Part 3

59 9 0
                                    

Kabibihis lang ng damit ni Alex nang dumating si Chief Ting. Tiningnan lang nito ang suot niyang skinny white jeans at oversized brown shirt saka pumasok sa opisina nito. Dahan-dahan niyang sinundan ang tabaing chief. Pagkasara ng pinto, kaagad siyang lumapit dito.

Nabigla pa ito sa bigla niyang pagsulpot.

"Ay, ano ka bang bata ka! Sa uli-uli gumawa ka man lang ng kahit kaunting ingay. Aatakehin ako sa puso sa ginagawa mo..."

Kung silang dalawa lang, parang tatay ito kung magsalita. Madalas pa nga siyang pagalitan dahil sa mga manners niya keysa sa sariling ama. Kahit masungit ito, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa mga kaopisina, nasa lugar naman at tsaka, malumanay itong magasalita sa kanya kapag naglambing na siya.

"O, anong problema? Your father just called me... ngayon na ba tayo aakyat?"

Tumango lang siya at kumindat pa. "Pag marami iyung chocolates na bigay ni Ninang, hati tayo..."

Napahagalpak ng tawa ang matandang lalaki. Kahit masungit ito, nakakahawa naman ang tawa nito. "Ako nga'y huwag mo nang i-bribe... aba, sa ibinigay mo pa lang kay Julius, bawing-bawi na ako..." si Julius ay nag-iisa nitong apo na 6 years old na palagi niyang binibilhan ng kung anu-ano lang. Nawiwili kasi siya sa kakulitan nito lalo na pag dumadalaw ito sa office nila.

"La ho iyon. Tayo na..?"

"Bonjour!!! Comment allez-vous?"

Namilog ang mga mata ni Alex nang marinig ang boses na iyon. Maging si Chief Ting ay natigilan sa may pintuan. Babalik sana siya uli sa loob ng opisina nito nang may biglang pumulupot sa kanya mula sa likuran.

"Hello, friend..."

Sa mga ganitong sitwasyon, parang gusto nang maglupasay sa sahig at umatungal ni Alex.

"Hello, it's me, Karla. Your beloved friend..." nakangisi pa ang mukha ng kambal nang humarap siya dito. Marahil hindi pa ito nakauwi sa kanila dahil kuntodo make up pa ito. Nakalugay ang mahabang buhok at naka above the knee na bulaklaking bestida. Sa opisina nila, kilala itong anak ng mga Rivero at bestfriend at malayong pinsan niya. Hindi naman ito mapagkakamalang kambal niya dahil fraternal twins sila. Magkasingtangkad pero di magkamukha. Kaya nga ba hindi na naninibago ang mga kaopisina kung paminsan minsan ay dinadalaw siya nito. Iyon nga lang parang sawa ito kung pumulupot sa kanya na para bang ayaw siyang pakawalan. Napagkakamalan tuloy na magsiyota sila. Sa mga ganitong mga pagkakataon, gustong gusto na niyang batukan ang kambal. Pero hindi naman niya magawa. Likas kasi itong malambing lalo pa't lagi itong wala sa bahay nila at miminsan lang silang magkita.

Palihim siyang sinenyasan ni Chief Ting na hindi na ito sasama sa kanya. Tumango na lang siya. Nagtawanan na lang ang mga kaopisina niya sa nakita. Maging sa loob ng lift ay nakayakap sa kanya si Karla. Mabuti nga lang at dadalawa lang sila sa loob. Palihim niya itong kinurot.

Napaigtad si Karla pero hindi bumitaw sa kanya. Pinandilatan niya ito.

"Don't you miss me..? I miss you so badly..."

"Umayos ka Karla Rivero..." nag gagalit-galitan siya. "hindi ka pa nga nakauwi kay mommy, andito ka na..."

"Tinawagan ko naman si Daddy. Sabi niya, samahan daw kita... Don't worry, I won't makiagaw sa chocolates... hehe..."

Napangisi na lang siya. Alam kasi nito ang addiction niya sa chocolates. Noong maliit pa sila, lahat na chocolates na natatanggap nito, sa kanya napupunta, habang ang mga dolls niya, dito niya ibinibigay.

"Wow, you cut your hair even shorter this time..." pinaglalaruan pa nito ng daliri ang buhok sa batok niya. Iyon namang pagbukas ng lift door at pumasok si Dwayne. Galing ito ng 25th. Ni hindi man lang bumitaw si Karla sa kanya. Na conscious tuloy siya at lihim na siniko si Karla pero lalo lang itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi pabayaan ito habang tahimik na nakatayo si Dwayne sa tabi niya. Bahagya niyang iniyuko ang ulo na parang humihingi ng paumanhin sa lalaki.

Secretly Rebellious (Completed)Where stories live. Discover now