun kulang nalang imbitahin ko lahat ng Kaluluwa para mag PARTEHH! Kaloka lang.
Pero bigla akong napatigil saaking pagpapartey nang may sumagi sa isipan ko, Saan nga kaya ako mapupunta 'HEAVEN or HELL?' panahon na para malaman kung saan nga bang demension ng mundo ang ikakahinatnan ko.
Idinilat ko ang aking mata, May dalawang pinto. Naku sana naman CR ung isa jan, kanina pa ako na jijingle bells e. (na iihi xD) ay teka? paki rewind, ano kamo sabi ko? jingle? Ay parang may nakakalimutan ata ako, deads na nga pala ako. Siguro namismiss ko lang ang pag-ihi, TanginaThis! sa lahat ba naman ng mamimiss ang pag-ihi pa, Na eewan na ata ako e. Tiningnan ko ulit ung dalawang pinto, nilapitan ko ung unang pinto may nakasabit na karatula ung parang pang jeep may nakasulat . *HEAVEN* nilapitan ko yung isang pinto may nakalagay ding karatula at may nakasulat na *HELL* ay nako dahil assuming ako bumalik ako sa pinto ng heaven, ba naman! nananalig ako na naging mabuti ako sa mundong ibabaw, parang hindi nga lang halata hoho.
pag pasok ko sa pinto ng heaven.........
"hi Miss" Sabi nung isang kaluluwa, ay grabe! muntik na akong mahimatay sa takot doon, akalain mo mag hi sayo ang isang kaluluwa Achievement! Joke. Hindi ko pinansin ung kaluluwa baka kasi may mamuong love story e. JOKE uli , pagbigyan niyo na patay nanaman ako e. dumeretsyo ako ng paglalakad, nakita ko ung isang matanda may dala siyang SUPER laking book, nilapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
211 days with YOU
HumorIsang Story ng kabaliwan. Kung paano nalagpasan ng isang babae ang 211 days ng kanyang buhay, ang kanyang natitirang buhay. :))