Chapter 2: Mess up with me or else..
Lisa
Nagising ako sa isang malakas na suntok sa muka. Idinilat ko ang isa kong mata at ng nakita kung sinong nanuntok sakin ay pumikit ulit ako.
"Oy gago. Di ka ba kakain man lang?"-Jennie. Di ko sya sinagot at natulog ulit. Kaso wala pa ako sa kalagitnaan ng tulog ng may marinig akong malakas na kalabog sa labas. Kaya naman napabangon ako.
"Anong nangyayari?"-Kunot noo kong tanong kay jennie na prenteng nanunuod ng t.v habang kumakain.
"Malay ko." Maya maya dumating si Ford. One of my friend. He is a guy okay? Kailangan naman nito?
"Oh ford! Anong ganap sa labas?"-Tanong ni jennie. Kumuha ng mansanas si ford at pinaglaruan sa kanyang kamay.
"Psh. Yung 2 cheerleader, ewan ko. Nagulat nalang din ako ng makita kong natapunan nalang bigla sila ng pagkain ng baboy. Kadiri."-Ford sabay kagat dun sa mansanas. Tinignan ko si jennie and nagwink sya sakin.
"Grabe ah? Ang bad namn ng gumawa nun."-Painosenteng sabi ni jennie.
"You can't fool me guys. C'mon! Dont deny it. Kung hindi sa inyong dalawa ang may gawa non, sino pala?"-At natawa nalang kaming tatlo. Kilala nya talaga kami ni jennie.
"So ano namang atraso sainyo ng mga chixx nayun?"-Naka smirk nyang tanong.
"Ewan ko nga jan kay lisa."-Nakapokerface na sabi ni jennie. Tinignan naman ako ni ford ng 'Bakit-anong-nangyare-look'
"Wala. Naartehan lang ako."-Sabi ko. Tumango tango naman si ford. Di ko na sinabi yung mga narinig kong sinabi sakin ng dalawang yun. I know them both, demonyo ako pero mas demonyo sila. Alam kong pag nalaman nila yung dahilan iiyak ng dugo yung dalawang babaeng yun. Di naman ako heartless para sabihin yun at mas lalong hindi ako sumbungera.
Buong maghapon lang akong tulog kain. Kung tatanungin nyo ko kung pumasok ba ako? Well the answer is pumasok ako sa isang subject which is the Home Economics Subject parang T.L.E iniba lang name. Psh. Dahil sa wala rin naman palang gagawin dun natulog nalang ako. Saya diba? Nang-nagbell na hudyat na tapos na ang napaka nonsense na araw na to sa school. Nag-inat ako sandali bago tuluyang maglakad papuntang parking. Pagdating sa parking lot... Maraming estudyanteng nagbubulungan.. Maraming nagchichismisan.. And pag silip ko napangisi ako sa nakita ko.May vandall yung dalawang kotse at maraming nakasulat na "DIE" na may mga drawing pang skull sa paligid. And worst.. maraming bulaklak. Hindi bulaklak na pag nakita mo matutuwa ka.. Kundi bulaklak na bukod sa nakakasuka nakakapanindig balahibo pa. Bulaklak pang patay o pamburol.
Napatingin ako sa babaeng nakanganga habang umiiyak. Habang yung isa naman ay napa-upo na sa sahig dahil narin siguro sa pagkagulat. Great job Jennie."Grabe naman yung gumawa nyan. Nakakatakot."
"Eto nanaman.."
"Gusto ko na tuloy lumipat ng ibang school."
Bulungan ng karamihan. Ng nakita nila ako ay agad silang nagtakbuhan papunta sa mga kotse nila at mabilis na pinaharurot. Scared,eh?
Wala ng tao bukod sakin at sa dalawang babaeng hanggang ngayon ay walang tigil na umiiyak. Lumingon ang isa sakin at mabilis na sinampal ako. Napataas naman ang isang kilay ko."Why are you doing this?! Di ka pa ba masaya sa kanina mong ginawa?!"-Sigaw sakin ng isang babae na.. hmm.. Aisha ata name.
Tumayo na din yung jennifer sa pagkaka upo nya sa sahig.
"Whoa~ Pinagbibintangan nyo ba ako?"-Painosente kong tanong. At isa na namang sampal ang ibinigay sakin nitong aisha nato. Looser. Yan lang ba alam nyang gawin?
"Bakit?! Hindi nga ba ikaw?! Dont deny it!! You are really heartless! Dahil ba sa sinabi namin kanina huh?! Bakit we are just saying the truth!! Salot ka! Di dapat kami ang mamatay! Ikaw! Kasi wala kang kwentaaa!!!!"-Nanginginig na ang kamay ko pero di ko pinahalata na gusto ko syang pataying ngayon na mismo.
"Aish, tama nayan. *sobs* Ta-tayo din naman yung *sobs* mali eh. Mag-sorry nalang tayo."-Sabi ni jennifer kay aisha. Nagulat naman ako ng lumuhod sa harap ko si jennifer na animo'y isang namamalimos.
"Sorry. Patawadin mo na kami. Please. We didn't mean to say those word to you lisa. And we felt sorry for that. Sorry please.."-Pagmamakaawa ni jennifer. Tinignan ko lang sya. Pilit syang itinatayo ni aisha sa pagkakaluhod pero nagmamatigas si jennifer at tuloy parin ang paghingi ng sorry sakin."Jennifer, stop it! Di ka dapat nagmamakaawa sa baliw at salot na babaeng yan!!"-Sigaw ni aisha. Itinayo ko si jennifer at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Fine. Apologize accepted."-Sabi ko.
"But.. it was only you jennifer."-Dugtong ko. Tinignan ni jennifer si aisha pero umirap lang sya.
"Sa--salamat."-Jeniffer sabay takbo na papuntang kotse nya at mabilis na pinaharurot paalis. So.. kami nalang ni aisha bitchy ang magkasama.
"If nag-eexpect ka na magsosorry ako sayo.. Dream on. Kasi hinding hindi!"-Akmang tatalikuran nya na ako ng bigla kong hilahin ang buhok nyang mahaba. Then sinakal ko sya. Pilit syang nagpupumiglas pero masyado akong malakas dahil narin siguro sa inis at galit."Tandaan mo.. Hindi isang tulad mo ang pwedeng kumalaban sakin. Kahit na anong paninirang gawin mo, hindi mo ko mapapabagsak. Walang-wala ka sakin alam mo ba yun? I can make your life living miserable. Dont you dare mess up on me again.. or else.. all of the people you love.. isa isang mawawala sayo. Remember that okie?"-At binitawan ko na sya. My rule? Dont dare to mess up with me.. or else i will make your life a living miserable. I. Existing Demon. Will tour you on hell.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: So ansabe nyo sa story? Aba magparampam naman kayo guys huhuhu! Libre dedicate yung mga next chapter! Kaya vote and comment! Purple heart for TaeLice 💜💜✨
-Goddess❌
YOU ARE READING
I Hate Love [TaeLice]
FanfictionThe best love story for me is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.