Nakakaiyak!
Naiiyak ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko.
Naiiyak ako kasi hindi ko alam ang sagot sa mga katanungan ko.
Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung ano yung tunay na nararamdaman mo.
Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung ano pa ba ang halaga ko sayo.Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yung mga pangako.
Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yung mga pangarap na sabay nating binuo.
Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yung dating tayo.
Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yung biglang paglayo.Naiiyak ako dahil may iba ka na.
Naiiyak ako dahil pinakawalan kita.
Naiiyak ako dahil ako'y isang tanga.
Naiiyak ako dahil wala ka na talaga.Naiiyak ako dahil kahit mahal kita wala na akong magagawa.
Naiiyak ako dahil kahit mahal kita di na pwede tayong dal'wa.
Naiiyak ako dahil kahit mahal kita nasa kanya ka na.
Naiiyak ako dahil kahit mahal kita hindi yun sapat para bumalik ka.Naiiyak ako kasi mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na.