Jarvis POV
Pagkatapos namin panoorin lahat ng video na meron sa laptop ni ate , diko mapigilan ang galit ko
"Mga hayop sila pinagkatiwalaan sila ni ate tapos ganto lang ang gagawin nila?mga wala silang utang na loob, pag nakita ko silang lahat papatayin ko sila agad" Sigaw ko
Napansin Kong ang tahimik ni princess natakot siguro sya sa inasal ko
"Uhm princess ok ka-" tinignan nya ko, para akong aatakihin sa puso, nakakatakot ang aura ni princess kahit na naka poker face lang sya damang dama ko yung nakakatakot nyang aura.
"Ako ng bahala sa kanila, pakitawag si mama at papa, Pakisabi na pumunta sila sa office ni ate pati narin ikaw" sabi nya nakakatakot ang boses ni princess napaka cold sinunod ko nlng ang utos nya.
Pumunta ako sa office nila mama napakalungkot ni mama, si papa naman pinipilit nyang maging malakas para samin, sa kanya nga talaga ako nagmana..
Kumatok ako sa pintuan napatingin naman sila mama sakin.
"Anong kailangan mo anak? pumasok ka"
Pumasok na agad ako umupo ako sa tabi ni mama at niyakap sya
"Magiging ok din ang lahat sigurado ako nasa langit na si ate at binabantayan nya tayo ngayon "
Niyakap din ako ni mama tapos umiyak sya hinayaan ko lang sya
"Ano nga palang kailangan mo anak? "Tanong ni papa
Bigla akong namutla kasi naalala ko yung mukha ni princess
"Sa - sabi kasi ni princess papuntahin ko daw kayo sa office ni ate " Napansin naman nila mama yung inasal ko Kaya halata sa kanila ang pagtataka, tumayo na sila at dumiretso papunta sa office ni ate
Sumunod nalang din ako...Pagpasok namin wala pa si princess, umupo na agad kami nila mama at papa.
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto ,tanging tunog lang nang orasan ang maririnig mo dito,
Makalipas ang ilang minuto, Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok na si princess ,nakakatakot parin ang aura nya pati sila mama mukhang natakot kasi ngayon lang naging seryoso at nakakatakot si princess"Pri-princess? Anong problema? Bakit mo kami pinatawag?"sabi ni papa halata sa kanya na kinakabahan sya
Dala-dala ni princess lahat ng ebidensya na iniwan ni ate,alam kong balak nya Yong ipakita kila mama , pero di ko alam bakit parang ayokong Ipahawak kay princess ang mga ebidensya na yon,
Sila mama naman tinignan agad ang laman nito,
Natapos na nila mama ang panonood at pagtingin sa mga files ,gaya ng ginawa ko galit na galit din si papa."Mga hayop sila ,tinuring ko pa silang mga tunay na kapatid tapos ganto lang ang gagawin nila?huh papatayin ko silang lahat!!"di na napigilan ni papa at napasigaw na sya si mama naman nakaseryoso lang
"Jarvis ihanda mo na lahat ng underlings natin, sabay-sabay natin silang itutumba, mga traydor sila" sabi ni mama ng seryoso
Nagtaasan ang mga balahibo ko ng dahil doon, well expected ko na yun kay mama sya ang dating queen ng mafia namin ehh,
"No one will touch those bastards " sabi naman ni princess
nakakatakot talaga sya ngayon, diko alam kong sya ba talaga ang princess namin, gusto ko na agad syang bumalik sa dati, sila mama at papa naman halatang Nagulat sa sinabi ni princess.
"Hindi sila pwedeng mamatay nalang ng basta-basta, kailangan nilang maramdaman ang sakit na nararamdaman natin ngayon,! pinatay nila si ate? Ngayon ipaparamdam ko sa kanila kung anong pakiramdam ng mawalan," Sabi ni princess
BINABASA MO ANG
Good Girl Turns Into A Mafia Queen
ActionPrincess Ivon Lee Ishikawa A good daughter to her parents, A nice sibling to her brother and sister, A nice girl to everyone Pero lahat ng yon ay nagbago ng mamatay ang ate nya sa inakala nilang aksidente, sa pagkamatay ng ate nya maraming sikreto...