Chapter 1

7 0 0
                                    

"Good morning class!" I smiled at my students, making sure that I'll have a good impression since it is my first time to teach. Kakapasa ko lang sa board exam, at ngayon ay isa na akong lisensyadong civil engineer pero ang school na ito ang una kong inaplayan ng trabaho.

"Good morning ma'am," they replied, some with enthusiasm, others for the sake of saying it. Umupo na sila at tiningnan ako para sa aming gagawin ngayon. Three weeks ago pa ang simula ng klase pero kahapon lang ako na-hire kaya ngayon ang unang pasok ko sa trabaho. I will be teaching both Elementary and Higher Surveying, Safety Management, and Strength of Materials for civil engineering students.

"I will be your permanent professor for Higher Surveying."

I saw some of my students sighed, I was puzzled as to why.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala po ma'am."

"Hindi ko alam kung nabunutan ng tinik sa lalamunan o nalugi sa negosyo," pabirong sabi ko.

"Ma'am may pitong substitute professors na po kasi ng pumasok sa klase namin," one of my student said.

Nagulat ako sa sinabi nila. Pito? For real?

"Don't worry, ako na talaga ang prof niyo hanggang matapos ang sem na 'to." Nginitian ko sila. "Ano ang last topic niyo?"

"Ma'am wala pa po."

"Hala! Delayed na kayo sa ibang klase. O siya, I'll start our lesson with the use of Surveying in your future profession."

Nilabas nila ang kanilang mga notebook at ako naman ay nagsimulang magdiscuss ng lesson.





"Good bye class!"

"Good bye ma'am!" Nagsimulang umalis na ang aking mga estudyante kaya binura ko na lang ang mga isinulat ko kanina sa board. Habang nagbubura ay iniisip ko na kung paano ang gagawin ko para sa klaseng 'to dahil sobrang delayed na sila sa lessons, wala pang mga seat works, assignments, at quizzes. Napatigil ako sa pagbubura nang may tumikhim sa likod ko. Nilingon ko kung sino iyon at isang lalaking estudyante ko ang sumalubong.

"Oh! Hello, ano 'yun?"

"Ma'am pwede po bang mgpaturo sa ibang subjects?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Nahihirapan po kasi ako sa ibang subjects ko, wala naman po akong mahanap na tutor. Kung okay lang naman po sa inyo."

"I'll check my schedule first then I'll inform you Mr?"

"Arzadon, ma'am. Jerson Arzadon," he answered, smiling.

"I'll talk to you next meeting. Medyo 'di ko pa alam ang schedule ko."

"Okay po ma'am. Thank you po."

"No problem."

"Sige po ma'am, alis na po ako."

"Okay, ingat."

I continued erasing the writings on the board when someone fake coughed and caught my attention. Nilingon ko kung sino iyon at nakitang may isang lalaking nakaupo sa pinakadulong upuan sa likod. He smiled smugly at me. Nagtaka ako sa inasal niya. Estudyante ko ba 'to? Mukha naman kaming magkasing-edad lang.

Fated to HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon