Holiday ngayon at nakaschedule ako mag-aral. Nagtext ka sa akin at nagpaalam kung pwede mo akong sabayan. Pumayag ako dahil napalapit na rin naman ako sa'yo. Nagkita tayo sa kanto ng dorm namin at sabay nating tinungo ang coffee shop. Ilang oras tayong nagbasa at paminsan minsa'y nagkikwentuhan. Noong napansin mong medyo bored na ako ay niyaya mo akong mamasyal. Wala rin naman akong training kinabukasan kaya pumayag ako. Sumakay tayo ng jeep, parehong hindi alam kung saan tutungo. Masaya tayong nagkikwentuhan at tinanong mo ako kung nakapunta na akong luneta. Sabi ko hindi pa, hindi naman ako palalabas eh. Agad mong pinara ang jeep noong nasa tapat na tayo ng luneta at marahan mo akong hinila pababa. Hinawakan mo ang kamay ko at sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako tumanggi. Magkahawak tayo ng kamay habang umiikot tayo sa luneta. Noong napagod na tayo ay napaupo tayo sa damuhan. Masaya lang tayong nakaupo at walang kasawaang kwentuhan. Iba ang dating mo sa akin. Madalas tahimik ka at kung magsalita ay daig mo pa ako sa pagkahinhin. Refine kang gumalaw at naamaze ako sa'yo. Napagkwentuhan natin ang family mo, na pareho tayong wala ng tatay, galing probinsya, pareho ng taste ng music. Marami tayong pagkakapareho, sa sobrang dami ay mas napalapit ako sa'yo. Maya maya ay nagtakip silim na at tahimik nating pinanood ang pagdilim ng kapaligiran. Hindi ko namalayan na dumampi na ang uyong mga labi sa akin. Unang beses akong makaranas ng ganun pero hindi ako tumanggi, tayo na nga ba? Hindi ko alam na kahit na nagulat ako pero hindi pa rin ako tumanggi. Nahulog na nga ako sa'yo. Hindi mo ako nililigawan. Magkaibigan lang tayo pero bakit mo ako hinalikan? Mga katanungang agad na pumasok sa isip ko pagkatapos ng halik na 'yon dahil habang magkalapat ang mga labi natin, wala akong naiisip. Hindi ko man lang naisip kung may makakakita ba sa atin o wala. Nablangko ako. Maya maya ay niyakap mo ako at niyaya ng umuwi. Hinatid mo ako sa dorm namin bago ka tumuloy sa dorm niyo. Habang ikaw ay papalayo, pumasok na naman sa isipan ko kung tayo na ba?
Dumaan ang mga araw at napapansin na ng mga tao sa paligid natin ang pagiging malapit natin. Sa totoo lang, parang tayo na hindi. Parang tayo umasta kaso wala pang confirmation. Hindi ko nga alam kung anong tunay mong nararamdaman. Hulog na hulog na ako sa'yo at hindi ko alam kung paano aahon. Naging masaya ako. Volleyball season na at pareho tayo ng schedule ng training. Hindi natin kailangan mawalay ng matagal. Nagkayayaan ang teammates natin na magkaroon ng konting celebration dahil parehong napanalo natin ang matches natin noong araw na 'yon. Cinorner tayo nila yeye at pinaamin tayong dalawa. Noong una ay hindi pa tayo umaamin dahil wala naman tayong aaminin, di ba? Pagkatapos ng mahaba habang pangungulit ay sinabi mong tayo na. Hindi ko ako tinanong kung tayo na nga ba. Hindi ko nga alam na nanliligaw ka pero kagaya noong halik, hindi ko nagawang tumanggi.
Natapos ang season na 'yon at hindi kayo nakapasok sa final four. Kami naman ay sa game 3 ng finals. Nandoon ka at pinanood mo kami, ang saya ko. Inspiradong inspirado ako dahil bukod sa pamilya at mga kaibigan ko, dumating ka sa buhay ko. Awarding ceremony na at nakuha ko ang best server at rookie of the year award. Sobrang saya ko habang nakatingin sa'yo. Salamat kasi kahit malayo ako sa pamilya ko, isa ka sa mga taong alam kong naging pamilya ko dito sa manila. Pagkatapos ng awarding ay nagsimula na kami. Noong una ay nasisilayan pa kita kaso noong last set na ay bigla kang nawala. Pinilit kong magfocus sa game kaso nakailang error ako at napilitang magtime out si coach. Medyo napagsabihan ako at pinilit kong ayusin ang laro ko. Hanggang sa nakuha namin ang championship. Masaya ako, unang taon ko at may chanpionship agad. Hinahanap kita kasi gusto kutang yakapi kaso wala ka. Natapos ang lahat ng celebration at nakapag-ayos na rin kami at papunta na celebration kaso hindi pa rin kita makta. Tinatawagan kita kaso hindi ka sumasagot. Pagkatapos ng victory party namin ay tsaka mo lang sinagot ang tawag ko. Nag-alala ako sa'yo ngunit sabi mo ay nagkaemergency ka sa kapatid at kailangang umalis. Inintindi ko 'yon.
Athletes' Night ngayon at kahit ayaw mong pumunta ay napilitan kang pumunta. Nirecognized lahat ng nagchampion at individual awards at pinaakyat sa stage. Maya maya ay nilapitan kita at magkatabi lang tayo buong gabi. May senior kang dumaan at cinongratuluate ako kaso humirit siya na dapat ikaw din next year magkaaward o magfinal four. Hindi ako nakasagot kasi nahihiya ako. Sabi mo wag siyang mag-alala at lalampasan niya pa ang mga nakuha ko ngayon. 'Yong gabing 'yon. 'Yon ang simula ng unti unti mong pagbabago.
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Alam kong nakainom ako dahil ganito madalas mangyari pag umiinom ako. Ngunit napanginipan ko na naman lahat. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nagtaka ako dahil ibang kwarto ang nakita. Ginala ko ang mga mata ko pero hindi ko alam kung kaninonh kwarto 'to.
"Good morning"
Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ko si Thomas sa may pinto na nakangiti na parang natatawa. Nakakatawa ba itsura ko? O kaya baka may nasabi akong katangahan kagabi? Ganoon ba ako kalasing? Nakakahiya. Hindi ko alam gagawin at agad akong tumayo ngunit nauntog ako dahil may book shelf pala sa taas ng kama. Napahawak ako sa ulo ko dahil masakit talaga at feeling ko magkakabukol na ako. Nadagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Agad naman akong nilapitan ni Thomas at inalalayan. Napatingin ako sa mata niya at basang basa ko ang pag-aalala niya.
"Hey, you okay?"
Malumanay at punong puno ng pag-aala niyang tanong. Tumango ako at nagthumbs up. Sobrang kahihiyan na ang pinanggagawa ko sa harap ni Thomas at hindi naman kami close para matubghayan niya ang lahat ng 'yon.
"San na sila Clyde?"
Tanong ko matapos kong mapansing wala ang mga kasama namin sa kwarto. In fairness sa kwarto, malinis pero halatang si Thomas ang may-ari nito. Bukod sa pictures niya ay nakita ko ang ilang gamit pang basketball. Organized at mabango ang kwarto niya.
"Nasa baba sila, kumakain na. It's lunch na kasi. I was checking you out when you woke up. Anyways, tara kain na tayo."
Inayos ko ang sarili ko at tumayo na rin. Gusto kong itanong kung anong nangyari kaso hindi ko alam kung paano. Kinakain ako ng kahihiyan eh. Sumuka ba ako kagabi? First time kung malasing ng ganoon eh. Tahimik lang kaming bumaba ni Thomas papuntang dining table. Masayang nagkikwentuhan sila Clyde ng maabutan ko sila. Naunang lumapit sa kanila si Thomas at tumabi kay Clyde.
"Ate Ara, take a seat na."
Paanyaya ni Clyde sa akin at umupo ako sa tabi ni Thomas. Maya maya ay kumain na kami at kwinento nila ang kahihiyang ginawa ko. Pagkatapos ko raw magbreakdown ay nakatulog agad ako. Binuhat na lang daw ako ni Thomas papunta sa kwarto niya para makatulog ng maayos. Hindi naman daw ako gumawa ng iba pang nakakahiyang gawain. Hindi ko alam kung okay na 'yon dahil 'yon lang ang ginawa ko. Hindi ko rin kasi alam magiging reaksyon ko kung sakaling may iba pa akong ginawa. Patapos na kaming kumain ng lumapit sa amin ang kapatid ni Thomas lumapit sa amin. Mukhang close na ang barkada nila sa kapatid ni Thomas. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng nilapitan niya ako.
"Ara? As in Ara Galang?"
Nagulat ako ng makilala ako ng kapatid niya. Parang ang saya saya niya ng makita ako. Natatawa na lang ako kasi hindi ko iniexpect 'yon. Ang kulit niya pero nakakatuwa naman. Hanggang ngayon kasi hindi ako sanay sa atensyon na binibigay ng ibang tao sa akin. Avid fan pala ng lady spikers si Kat at nanonood daw siya ng games namin ng live.
"Kuya, akala ko ba hindi kayo close ni Ate Ara. I was asking you to introduce me to her before. Oh my gosh. Kinikilig ako. By the way, I'm Kat. Pwedeng magpapicture ate?
Hindi na sumagot si Thomas at tumawa na lang. Kinulit niya akong ifollow ko siya sa instagram at twitter. Maya maya naglaro ulit ng xbox sila Clyde ang iba naman ay busy maglaro. Nag-ienjoy naman ako sa company nila kahit paulit ulit nilang pinaalala lahat ng ginawa ko kagabi. Chineck ko ang phone ko at mag-iisang linggo na palang kinocontact ni Mark. Nasanay na kasi akong ganoon siya, na hindi nagrereply sa messages ko. Huminga ako ng malalim at naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Thomas at katatapos lang maligo.
"I hope you're feeling better now."
"Hindi na masakit ulo ko. Salamat nga pala ha.mfirst time ko kasing uminom ng ganoon eh."
"Welcome"
Kasabay ng isang ngiti. Komportable ako sa kanya. Parang ramdam ko ang sincerity niya. Kahit papaano ay gumaan naman talaga ang pakiramdam ko. Siguro ay nailabas ko ang matagal ko ng tinatagong sakit.

YOU ARE READING
A beautiful disaster.
FanfictionMahal mo siya, mahal mo rin ako. Una mo siyang nakilala pero ako pinili mo. Mahal mo ba talaga ako o pinili mo lang ako dahil mas pag-asa ang tayo kaysa sa kayo? Mahal mo ba talaga ako o kailangan mo lang ako? Mahal mo ba talaga ako o mahalaga lang...