Huwag Torpe, Tanga Pwede!

35 2 0
                                    

[SAB'S POV]


"So hahayaan mo nalang ba si James na maagaw nya sayo si Kath?" naka-cross arms kong tanong kay Vince habang palakad-lakad ako sa harapan nya habang sya ay nagba-balance ng circuits. 

Napahinto naman si Vince sa ginagawa nya at tinignan ako ng nakakaloko.

"What's with that irritating look?" pag-irap ko sa kanya.

"Ako ba talaga ang sinasabihan mo nyan, Sabrina? Kasi I think, you're more saying it to yourself... Huwag kang magsayadong halata." naka-smirk nyang sabi. Napa-rolled eyes nalang ako.

"Kailan mo ba talaga ako titigilan? Kung ako tatanungin mo, syempre, hindi kita titigilan kasi alam kong gusto mo si Kath... Huwag kang masyadong torpe." comeback ko naman. Hindi na nya ako sinagot at ilang segundo akong tinititigan pagkatapos ay iniling-iling na ang kanyang ulo.

Hindi na ako makapag-pigil pa at inilagay ko na ang dalawang kong kamay sa kanyang mga balikat.

"Hanggang kailan ka ba magiging torpe, Vince? Alam mo, I think it's time na ako na ang magbubulgar sayo na ikaw ang nasa ng Da Vinci quotes na yan! Dahil kilala kita at hindi ako bias, I would say nakakairita na..." 

"Bakit naman nakakairita? Aber? At kung naiiritahan ka na, mag-unsubscribe ka na! Problema ba yun, Sabs?"

"That's not even the problem, Vince! The only problem is you being so torpe. Tanga pa siguro pwede, huwag lang torpe!"

SILENCE.

"Oh, anong pinagkakaguluhan nyo dyan?" as if on cue, dumating si James wearing his varsity jersey. Kahit ba naman dito sa bahay? Ipag-siksikan talaga na varsity sya? Well, hello!

Tinignan ko si Vince bago sinagot si James. 

"Well... We were just talking... Tutulungan ka daw ni Vince full time kay Kath! Surprise ka ba, bessy?" masigla kong sagot kay James at napangiti naman sya ng malaki. Pagtingin ko naman kay Vince, nahalata ko agad na naguguluhan ang kanyang isip, pero ito pa din ang sagot nya:

"Ah... Oo, tol! Napag-usapan namin ni Sabs na tutulungan na kita kay Kath. Ikaw pa..." sagot nya lang at ibinalik ang kanyang pansin sa kanyang circuits. 

And the Torpe Award of the Year goes to... No! Wait! The Torpe Award of Forever goes to Vince Arcilla, everybody!

Palihim kong ini-irapan si Vince. Kahit kailan talaga!

"Eh ikaw, Sabs... Naka-decide ka na ba na tutulungan mo ako?"

"Well---"

"Oo naman!" biglang sagot ni Vince. What?! Lumapit sya sa akin at inakbayan ako. "Syempre naman tutulungan ka ng Sabs natin dahil mahal na mahal ka nito." 

Agh! Palihim ko syang kinusot sa likuran nya! 

"Este, mahal na mahal tayo ni Sabs... Kaya hindi nya tayo matiis so she decided na magtutulungan tayong tatlo for the sake of your lovelife, James... Diba, Sabs?" plastic na ngiti ni Vince sa akin. 

"Ah, yes... I will help you, James. Kasi natatakot ako para sayo, baka kasi maagawan ka ng iba dyan..." mariin ko namang sabi and I emphasized it for Vince. 

Hindi ko namamalayan na ang lapit-lapit na pala namin sa isa't-isa.

"Alam nyo... Bagay kayo. Bakit hindi nalang kayong dalawa?" sabi ni James.

Dali-dali kaming kumawala sa pagkaka-close sa isa't-isa ni Vince.

"No way! Hinding-hindi ako papatol kay Sabs. Para ko na kaya tong kapatid! Ano gusto mo? Incest? Baka ikaw, James..." halos whisper na pagkakasabi ni Vince pero nadinig ko pa din yung last part!

"Ano sabi mo, tol?"

"Wala, wala... Maiwan ko muna kayo ni Sabs ha, may kukunin muna ako sa kwarto ko."

Ang just like that... Nagmadaling pumunta si Vince sa loob ng bahay. Living me with James. 

"Sigurado ka bang wala kayong tinatago ni Vince sa akin? Umamin ka nga, Sabrina." lumapit si James. Ako naman si tanga, hindi umalis.

"Naku, wala no! Hinding-hindi ako kailan man magkakagusto dun. Asa!" pairap ko namang sgaot. Naglakad nalang si James papasok ulit ng bahay, pero tumigil sya at nilingon ako.

"Huwag magsalita ng tapos." ngiti nya at pumasok na ng tuluyan sa bahay. 

Napabuntong-hinga nalang ako ng malakas. 

"Ikaw yung gusto ko." sabi ko. Sinabay lang ng hangin ang mga katagang iyon.


"Huwag torpe, tanga lang pwede."



to be continued.......


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

James & SabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon