Nakakainis yung kaklase ko, napaalis tuloy ako ng classroom dahil sa kanya! Ganto kasi nangyari;
"Grabe sobrang boring!" Bulong ko dahil wala naman kaming ginagawa kapag math time, sobrang tamad kasi ng teacher namin.
Tumungo na lang ako at maya maya ay nasa dreamlang- napatunghay ako ng may kumulbit sakin, "huy wag kasi!" Inis kong sabi dahil alam kong naririnig ako nung kumulbit sakin.
Tumingin ako at nakitang nagpipigil ng tawa yung dalawa kong maloko na classmates, sila panigurado nangti-trip sakin.
Edi ayun na nga, tumungo na lang ako dahil kulang din ako sa tulog. Pambawi na din 'to no- tumunghay ako at tumingin sa likod dahil may kumulbit na naman sakin, pero tangina wala pa ding natingin sakin.
"Tangina, isa pa ha. Isa pa." Naiinis kong sabi at tumungo na ulit ako. Napapanaginipan ko na si crush, tangina tangina tangina-
"TANGINA, ANO BA!" Sigaw ko at masamang tingin ang binigay ko sa likod- "The value of x is- oh ma'am, andyan pala kayo." Sabi ko sabay hablot ng ballpen ko at mano manong nagsulat.
Tangina ang lamig na ng pawis ko dahil hindi pa din natitibag ang titig sakin ni ma'am, putangina.
Dahan dahan kong tinignan ang mga kaklase ko at nakatitig din sila sakin, "Ano?" Bulong ko, tinuro naman nila ang baba ko kaya hinawakan ko-
TANGINA MAY PANIS NA LAWAY PA AKO!
Tangina tangina, naiihi na ako dahil nakatingin pa din si ma'am sakin- "GET OUT!!!!"
Kaya shout out sa mga tarantado kong classmates, tangina nyo!!!
BINABASA MO ANG
Kwentong Estudyante
HumorMga katangahan, katarantaduhan, at kalokohan ng mga estudyante!