Intro

3 1 0
                                    

When I was young (I still am), I love watching animes. Marami sa atin ang tumangkilik sa mga ito which naging part na ng ating childhood hanggang sa ting paglaki. Ito ang aking natuklasan.

God can speak in every created art work of man. Dahil si God ang lumikha sa atin, makikita rin sa bawat likha natin ang Kanyang bakas.

Yun ang napansin ko sa bawat Anime na napanuod ko nung bata ako hanggang ngayon. May mga moral lessons kang madadampot na hindi minsan pinapansin ng marami. Madalas kasing tema ng anime ay fantasy at kung sino ang pinakamalakas o kung anung kapangyarihan meron ang isang character sa palabas at kung anu-ano pa. Pero bawat palabas pala nito ay may "hugot" kung tawagin nating mga Pinoy.

Bawat anime ay may sinasabi at nais iparating depende sa gustong ipaabot ng author. Na minsan ay 'di pinapansin dahil napaka imposibleng mangyari ng tema nito sa totoong buhay. Pero sa bawat anime show, masasabi kong may bakas ang Diyos.

Gaya ng sabi ko, ang Diyos ang may likha sa tao (Gen.1:27) at sa bawat  gawin ng tao, may bakas ang Diyos.

ISSUES ABOUT ANIME:

Maraming young Christians ang minsan ayaw nang manuod ng anime dahil may mga demonic symbols daw na lumilitaw sa mga ilang palabas nito. Well, I know what you mean. Pero alam mo ba na kaya ginagawa ng kaaway 'yun ay para may matawag siyang kanyang sariling gawa? Kaya niya mina-manipulate ang mga talentong meron ang tao dahil wala siyang talent. Kaya gumagawa siya ng paraan para ma-distort ang pagkakalikha ng Diyos sa tao. Originally, every talent are gifts came from God kaya bawat gawa ng tao ay may bakas ang Diyos at di niya yun mababago. Ang magagawa nalang niya ay mang-influence upang malibang at malayo ang tao sa Diyos. But God is greater than every works of the devil. He even gave His begotten Son Jesus Christ to redeem us back to God.

Para siyang lifeguard na nagdive at nagbuwis ng buhay upang sagipin ang nalulunod nating kaluluwa mula sa kasalanan.

RIGHT PERSPECTIVE :

Tamang pananaw ang kailangan natin o open mindedness upang tayo ay maka-connect sa mga taong wala pang pagkakilala sa Diyos.

This book is dedicated to those who love animes and young christians who wants to evangelize their anime loving friends. You will see God in the story and I will let you know where. I'm not promoting animes. I'm promoting God from it which most of young people cannot see. God can reach out to everyone even in the darkest place.

In this book, I will discuss some anime stories and characters which we will analyze in a different angle or lens. Then in the end of every chapter, there will be a reflection that will inspire us to see God in that perspective.

So, are you ready?

Let's do the AniMission.
#BroHenz

AniMissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon