Turn 48: "does she deserve this?"

223 5 0
                                    

Tristan Jake's POV

Third Monthsary namin ni Bii Sophia.Plano ko syang isurprise at gawing memorable ang araw na to. Mahal na Mahal ko siya at alam kong siya na ang huling babaeng mamahalin ko.

Hindi na siya nagpasundo at mukhang excited na sya kahit di nya sabihin.Isa din yan sa minahal ko sa kanya kahit na napaka moody at pabago bago marunong din naman syang magsettle at pangatawanan kung anung sinabi nya.

Sa City kung saan nandoon ang malaking orasan dun kami magkikita.Kinuha ko ang cellphone ko at tingnan kung anong oras na.

It's 9 am already.Naligo na ako at bumihis ng pinakapresentable na damit ko para hindi ako nakakahiya pagkatabi ko si Sophia.Of course its not about the look for her but for me importante yun lalo na at minsang makasalubong namin ang isang relative nila.Galing pa naman akong court noon at hindi na nakapagshower kaya medyo nahiya ako sa kamag- anak nya.

'anokabaangbangomokaya! kahitpawisan kana mabangoka pa din.Magingmabaho o mabangoka presentable o kahiyahiyaayMAHALkita.!! Proud akosayo ^^'

 Sabi nito para mawala ang pagdududa ko.

Blue polo shirt ang napili ko at leather jeans with converse shoes.Bagay naman sakin sa tingin ko.Dahil sobrang masaya ako ay halos ipaligo ko na ang pabango ko.

11 am

 Paalis na sana ako ng condo ko ng maalala kong nalimutan ko yung scrapbook na regalo ko para sa kanya.Kaya iniwan ko muna ang cellphone ko sa table malapit sa sofa saka pumunta sa kwarto.

Nang biglang may mag doorbell kaya mabilis akong bumalik at binuksan ang pintuan.

Hindi ko inaasahang si Krisha ang makikita ko.Hilam na ang mata nya sa kakaiyak at mukhang may malaking problema.

"Krisha what happened?"

"TJ we broke up."

Hindi ko na sya tinanong pa dahil sapat na sakin ang sagot nyang yun.Kilala ko si Krisha at pag may pinagdadaanan eto gusto nito ng laging may kasama kahit wag syang kausapin basta nasa tabi lang nya ito at isa pa minahal ko sya kaya kilalang kilala ko siya.

"TJ bakit sya ganon? Mahal na mahal ko siya!!" 

"Krisha maybe may hindi lang magandang nangyari you know him too na ganon yun pag problemado madalas ay padalos dalos."

"no!! Its the end!! wala ng balikan na magaganap dahil sinabi nyang wala na talaga!"

I stayed silent dahil hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagbalik ko nakita ko si Krisha nakaupo na sa sofa at napansin kong may kinuha sya sa table.Pag tingin ko naman sa kanya sa mata ay nag simula na naman syang umiyak.

Binigay ko sa kanya ang tubig at ininom nya ito.Iyak lang sya ng iyak at hindi ko na alam kung gaano katagal syang umiiyak simula ng dumating sya.

Napatayo ako ng maalala kong may dapat nga pala akong puntahan.! 

The Last Princess by NicaKawaiiChanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon