I love KathNiel so I wrote my own version of 'Kaya Pala'
---
Pinagmamasadan ni Carolina ang magagandang bulaklak sa kaniyang paligid hindi nya akalain na mangyayare eto sakanya. Tumingin sya saknyang harapan at nakita ang magagandang damit na suot ng mga malalapit na tao saknyang buhay habang nakapila. Etong araw, etong araw na pala ang kasal nya...
7 years ago...
"Carolina, tumigil ka na sa kakaiyak." Sabi ng isang kaibigan ni Carolina, si Jessa.
"Crying is good for the soul, Jessa. Let Carolina cry." Pagtanggol naman ni Divine.
Patuloy lamang sa pag-iyak si Carolina pero hindi ito malakas, tila nilalabas nya ang kaniyang sakit sa pamamagitan ng pag-iyak.
"What happened ba?" Tanong ni Divine.
"We broke up." Inilabas ni Carolina ang kanyang cellphone at pinakita ang mga litrato ng kanyang nobyo na may kasamang babae.
"Oh? Baka kaibigan lang, Carol." Banggit naman ni Jessa. Ngunit ng ilipat nila sa isa pang litrato nakita nila na nakapatong ang suot na coat ng nobyo ni Carolina sa babaeng kasama neto, at nakapatong pa ang kamay sa sandalan ng silya neto.
Tinignan pa nilang muli ang ibang litrato, ipinagtatambal sila ng mga kaklase neto. Di malaman ni Jessa at Divine kung ano ang kanilang gagawin.
"Sge bes, iyak ka na lang." Sabi ni Jessa na nagpangiti saglit kay Carolina.
Nagdaan pa ang mga araw, tuluyang naghiwalay ang mag kasintahan ngunit ang araw na ito ang kakaiba dahil magkikita silang muli pagkatapos ng dalawang buwang walang usap.
Naghihintay si Dale sa isang coffee shop, mahilig si Carolina sa kape kaya naisipan niyang doon na lamang makipagkita. Pagkatingin ng lalake sa entrance door, nakita na nya ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso, si Carolina.
"Hi. Sorry medyo traffic kasi." Sabi ni Carolina ng umupo sya sa harap ng dating nobyo.
"Ayos lang." Ngiting sambit ni Dale.
"Wait, order lang ako ng kape ko. Ikaw? May gusto ka?" Sabay tayo ng dalaga. Pinakita na lamang ng binata ang inorder netong kape habang hinihintay sya. Dumeretso sa counter ang dalaga. Habang iniisip ng mabuti ng binata kung paano sya magpapaliwanag... kung bakit gusto na nyang bumitaw.
Nang makabalik si Carolina may hawak itong iced coffee.
"Kamusta kna?" Tanong ni Dale. Unti-unting uminit ng ulo ni Carolina. Naisip-isip nyang pagkatapos nyang saktan ang damdamin neto nagawa nyang magtanong ng ganun ngunit isinantabi na lamang nya ang kanyang inis at sinagot ang tanong ng binata.
"Ayos lang." Sagot ni Carolina sabay higop sakanyang kape. "Bat nga pala gusto mong mag-usap tayo?"
"Alam kong nakita mo na lahat ng litratong nagsisilabasan nung grad ball namin. Wala yun, hindi kita niloloko, di kita ipagpapalit..."
"Then, why? Bat gusto mong makipaghiwalay? Bakit? May mali ba sakin? Meron ba kong pagkukulang? Bakit, Dale? Please, bakit?" Hindi napigilan ni Carolina putulin ang sinasabi ni Dale. Gusto na nyang malaman ang mga sagot sa mga 'bakit' sakanyang isipan.
"Gusto kong maging proud mga magulang ko sakin, Carolina. Gusto ko may ipagmalaki ako sa pamilya mo at pamilya ko. Gusto ko may maganda tayong kasal pagdating ng panahon. Gusto kong may mapakain ako sainyo ng mga magiging anak natin. Gusto ko magfocus sa pag-aaral ko." Sambit ng binata.
BINABASA MO ANG
Collection of Short Stories
Short StoryI've love you since then, I'm sorry for what I've done...