Miss Engineering

47 2 0
                                    

Part One: Miss Engineering


[SABRINA'S POV]


"Aray, aray! Dahan-dahan naman, Sab."

"Huwag ka kasing magulo, hayaan mo akong gumalaw."

"Aray! Ano ba naman kasi yan, dahan-dahan naman kasi! Alam mo namang first time ko toh."

"Alam ko, kaya huwag kang maarte dyan." napatawa kong sagot sa kanya at nagpatuloy nalang sa kung ano mang ginagawa ko sa kanya.

Para gumanahan sya mamaya.

Gumanahang pumaso.

"Oy bes, galingan mo ha! Tiyak na naman din ako na ikaw mananalo. Ikaw lang kaya ang maganda dun. Eh yung mga kalaban mo, walang kalaban-laban! Hindi pa nga nagsisimula ang entablo, may nanalo na! Congrats, my love!" sabi ko kay Kath habang seryosong inaayos ang kanyang buhok. Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"Ano ka ba, bes. Kung ano-ano naman yang pinagsasabi mo dyan! Pero salamat ha. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka." sagot sa akin ni Kath. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sya sinagot.

"Si Maxine nga pala?" tanong nya.

"Susunod lang daw sya. O ayan, tapos ka na!" masigla kong sagot kay Kath at inikot ko na ang kanyang upuan upang makita nya ang kanyang sarili sa salamin.

Ilang saglit syang walang kibo at ngiting-ngiti lang habang nakatingin sa salamin.

"Thank you, bes." mahinahon nyang sabi sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang-braso.

"Walang anuman. Ngayon... Pumunta ka na doon and show those girls what Kathleen Gonzales can do." sabi ko sa kanya. Tumayo na sya at niyakap nya ako.

Nang nag start na ang Pageant, umalis na din ako ng dressing room at pinuntahan na si Vince na nasa may audience na. Grabe! Ang dami ng tao!

"Wow ha, parang inform na inform ka naman dyan na si Kath mananalo!" sigaw ko kay Vince ng pabiro. Eh kasi naman, halos ang nasa may right side ng audience ay may dala-dalang pangalan ni Kath. Especially itong si Vince.

Hindi sinasabi ni Vince sa akin, pero alam kong crush nya si Kath.

Ako na yata ang pinaka-swerteng tao sa buong mundo. May 2 sets of friends kasi ako. Sina Kath at Maxine ay ang girls BBF's ko. Sina Vince at James naman ay bestfriends ko 'since fetus.'

Oo, since fetus kasi simula't-sapol palang, magkasama na kami. Magkapatid ang mga nanay nina James at Vince at so that makes them cousins also. Basically, kanila James nakatira si Vince kasi anak sa labas si Vince. Ayaw kasi ng Stepfather nya sa kanya.

Si Mommy naman at ang Mommy ni James ay mag-BBF's since forever din. Sa amin yata napasa ang korona eh. Doon ako nakatira kanila James, kasi nasa States sina Mom at Dad, kasama na din ang kakambal kong si Sammy.

Kaya ang hirap-hirap na layuan si James.

"Syempre sya ang mananalo kasi sya lang naman ang maganda dyan! Tignan mo nga yang si number 9, parang hindi ata na inform na Miss Engineering 'to! Baka Miss Gay pa yan pasado!" pagbibiro naman ni Vince at hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi nya.

"Loko-loko ka talaga. Akala mo naman sinong gwapo!" pabiro ko ding sabi sa kanya.

"O si James nga pala?" tanong ko. Binigyan ako ng Vince ng nakakalokong smirk.

Hindi na nya ako kailangang sagutin dahil sa mga sandaling iyon, dumating na sya.

"Late ka na!" bulyaw ko kay James, kasama nya din pala yung mga kasama nya sa Varsity. Binelatan nya lang ako at pumunta kay James.

James & SabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon