Ang bayan ng Carsiera ay isang tahimik na lugar sa probinsya kung saan naninirahan ang mag iina. Ang babaeng nasa mid 30s ay isang magsasaka. Masipag sya at mapagmahal na ina sa dalawa nitong anak.
Ang kanyang dalawang anak ay di mapapagkailang may pinagmanahan ng ganda pagkat nasa gulang palamang ang mga ito na 7 at 6 ay kitang kita na ang kanilang kagandahan. Parehas na natural na bagsak ang mga buhok nito na may pagka-brown at kulot sa bandang dulo.
May pagkabilugan ang kanilang mata, ang panganay ay may light brown na mata at ang bunso naman ay may makislap na kulay itim na mata. Maihahalintulad sa mga dayuhan ang kanilang itsura, marahil ay dahil sa meztiza ang mga ito. Mamula mula ang pisngi ng dalawang bata, lalo na kapag ang mga ito ay naaarawan.
"Nay!" tawag ng mga anak nito sa babaeng nagpupunas ng pawis nya habang nakayuko at nagtatanim ng palay, nang makita nya ang dalawang bata ay agad itong ngumiti at lumapit doon.
Nawawala ang pagod nya kapag nakikita nya ang dalawang anak nitong nakangiti sa kanya ng ganito, maaliwalas at ngiting walang problema...natural kumbaga.
"Mga anak, maaga pa ah. Bakit nandito na kayo?" narinig nyang nag agik ikan ang dalawang bata. Kapag ganito alam nyang may ginawa na naman ang mga ito. Kaya't.....
"Ina!! Tama na po!! I-na T-ama- na p-po!" Sigaw ng dalawang bata habang hindi magkamayaw sa pagsigaw at pagtawa. Kinikiliti lamang nya ang dalawa nyang anak ng walang humpay.
Masaya silang nagtatawanan doon. Nakakawala ng pagod ang kanyang mga anak, tunay ngang biyaya ang mga ito mula sa langit. Pinag-uusapan nila ang kalokohang ginawa ng dalawang bata, nag-uunahan pa ang dalawang bata sa pagkukwento.
Nangingiti na lamang ang Ina nila sa pagtuturuan ng dalawa kung sino ang pasimuno.
"Clarissa" napalingon sya sa tumawag sa kanya, sinenyasan sya nitong lumapit. Kasamahan nya sa bukid ang tumawag sa kanya, tumingin muna sya sa mga anak nya na kumakain ng pagkaing dala ng mga ito bago sya tumayo at lumapit kay Mang Wali na may kasamang hindi magsasaka base sa kasuotan nito.
"Bakit ho?" may kinuha itong papel sa bulsa at inabot sa kanya.
"Iha, kabuwanan na uli ng pagbabayad ng buwis sa lupa at renta sa inyong inuupahan" pagpapaliwanag nito, nawala sa isip nya na kabuwanan na nga pala at magbabayad na uli sya. Sa araw araw na pagsasaka nya ay kulang pa rin ang kinikita nya kaya tuwing sabado at linggo ay sumaside line sya sa paglalaba sa kabilang bayan.