Hindi ko na matandaan kung kailan ito na-air nung kabataan ko pero binalikan ko ang story nito dahil hindi ko ito natapos. Story ito ng dalawang magkaibigan na si Ban at Ginji. Magkaiba sila ng pinanggalingan at may matinding nakaraan. Si Ban ay isinilang na isang illusionist at may kakaibang kakayanan sa pakikipaglaban. Si Ginji naman ay dating leader ng isang grupo na ang tawag ay "Volts".
Iniwan nila ang nakaraan upang tumahak ng panibagong landas. Bago sila naging magkaibigan ay naglaban muna sila at nauwi sa pagkakasundo na magtulungan sa pagbabago ng isa't-isa.Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Getbackers: Recovery Service. Ang trabaho nila? I-recover lahat ng mahahalagang bagay sa kanilang client. Papangakuan nila ng 100% na success ang client sa kanilang work basta't the price is right. Pero marami ding pagkakataong minsan nagiging bigay nalang din sa client ang trabaho nila dahil sa kabaitan nila.
Anu ba ang nire-recover nila? Kahit anu. Mahalagang bagay na maaaring ninakaw kahit key chain basta ma-convince mo sila kung gaano ito kahalaga, tao kung kinidnap, mga alaala at kahit anung nawawala.
Dito umiikot ang kanilang buhay dahil gusto nila ng pagbabago. Ginugol nila ang kanilang lakas sa pagtulong sa iba dahil ayaw din nilang maranasan ng iba ang nangyari sa kanilang nakaraan na hindi na maibabalik pa.
Sa pagtulong nila upang maibalik ang mga nawala sa kanilang mga clients, nakaranas sila ng maraming pagsubok na naghatid sa kanila upang pati ang kanilang mga sarili ay ma-recover din nila.
Sa kanilang paglalakbay na magkaibigan, nakasalubong uli nila ang mga taong iniwan nila sa kanilang nakaraan.Ito ay istorya ng pakikipagkaibigan, pagpapahalaga, pagtulong, pagsulong sa buhay, at pagbuo sa nawawalang piyesa ng buhay.
LET'S REFLECT:
Alam mo ba na si Jesus ang unang naging Getbacker?
Ang dahilan kung bakit siya nagkatawang tao ay upang ibalik tayong muli sa Diyos Ama.Ikaw at ako ang nawawalang tupa. Mahalaga tayo sa Kanya kaya inialay Niya ang Kanyang sarili upang tayo'y mailigtas mula sa pagkaligaw at pagkawala nang dahil sa kasalanan patungo
sa kaliwanagan."For the Son of Man came to seek and to save the lost." Lu.19:10
Naligaw ka man ng landas, anuman ang iyong naging nakaraan, nais ng Diyos na tulungan ka sa iyong pinagdadaanan. Kung nais mong mahanap ang iyong sarili (purpose), hayaan mong si Jesus ang maging Getbacker mo. Manalig ka sa Kanya dahil Siya lamang ang Kaibigan at Panginoon na may kakayanan na mabuong muli ang nasira mong kalalagayan.
Mahal ka Niya at hindi ka itatakwil anu man ang iyong nagawa.
Sa Kanya lamang masusumpungan ang kabuuhan at kabuluhan ng buhay.
Kaligayahan Niya ang ating pagbabalik loob.- Luke 15..LET'S PRAY:
Panginoong Jesus, Kayo lamang po ang may kakayanan na maibalik kami sa aming likas na kalalagayan. Kami'y turuan at tulungan na lumakad sa Inyong kalooban. Amen.
BINABASA MO ANG
AniMission
SpiritualAniMission is for the young generation who didn't notice that God is knocking at the door of their hearts while the're watching their favorite anime show. Ang Diyos ay hindi pabaya sa lahat ng Kanyang mahal. Habang tayo ay nanunuod ng anime, kinakau...