Dear Kim Mingyu,

Pumunta ako sa kasal mo, kaso nasa labas lang ako. Baka kasi bigla akong umiyak don. Alam mo naman na ayokong may nakakakita saakin na umiiyak. Ang ganda ng pangako niyo sa isa't isa, parang mga pangako din natin noon na hindi na matutupad kahit kailan.
Mingyu, hindi ko alam kung bakit pa ako sumusulat ng letter para sayo, hindi mo din naman sana mababasa. Mukhang tanga lang ako dito, pero ayos lang. Simula nung minahal kita, nagmukha naman na akong tanga. Sanay naman na ako. Umiiyak na si Mingming. Bukas nalang ako susulat.

Sincerely Yours,
JWW

Letters to Kim Mingyu (Meanie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon