Part 2

73 10 5
                                    

Hindi makapag-concentrate si Alex sa ginagawa. Nagpapabalik-balik sa kanyang balintataw ang mga matang unang beses niyang napagmasdan ng maige kanina. Itim na itim. 'Those eyes really spelled danger. Fierce, cold...and something else she couldn't define...

Alam niyang galit na galit ito kanina. Hindi nga niya alam kung sino ang umakay sa kanya palayo dito. Nang matapunan niya ito, iyung mga mata lang ang naalala niya, wala nang iba.

Siya na lang ang naiwan sa opisina. Mag-aalas nuwebe na pala ng gabi. Napagpasyahan niyang bukas na lang ituloy ang ginagawa since wala din siya sa sariling huwesyo upang ipagpatuloy pa yon.

Pinindot niya ang button ng lift. Bumukas ang pintuan. Hahakbang na siya papasok nang mapansing may tao na sa loob noon. Laking panlulumo niya ng makita kung sino iyon. Ang bagong MD! Ang natapunan niya ng pagkain! Ang lalaking parang gusto siyang kainin ng buo kanina...! 'Cr*ppy!'

Ayaw mang pumasok, napilitan din siya nang mapansing nakapindot ang daliri nito sa buton at parang walang balak isara iyon kung hindi siya papasok. Yuko ang ulong pumasok siya at pumuwesto sa isang gilid. Sumara ang pintuan at namayani ang katahimikan. Nag-iisa ang MD. Wala ang dalawang lalaking kasama nito kanina. Hindi iyon nakabawas sa kaba niya.

Hindi mawari ni Alex kung hihingi ba ng pasensiya o hindi sa lalaki. Sa paminsan-minsang pagsulyap, napansin niyang nakabihis na ito. Ang suit na suot kanina ay napalitan na ng itim na long sleeve polo. Nakatupi hanggang siko.

"Wala ka bang sasabihin?"

Parang kulog na dumagundong sa pandinig ni Alex ang boses nito. Bilog na bilog. Napatingala siya at nabigla nang mapansing nakaharap na ito sa kanya. At malapit na malapit ang mukha sa mukha niya!

Napaatras siya sa kaunting space na natira sa kanyang likuran. Patay-malisyang tumingin ng tuwid sa mga mata nito. Napanganga uli siya at bahagyang nasita ang sarili. Kailangan niyang himingi ng dispensa pero nakatunganga lang siya sa harapan nito.

"Are you really like that? Not apologizing for your mistake...?"

Parang bata siyang pinagsasabihan nito pero wala pa rin siyang reaksiyon. Isang munting boses ang narinig niyang nagsabi ng 'sorry'.

Narinig niya ang tawang kumawala mula sa lalaki. Insulting... Freaking annoying...

'Wala kang karapatang magalit Alex... ikaw ang may kasalanan...' pagtitimpi niya sa sarili.

Sa mapagkumbabang boses ay humingi uli siya ng sorry...

"Sorry po talaga... hindi ko po sinasadya ang nangyari kanina..." hindi pa rin siya tumitingin dito.

"Teka nga muna... are you scared of me? Am I that intimidating to you? Lahat kayong nakakaharap ko, seem scared..."

Tumuwid ng tayo si Alex at tiningnan din ng tuwid sa mga mata ang lalaki. "Ganito ho kasi iyun, ang totoo, I didn't really know who you are. I just heard from my colleagues that you are the new MD... sorry but I haven't attended this morning's meeting... and I think, may nasabi ho kayong nag cause ng ganyang reaksiyon mula sa mga kasamahan ko... and sorry but I'm not intimidated by you nor I'm scared... nabigla lang ako kanina sa boses ni Chairman... kaya natapunan kita ng pagkain.... Po..."

Nakikinig lang ang lalaki sa mahaba niyang paliwanag na may pakumpas-kumpas pa. Para pa ngang amused ito sa kanya. Pamayamaya pa, nagsabi, "K. apologies accepted. But there's just one thing I need to clarify with you.. I don't want rumors to spread against me ----"

Bumukas na ang pinto ng lift sa 1st floor. Dali-dali siyang yumukod sa lalaki at lumabas. Naiwan itong nakanganga sa inasal niya.
---------------------------------------------------
Salubong ang kilay ni Alex nang makapasok sa loob ng bahay. Iniwan na nga lang niya ang bisikleta sa porch. Bahala na kung masabon siya ng yaya nila.

Secretly Rebellious (Completed)Where stories live. Discover now