WHAT MY HEART WANTS TO SAY
C4: Parang TotooMia's POV
"Mia gising na. Hindi ka pa kumakain ng hapunan oh."
Narinig ko yung boses ni tita sa labas ng kwarto.
"Miyang. Sorry na. Di na mauulit. Promise." Pati si kuya Vince.
Hindi pa rin sila tumitigil sa pagkatok.
"Miaaaaaaa. Yung crush mo nandito. Lumabas ka na diyan." Hays ayan nanaman.
EARLIER.
"Sinabi ko nang partner ko lang siya para sa practical test namin. Ang kulit mong Annixelleigh ka." Inis kong sabi kay Annie.
"Kaya nga!! Ahihi yieee partner kasi kayo ng crush mo! Hihi."
"Hindi ko nga kasi siya crush eh!!"
"Omg Mia."
"Bakit nanaman??"
"Don't tell me na si Le--"
"Oo na! Si Luhan nga yung gusto ko. Tigilan mo nako please naman oh!"
"Ayieeeeeee."
Hanggang sa bahay hindi niya ako tinantanan. Dinamay pa talaga niya si tita at kuya Vince.
Tatlo sila laban sakin.
Nagkulong nalang ako sa kwarto dahil naririndi na ako sa pang-aasar nila sa akin
"Mia Zeeeeeeeen."
Psh. Hindi mo ko mauuto Annie.
"Mia Sorry na! Joke lang wala siya dito."
Sabi na eh -,
Maya maya ay naramdaman kong tila wala na sila sa labas ng kwarto... kaya naman ay napagdesisyona kong sumilip sa labas dahil curious ako kung nasan na sila...
Walang kung ano ano pa at binuksan ko ng kaunti ang pintuan...
Umasa akong gugulatin nila ako pero wala..
"Asan yung mga yun?"
hinanap ko sila sa buong bahay pero wala...
*ding dong* *ding dong* *ding dong*
sunod sunod na tunong ng doorbell..
Baka sila na yun?
Pero bakit sila mag dodorbell eh may susi naman sila? Weird.
Pagkasilip ko sa labas ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Bakit?
Meron lang naman kasing itim na van sa tapat ng bahay namin. AT
may babaeng kasing edad lang ata ni tita na nakasuot ng plain white dress at direktang nakatingin sa akin na may nangingintab na mata at para bang sa isang kurap na lamang ay hahagulgol na siya sa pag iyak.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero dahil sa di malamang dahilan ay pinatuloy ko siya sa aming bahay..
"I-i-kaw na ba 'yan?" utal na tanong niya
"Po?" gulat kong tanong.
Hindi ko naman kasi siya kilala pero parang kilalang kilala niya ako..
Hindi kaya...
"Anak?" sabi pa niya na siyang ikingulat ko.
"Mia?" aniya na nagbigay sa akin ng goosebumps.
Hindi naman napigilan ng mga mata ko ang pagluha at saka niyakap ang inang matagal kong hinanap.
"Ma..." nanghihina kong bulong sakanya.
"Mia..."
"Mia..."
"Miaaaa!!!"
bakit paunti-unting nagbabago ang boses niya?
"Mia nasasakal akoo!"
tuluyan akong napabalikwas ng malaman kong kung sino ang kayakap ko...
"Annie."
niyakap kong muli si Annie at saka tuluyang umiyak dahil napagtanto kong panaginip lang pala...
"Bakit Mia? Ano bang nangyari?"
halata sa boses ni Annie ang pag aalala para sa akin
Bakit kasi bigla kong napanaginipan si mama?
...
YOU ARE READING
What my Heart Wants to Say [On Hold]
Teen FictionWARNING: JUST VOTE, COMMENT AND ENJOY READING! KAMSAHAMNIDA! ARIGATO! SALAMAT! THANK YOU! •Aksidenteng nahulog ang puso ni Mia kay Luhan. Inakala niya na gusto rin siya ni Luhan pabalik. Pero paano ang ultimate crush niya (for 9 years) na si Lex n...