Chapter tres:
Leaxinne's POF:
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Nagising ako sa sarili kong sigaw, kaloka lang. Ako na sumigaw ako pa nagising, talagang binulabog ung sarili e. Teka?! NASAAN NAMAN BA AKO NGAYON?! Tiningnan ko ang paligid, halos puro puti lang ang paligid ko. Pati ako maputi, Charr! nag silka papaya e, efective nga e try mo!
(a/n: Hoy puro walang ka kwentahan yang sinasabi mo, umayos ka nga!)
At nagsalita ang maayos? if i know naiingit ka lang kasi hindi kita kasing puti. -- leaxinne
(a/n:Psshh. Oo na. Masyado mo naman akong nilait! Tao din ako, may PUSO! May DAMDAMIN! May KID ----- )
Oo na alam ko namang kompleto ang mga organs mo eh, Sige na Daldal mo e! -- leaxinne
(a/n:Grrrr... Oo etoo na! hmp!)
oh, back to reality na tayo masyado tayong ginulo ni miss author.
Ayun nga, ginala ko ang mga mata ko sa paligid. At saaking palagay, batay saaking theorya ako ay nasa HOSPITAL! Aha! You mean? BUHAAY AKEY? AT DREAM LANG ANG EKLABU NA PATAY NA AKO?! Waheyheyhey. parang gusto ko tumalon talon sa kama sa sobrang saya kaya lang baka mawarak ang kama at mabaldog ako at tuluyan na akong maging meatbolls ay deadbolls pala. Kaya niyakap ko nalang si Mr.White Unan, Ala lang inassume ko lang na lalaki siya. xD Muling bumalik saakin ang sinabi saakin ng mahiwagang boses sa aking dream, ay teka dream nga ba yon o totoo?
FLAAAAAAAAAASSSHHBAACKKKKKK! -----------
"Anak, hindi pa ito ang iyong oras, may natitira kapang 211 days sa lupa. Meron kapang dapat gawin. Bumalik kana anak at huwag mong sayangin ang iyong oras. May isa pang pinto jan at may naka sulat na *LUPA* pumasok ka doon at mararating mo ang iyong paroroonan."
at bigla nalang nawala ung ilaw na may mahiwagang boses. parang tumalon at sumayaw-sayaw ang aking pusoo sa mga narinig. hindi na ako nag akasayang ng oras at pumasok na sa pinto ng Lupa. Pag pihit ko ng door knob, anu to bat puti lang. humakbang ako papasok nang......
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1145975-288-k92943.jpg)
BINABASA MO ANG
211 days with YOU
HumorIsang Story ng kabaliwan. Kung paano nalagpasan ng isang babae ang 211 days ng kanyang buhay, ang kanyang natitirang buhay. :))