Chapter 1

102 3 4
                                    

Ivon's POV

~Kriiiiiiiiiiiing~

"Ugh ang aga aga istorbo yang alarm na yan nakakainis" hinagis ko yung alarm clock sa sahig para tumigil na yung alarm sa pag iingay nito

"Ivooooooooooooonnnnnnn!!!" napabalikwas ako ng bangon sa pag sigaw ni ate, dali dali akong pumunta sa banyo para maligo mabilis lng naman akong natapos kaya nagbihis na agad ako lalabas na sana ako ng pinto para lumabas kaso

"saan ka pupunta ha? Wala kabang balak linisin yung kinalat mo?"
Tanong ni ate sakin habang nakataas yung kilay nya waaaaaah mommy daddy please help me T.T

"alam mo bang pang apat na alarm mo na yang sinira mo ngayong araw? Ha? Linisin mo yan kasi di na ako ang maglilinis nyan, pano kung mawala ako? Wala ng maglilinis ng kwarto mo" biglang lumungkot ang mukha ni ate.
Hala! napapagod siguro sya sa paglilinis ng kwarto ko,sabi ko kasi sa kanya yung mga maid nalang namin ung maglilinis kaso ayaw naman nya

"sorry ate di ko alam na napapagod ka pala sa pagliinis ng kwarto ko, don't worry simula ngayon di na ikaw ang maglilinis ng kwarto ko" niyakap ko sya para di na sya sumimangot ayoko kasing nakikita syang malungkot

"talaga Ivon? Ikaw na ang maglilinis ng kwarto mo?"sabi ni ate habang magkayakap kami

"hindi po ate si kuya naman ang maglilinis ng kwarto ko." humiwalay nko sa pagkakayakap kay ate kaso biglang sinamaan nya ko ng tingin

"ah-he-he sa-sabi ko nga ako yung maglilinis eh hehehe"sabay pasok sa kwarto ko nilinis ko na ung mga kalat ko totoo nga pala talaga kasi nakakapagod maglinis lalo na sa tenga si ate kasi eh
"Sa harap mo oh di mo ba yan nakikita?"

"ayan pa ivon oh sa may likod mo may mga piraso pa ng mga bubog kailangan walang matitirang bubog dyan kundi di ka makakkasama sa vacation natin" oh diba sabi ko sa inyo ehh

"waaaaah ate wala naman akong makitang bubog ehh tsaka malinis na yung kwarto ko oh tsaka nakuha ko na lahat ng piraso nung alarm clock kaya sure akong wala ng bubog dito" sabi ko kay ate

"pwede ko na nga silang ibalik sa dating nilang itsura ehh"
Sabi ko ng mangiyak-ngiyak

"then go.! buuhin mo yan lahat in 15 minutes"sabi ni ate waaaaah seryoso talaga sya

"Ate naman!!" I said while pouting

"pft hahahaha just kidding ivon halika na dito nagbibiro lang si ate smile kana oh ampanget na ng itsura mo hhahaha" sabay tawa ni ate abnoy talaga to pero kahit ganyan sya love na love ko sya

" mga anak halina kayo pinapatawag na kayo ng mama at papa nyo"sabi ni yaya malou

"sige po yaya susunod na kami, ivon mauuna na ako sa baba ok? itabi mo nalang lahat ng nilinis mo para mapicturan ko mamaya, souvienir yan first time mong maglinis ng kwarto mo ehh hahahaha" Pangaasar ni ate

Bumaba na si ate ako naman pumunta sa banyo para maghugas ng kamay pagkatapos tinabi ko na ung mga nilinis ko katulad ng sinabi ni ate
Papalabas nko ng kwarto ko kaso biglang nahulog yung picture frame na may picture namin ni ate dinampot ko yun para malinisan ko baka makita ni ate lagot ako dun natapos nko sa paglilinis bumaba nko tapos nakita ko si ate na nagmamadali

" Ma , Pa mauna na kayo nila ivon may problema lang sa office susunod nlng ako sa inyo" sabi ni ate mukhang malaking problema yun ahh

" Ate promise ahh susunod ka..pinky promise?" ngumiti si ate at nakipag pinky promise sya sakin
" Promise ivon magiingat kayo ahh always remember mahal ka ni ate"hinalikan nya ko sa noo

" Ikaw din po magingat ka din babye" kumaway ako sakanya umalis na agad si ate gamit ang paborito nyang kotse

"mukhang malaki ang problema nila sa opisina ngayon ah ,pero alam kong kaya namang malutasan yan ni andrea eh"sabi ni mama

Good Girl Turns Into A Mafia Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon