• CHAPTER THREE •

42 2 2
                                    

WHAT MY HEART WANTS TO SAY
C3: PARTNER

Mia's POV

Dumeretso na kami ni Yeng sa room.

As usual...

"Mia nakita mo si Luhan?"
"Kumusta na kayo?"
"Uy Mia san poreber mo?"

Snob ko nalang sila. Hahahaha.

Ang mahalaga. Kilala ko kung sino ba talaga ang sinisigaw ng puso ko.

Syempre pamilya ko. Bago si Yeng at si Lexus hahaha.

"Miyang dali panuorin mo 'to oh. Dali habang wala pa si sir." Pag aaya niya saking manuod ng funny moments ng iba't ibang kpop groups.

"Patingin nga." Tuwa kong sabi.

"Oh. Tag isa tayo." Sabi niya sabay abot ng isang earphone.

Naalala ko tuloy si Luhan.

"Hahahahahahaha!" Di ko na napigilang matawa.

Yung mukha niyang inis na inis dahil sa hindi ko daw siya pinapansin.

"Hala siya. Anyare sa'yo?" Natatawang sabi ni Yeng.

"Wala. May naalala lang." Lusot ko.

"Yieee. Naalala mo si Luhan mo nuh?" Kilig niyang pang aasar.

"Nyenye. Ediwow Yeng" mind reader talaga 'tong bestfriend ko hahahaha.

Nasa kalagitnaan na kami ng pinapanood namin. At halos mamatay na kami kakatawa ni Yeng.

May sari-sarili kaming mundo ng mga kaklase namin kaya tawa lang kami ng tawa. Ganto kaming magkakaklase palagi pag walang teacher. Kung hindi maghahabulan, may sari-sariling mundo.

"Parating na si Seeeeeeeer!" Sigaw ni Ian mula sa labas patakbo sa loob ng room.

Nag transform naman agad yung mga magugulo kong kaklase.

Seatmate kami ni Rien kaya wala kaming inintindi. Inayos lang namin ang aming mga sarili pagdating ni Mr. Sanchez.

"Good afternoon class." Bungad niya samin.

"Good afternoon Mr. Sanchez" Bati namin sa kanya at ako nanaman 'tong parang tanga na nag bow nanaman. Nilamon ng korea eh. Haha

"Today, you need to find your partner for our practical test. Ms. Secretary ilan ba kayo ngayon?" Sabi niya sabay dako ng tingin sa akin.

Ako nga pala yung secretary. Buti nalang chineck ko kanina yung attendance.

"Sir, 28 lang po kami absent po si Lexus at Luhan." Paliwanag ko.

Onti namin nuh? Star section kasi eh. Samantalang yung ibang section doble ng bilang namin.

"Hindi absent yung forever mo Mia. May practice lang sila para sa program." Sigaw sakin ni Ramos.

That feeling na sana si Lex yung sinasabi nilang forever ko.

Kaso hindi eh.

Inirapan ko nalang si Ramos saka umayos ng upo.

Ilang saglit lang ay dumating na si Luhan, kasama si Lex.

"Good afternoon Sir. Sorry I'm late." Sabay nilang sabi.

"Mia, nandyan na yung ka-forever mo. So pwede na tayo mag umpisa. Find your partner now." Pang aasar naman neto ni Sir sa akin.

Jusq pati ba naman titser? -,-

What my Heart Wants to Say [On Hold]Where stories live. Discover now