♪Meeting Her♪

22 1 0
                                    

Noon nang Niloko…

Ngayon naman iniwan…

Hindi siya ipinaglaban…

Habang siya ipinapaglaban nya…

© Property of MorbidGirl 

~

Isang maliit na Pagpapakilala ng mga Characters:

Phoenix Trent: Isang lalaki na may dirty blonde na buhok, matangkad, kulay brown ang mata, at sikat sa Klase.

Frost Blake: Babaeng tinatawag na ‘Emo’ sa buong school ng dahil sa mga ginagawa nya.

“Uy Phoenix, nagse-senti nanaman si Emo. Tara lokohin natin!” Siniko ako ng kaibigan ko. Tinignan ko yung babae na nasa sulok, nagpapatugtog ng Hard Rock Music nya. Ngumiti ako ng Pilit, dahil di ko gustong niloloko ang mga Tao. Kailangan ko lang ‘to gawin dahil sa reputasyon ko sa Eskwelahan ko. Ang alam nila, ako ang siga, walang kinakatakutan, walang nirerespeto.

“Ahh, kayo nalang. Kalilangan ko pang mangopya ng assignments” Itinaboy ko sila palayo pero tumanggi sila.

“Halika na, Ngayon lang naman ‘to eh. Atsaka si Abno naman walang Pake. Halika na!” Hinila nila ako palapit sa Babaeng nasa sulok.

“Kung walang Pake, wag nyo nalang pagtripan. Tss, upo na ako” Sabi ko pero tinulak nila ako papalapit sa Babae. Natisod ako pero nakatayo parin. Tumingin ako sa mga ‘kaibigan’ ko at naka ngisi sila. Inikot ko ang mata ko at Nilapitan ko yung babae. Lumapit ako sa tenga nya at naramdaman kong tumigil saglit ang Paghinga nya. Ngumisi ako.

“Miss, makisama ka sa gagawin ko para di ka masaktan. Tumango siya ng Mahina at hinawakan ko yung Braso nya. Hinila ko siya patayo at inilabas siya sa Classroom. Maririnig mo ang pag ‘ooh’ at ‘woah’s ng mga kaklase ko pdero wala akong pakelam. Mag cu-cutting nalang muna ako- este kami. Pumunta ako sa Gym dahil ang alam ko walang tao dun. Umupo ako sa mga bleachers at sinama ko yung babae.

“Miss, sorry sa mga Kaklase ko ah? Kailangan lang talaga kita itakas kasi may reputasyon akong iniingatan” Ngumuti ako, pero nahulog ang ngiti ko nung hindi siya sumagot, nakayuko parin siya, tinatago ang mukha. Hinawakan ko yung baba nya, pero umatras siya at lalong niyuko ang Ulo.

“Ahh, Sorry Miss. Ako nga pala si Phoenix. Third Grading na di ko parin alam ang Pangalan mo. Ano nga ba?”

“…”

“Sige, wag mo na lang sagutin ang tanong ko. Gusto ko lang naman makipag-kaibigan.” Sa oras na sinabi ko yun, bigla nyang tinaas ang ulo nya ng onte, pero ang nakikita ko lang ay ang Bibig at ang ilong nya. Yung bibig nya, pinkish, pero walang halong cosmetics. Natural kung baga. Yung ilong nya, Matangos. Bagay yun sa kanyang mukha. Maputi sya, parang Bampira. May suot siyang kwintas, mukhang Locket. Isang

“Ayoko ng Kaibigan” Mahinang sabi nya pero rinig ko. Nagulat nalang ako ng may pumatak sa sahig ng Gym: Luha nya. Naantig ako sa Boses nya, parang sa Anghel. May pagka-melodic ang boses nya.

“A-Anong-- Bakit?!” Sino naman ang may ayaw sa kaibigan? Lalapitan ko siya, para kumportahin, pero bigla siyang lumayo at tumakbo palabas ng Gym. Tinitigan ko yung likod nya, hanggang sa Maglaho na siya.

~

“Pre, uwi na ako. May gagawin pa ako” Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko na naglalaro ng DOTA. Tumango sila, at sinimulan ko nang maglakad pauwi. Napadaan ako sa lumang Boxing Gym, at may narinig akong sumisigaw mula sa loob. Pumasok ako ng puspusan, para Makita kung may problema.

“Sinong namatay?!” Pagkapasok ko, namula ang mukha ko. Eh kasi, May nagpa-praktis pala ng Karate achuchuchu!

“Ay, Pasensya po! Kala ko po kasi may nangyaring masama!” Ngumiti ako sa instructor at pagtingin ko sa Ring, may babae na nakapatong sa Isang Lalaki, at parang namumukaan ko siya. Naka tali ang buhok niya ng Pony Tail, at nakikita ko ng Maayos ang Mukha nya. Hindi pala ata Karate ang Ginagawa nila, naka sando lang kasi yung babae (tanktop) at jogging pants.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon